Press Release
March 7, 2021

Transcript of Senator Nancy Binay's interview on dzRH's TELERADYO (hosted by Milky Rigonan)

Milky Rigonan (Q): Nasa linya po ng telepono natin, Senator Nancy Binay... Sen. Nancy, magandang umaga ho.

Senator Nancy Binay-Angeles (SNBA): Magandang umaga Milky, at syempre magandang umaga sa lahat ng tumatangkilik ng iyong programa.

Q: Magandang umaga at long time no hear Sen. Nancy.

SNBA: And long time no see.

Q: Oo, ang tagal naming hindi nagko-cover sa Senado, but anyway, Sen. Nancy. Isa ka doon sa mga talaga namang nagtanong sa Committee on Education last week. Ano ba itong for sale na, answers-for-sale scheme na mga learning modules ng ating mga estudyante? Ano ba ang sistema dyan?

SNBA: Nabanggit nga siya dun sa hearing natin sa Committee on Education na parang may ganitong raket na nagaganap, na kung nabibili na yung sagot doon sa mga learning modules. And hopefully, sa susunod na hearing ng committee ay mas matatalakay pa ng mas malalim itong sistema na nangyayari ngayon, kung totoo man.

Q: Sabi mo nga e, kung meron man dapat bigyan ng medalya si teacher, yung magulang o yung sumagot sa learning modules ibig sabihin nun Sen. Nancy di ba?

SNBA: Oo, kasi may naririnig tayong bulung-bulungan, hindi natin alam kung tsismis ito or may katotohanan na minsan, yung mga nanay na yung sumasagot dun sa learning modules ng mga anak nila. Siguro kasi para hindi na lang nila pag-awayan...

Q: Ito yung print out na dinidistribute sa mga estuduyante, sasagutan nila.

SNBA: Yes, alam mo kasi Milky, at the moment, ito talaga yung mas laganap na ginagamit ng ating mga estudyante. Printed materials, tapos sasagutin nila, ibabalik sa eskwelahan para macheck ni teacher. Bihira kasi sa mga estudyante natin sa public schools yung may online type of setup ng classroom, so kadamihan sa kanila, mahirap na malaman kung sino talaga yung sumagot dun sa mga learning modules. Talagang napakahalaga dito yung honesty system.

Q: Kasi nakalulungkot dahil kung titingnan natin, kung hindi pala yung mga estudyante ang sumasagot sa learning modules, halimbawa si nanay o si tatay, yung mga kapatid, o kaya naman ay meron silang binabayaran para sagutan yung learning modules, ibig sabihin, hindi natututo yung mga estudyante natin. Kasi di ba, may option yung mga public school, either distance learning through internet, o kaya naman yung mga materials na print, yung mga naka print na at ibibigay sa mga estudyante at isasubmit sa guro after a month yata or every week para matsetsekan (check) ng mga guro.

SNBA: Kung totoo man na nangyayari ito, bilang isang magulang, naiintindihan ko rin kung saan nanggagaling yung ating mga magulang. Unang-una, hindi naman talaga nag-train para maging isang guro ang mga magulang, kaya nga natin sila pinapasok sa eskwelahan. And isipin natin sa mga probinsya, baka yung mga magulang doon, "no read, no write", yung anak nila yung unang nakapasok sa eskwelahan. So, paano nila matuturuan yung mga anak nila para sumagot doon sa mga learning modules? Mahirap kasi, di ba, nasa sitwasyon tayo na walang physical presence sa mga paaralan, and I guess, kanya-kanyang diskarte na lang yung mga teacher, katulad nung napanood ko noong isang linggo sa tv na may mga teacher sa, I think sa Sorsogon ata yun, na on their own, may bitbit silang blackboard, nagha-house calls sila dun sa mga estudyante nila, para talagang ma-explain yung konsepto. Kasi ang hirap, ang nangyayari sa mga estudyante natin ngayon sa public school, parang self-learning sila, di ba, babasahin nila yung explanation pero pag hindi nila maintindihan, dun na tayo magkakaproblema kung sino yung lalapitan nila at magpapaliwanag.

Q: Hindi kasi katulad sa sistema sa private school, Sen. Binay, na after class, meron silang consultation, usually 1-3 pm na maglalog on lang yung estudyante doon, andun si teacher na naka stand by para, halimbawa, meron siyang hindi naintindihan, depende doon sa mga subject, nandoon lang yung mga teacher. Yan yung sa private school, kaya naman nararamdaman natin yung hirap ng mga nanay na nasa public school kasi yung iba, nagtatrabaho, paano nila tututukan yung pagtuturo sa mga bata, sa kanilang mga anak, papasok pa sila sa eskwela. Pinakamahirap pa turuan yung mga maliliit di ba Sen. Binay?

SNBA: In a way, maswerte rin ako at maswerte yung mga anak ko kasi doon sa online schooling na nangyayari sa kanila ngayon, technically, from 8 to 3 o'clock, naka-log in sila, at nakikita nila yung classmate nila, nakikita nila yung teacher nila. Para talagang nasa classroom without the physical, wala lang physical presence, but online, nandun sila, so parang may semblance of regularity in the new normal, kasi nga may recitation sila, nagku-quiz sila na kaharap nila yung mga kaclassmate nila. Iilang estudyante lang.

Q: May oras pa nga Sen. Binay na sasabihin may meeting sila. Sabi ko, 'anong meeting yan?' Yun pala, may meeting sila, parang kwentuhan lang, may araw na ganun sa isang linggo na magkukwentuhan lang silang magkakaklase. Pero sabi mo nga, yun yung mga nasa private school, maganda ang internet connection...

SNBA: Ikukwento ko na lang sayo, pati nga PE ginagawa nila online.

Q: Pati PE naka-online, pag basketball pati, makikita mo yung coach andun sa online e. Pero ito yung sistema sa private school, ang nakakalungkot, yung sistema natin sa public school na halos walang internet connectivity, na ang pag-asa natin ay yung printed learning modules na nadadaya na rin pala, Sen. Binay kaya mainit ang ulo sa hearing ni Sen. Win Gatchalian di ba?

SNBA: Oo kasi nga, ang iniisip na namin is yung for the next school year. Ito yung sitwasyon natin ngayon, mukhang problema natin yung Covid mukhang hindi siya mawawala pa.

Q: Tanggapin na natin yan.

SNBA: Tanggapin na natin yan, at ngayon pa lang paghandaan na natin kung paano tayo mamumuhay, papaano natin pababalikin sa mga paaralan yung ating mga estudyante, na may Covid. At paano nila maiiwasan na makuha itong Covid. So dapat ganun na dapat yung mindset natin, lalong-lalo na pagdating doon sa edukasyon ng ating mga anak. Kasi nakakalungkot lang Milky, siguro bilang isang nanay, parang hindi ko nakikita yung pagbibigay halaga dun sa dapat may matutu[nan] yung ating mga kabataan. Naririnig mo sa IATF, well, understandable yung health, number one yung health. Tapos naririnig natin yung ekonomiya. Pero pagdating doon sa usapin ng edukasyon, halos wala kang maririnig na meron tayong kailangan din na isipin...nakakatakot, kasi itong generation na ito, e baka sobra silang mapag-iwanan at hindi na sila makahabol, whether yung learning nila na mga math, science, but also, yung mental health din nitong generation na ito.

Q: Totoo nga, sabi nga, we have to live with Covid-19. Kasi imposibleng maresolba itong pandemic na ito sa loob ng isa, dalawa, tatlong taon pa. So life goes on, sabi nga natin. Pero ang sabi mo nga, totoo yun, yung IATF may mga plano sa ekonomiya, nauuna pa yung mga plano sa mall, sa mga arcade, pagbubukas ng mga sinehan, pero hello, kamusta naman ang edukasyon ng mga bata natin, di ba, Sen. Nancy?

SNBA: Yun nga yung naging concern natin, lalong-lalo na nung nag-umpisa yan, nung nagbukas yung para sa turismo, parang pwede silang pumunta ng Boracay, pero hindi sila pwedeng magpakita sa eskwelahan, di ba? At the end of the day, the mere fact na lumalabas ka ng bahay mo, yung probability na makukuha mo yung virus, nandun na yun e. Given na yun, na at a certain percentage, pag lumabas ka ng pinto mo ng bahay mo, may possibility na makukuha mo yung Covid kung hindi ka mag-iingat. So ngayon pa lang, paghandaan na natin, ano ba yung mga dapat na sistema na dapat nating gawin para makabalik ang ating mga estudyante sa eskwelahan. In fact, dun sa hearing, very interesting yung naging usapin di ba, katulad yung sa mga private school, isa nilang suggestion baka unti-unti pwede na din, siguro by schedule, pwede na silang pumunta sa library..

Q: Hindi buong klase...

SNBA: Hindi buong klase. Siguro, sampung estudyante at an hour, pwede silang pumunta sa library, or pwede nilang magamit yung gym kung may ganung facility. Kasi isipin din natin yung mental health nung ating mga estudyante, aside from the formal learning na kailangan din nilang habulin.

Q: Oo kasi yung iba talagang nabuburyong na rin sa tagal, nag-a-anniversary na nga ang ating quarantine ngayong March. Mag-iisang taon na.

SNBA: Yes, mag-a-anniversary na ako, nauna kasi ako at si Sen. Sherwin dun sa quarantine dahil March 11 (2020) pa lang napilitan na kaming mag-isolate. So ang lockdown, I think, was March 15 (2020) e. Pero kami ni, ako, e (March 11) pa lang e nakakulong na sa bahay.

Q: So mag-a-anniversary ka na pala Sen. Nancy. Sabi mo nga...

SNBA: Yes, mag-a-anniversary na ako. Pero ang nakakaungkot nga Milky, after one year, we're back to where we were.

Q: Ganun pa rin ang sistema, though medyo mas marami na ang lumalabas ngayon, nagbabyahe...

SNBA: Pero yung cases, mataas na naman tayo ulit.

Q: Pero sabi mo nga, napag-usapan sa hearing ng Committee on Education na ngayon pa lang ina-assess na natin kung ano ang magiging sistema natin the next school year. So anong napag-usapan sa committee hearing? Aalisin na ba itong learning modules?

SNBA: Titingnan natin, kasi I think magkakaroon pa rin tayo ng learning modules but para kasi sa akin, and I think, pati sa mga kasama kong Senador tulad ni Chair Sherwin Gatchalian, ang importante kasi sa amin e yung maumpisahan natin yung some type of face-to-face classes para dun sa ating mga estudyante. Nothing beats yung may interaction kay teacher e. Yun yung kailangan nating pag-aralan at paghandaan kung paano natin gagawin yan, and kaya nga namin paulit-ulit na sinasabi, na baka pwede na doon sa zero or halos insignificant yung cases ng Covid-19 nila, e magpilot testing na tayo. Hindi namin sinasabi na buksan natin yung face-to-face sa lahat, ang sinasabi lang namin, umpisahan natin, kumbaga mag-experiment muna tayo doon sa mga zero cases na mga paaralan.

Q: Ano ba ang final na listahan ng DepEd? Kasi ikaw yung nagulat na kung yun daw yung listahan na ipipresenta na sa IATF at kay Pangulong Duterte, kung ikaw yung Pangulo ay hindi mo raw aaprubahan sa dami. So anong final recommendation ng DepEd nung listahan nung pilot testing ng face-to-face classes?

SNBA: So far wala pa silang sina-submit, pero katulad nga nung nabanggit ko sa hearing, kasi doon sa presentation nila, parang nabanggit pa na sa NCR, meron pa silang mga eskwelahan na iniisip gamitin for pilot testing, na parang, para sa akin, yung pagbanggit pa lang ng NCR for face-to-face pilot testing e automatic hihindi na ako agad. Kasi it does not make sense...

Q: Kasi mataas pa ang Covid pa rin...

SNBA: Yes, tayo pa rin ang epicenter of the crisis tapos magpa-face-to-face tayo rito. So dapat umpisahan muna natin sa mga lugar na talagang safe. Sabi nga, dapat meron silang checklist e at kung pasok dun yung ano, na hindi ang batayan ay kung GCQ or MGCQ but yung actual on the ground data pagdating doon sa Covid.

Q: Oo, sabi mo nga ay huwag lang aasa ang DepEd sa mga report na mga health quarantine protocols kundi kung ano yung mismong nangyayari doon sa mga lugar kung may kaso ba ng Covid o wala, o kaya mababa lang ang Covid cases. May mga reaction ang mga texters natin, natutuwa sila kasi ikaw daw yung tinig ng mga nanay sa Senado. Totoo ho yan, pag naghi-hearing maraming panukala si Sen. Nancy, halatang nanay na nanay.

SNBA: Yes, sa mga lady senators, ako na ata yung may pinakabatang anak e, kaya siguro relate na relate ako.

Q: Dito sa distance learning.

SNBA: Lalo na nitong umpisa nitong Covid, hindi naman ako techie na person, di ba yung mag-operate lang, mag log in...

Q: Mag zoom...

SNBA: Yung mga Google classroom na yan, talagang nakaka-intimidate na, e what more pa kaya yung ibang kababayan natin na baka ngayon lang nakakita ng computer o nakahawak ng gadget.

Q: On that note, Sen. Binay, maraming salamat sa panayam ngayong umaga. Maraming salamat at good morning.

SNBA: Good morning and maraming salamat Milky. And ingat pa din.

Question: Maraming salamat Sen. Nancy Binay sa Isyung Pambayan.

News Latest News Feed