Press Release
March 10, 2021

Gatchalian on Fire Prevention Month: Regulate the LPG industry to save lives, properties

As important as the necessity to regulate the liquefied petroleum gas (LPG) industry in the country is the need to ensure the well-being of more than eight million Filipino households depending on LPG for their daily cooking needs, Senator Win Gathalian said.

In the observance of Fire Prevention Month, Gatchalian underscored the significance of enacting into law Senate Bill No. 1955 or the proposed LPG Act which seeks to institutionalize a cylinder improvement program aimed at removing unsafe tanks from circulation and allowing the swap of an empty LPG cylinder with a filled one.

"Hindi madali para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa sunog ang bumangon matapos maabo ang lahat ng pinagsikapan nilang maipundar lalo na ngayong panahon ng pandemya," he said.

Records from the Bureau of Fire Protection (BFP) showed a total of 286 LPG-fire related incidents since 2018. At least 104 were recorded in 2018, while there were 96 cases in 2019 and 85 incidents took place last year. One LPG-related fire incident took place last January, the only incident so far this 2021, the BFP said.

Aside from faulty electrical wirings and open flames, included among the common cause of fire in residential areas are gas leaks. In the latest data of the Philippine Statistics Authority (PSA), 40 percent of Filipino households use LPG daily.

SB 1955, which was recently approved on third and final reading by the Senate, seeks to put in place a national energy policy and regulatory framework to strengthen and streamline the laws and regulations overseeing the domestic LPG industry.

Included in this measure is a provision allowing consumers to swap their empty LPG cylinder with a filled LPG cylinder of a different brand.

"Bukod sa magiging mura na sa mga mamimili ang pagpalit ng tangke ng LPG dahil hindi na nila kailangang bumili ng bagong basyo sakaling mag-iba sila ng brand, masisiguro pa ang kaligtasan nila dahil mawawala sa merkado ang mga luma at recycled na mga tangke na kadalasan ay sanhi ng mga pagsabog at sunog," Gatchalian said.

# # #

Gatchalian nanawagan ng pagsasaayos ng LPG industry kasabay ng Fire Prevention Month

Kasing halaga ng pagsasaayos ng industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa ay ang pagsisiguro sa kapakanan ng may higit sa walong milyong pamilyang Pilipino na umaasa sa LPG sa kanilang arawang pangangailan, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month, binigyang diin ni Gatchalian ang kabuluhan ng pagsasabatas ng Senate Bill No. 1955 o ang panukalang LPG Act na magtatatag ng cylinder improvement program upang maalis na sa sirkulasyon ang mga depektibong tangke ng LPG at payagan ang sinumang nais na palitan ang walang lamang tangke ng may laman.

"Hindi madali para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa sunog ang bumangon matapos maabo ang lahat ng pinagsikapan nilang maipundar lalo na ngayong panahon ng pandemya," sabi ng senador.

Sa talaan ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 286 ang bilang ng naganap na sunog na may kinalaman sa LPG mula noong 2018 hanggang sa kasalukuyan. Nasa kabuuang 104 ang naitalang insidente ng sunog noong 2018 samantalang nsa 96 naman noong 2019, at 85 noong nakaraang taon. Base pa rin sa opisyal na datos, isang insidente lamang ng sunog na dulot ng LPG ang naitala nitong nakaraang Enero, ang una at pinaka huling insidente ng sunog na dulot ng sumabog na LPG sa loob ng taong kasalukuyan.

Bukod sa sirang wires ng kuryente at open flames, pangkaraniwan nang sanhi ng sunog sa mga kabahayan ang gas leaks. Ayon pa sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 40 porsiyento ng pamilyang Pilipino ang gumagamit ng LPG araw-araw.

Ang SB 1955, na kamakailan lamang ay ipinasa na sa third at final reading sa Senado, ay naglalayong magtatag ng national energy policy at regulatory framework upang palakasin at ayusin ang mga umiiral na batas at regulasyon sa pangangasiwa sa lokal na industriya ng LPG.

Kaakibat nito ang probisyon na nagpapahintulot sa mga kunsyumer na ipagpalit ang walang lamang tangke ng LPG sa may lamang tangke na iba ang tatak.

"Bukod sa magiging mura na sa mga mamimili ang pagpalit ng tangke ng LPG dahil hindi na nila kailangang bumili ng bagong basyo sakaling mag-iba sila ng brand, masisiguro pa ang kaligtasan nila dahil mawawala na sa merkado ang mga luma at recycled na mga tangke na kadalasan ay sanhi ng mga pagsabog at sunog," ani Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed