Press Release
March 14, 2021

Transcript - Excerpts of DZRH interview of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan with DZRH Anchor: Milky Rigonan

MILKY RIGONAN: Nasa linya ho natin, opposition Senator Francis Pangilinan. Senator Kiko, magandang umaga.

SEN FRANCIS N. PANGILINAN: Magandang umaga sayo, good morning sa lahat, magandang Sunday morning!

MR: Happy Sunday at meron kang resolusyon, ayan maraming mga nakikinig ngayon na mga--

SFNP: Happy Women's Month!

MR: Oo nga pala, happy women's month! Ayan. Maraming nakikinig ngayon na mga nagtitinda ng karne ng baboy at manok. Meron kang resolusyon, diba, sa Senado for calling for National Emergency dahil sa umiiral na ASF

SFNP: Oo, state of calamity, dahil kalamidad itong ASF. Milyong-milyong baboy na ang pinatay kusa para hindi kumalat itong African swine fever. At dahil dito, nagkaroon ng problema sa suplay at tumaas ang presyo. Ang huli kong dinig eh P350 ang isang kilo ng baboy ngayon, kaya mataas pa rin at ito ay binebentang palihim dahil may price ceiling na P270 at P300 at hirap ang taong bayan...dahil dito mataas ang presyo ng baboy.

At 'yung ating hog industry, halos P60 billion na ang nawawala, ang estima nila. Dahil nga sa African swine fever, natatakot ng mag-alaga ng baboy dahil nga pagka-nagkasakit, walang lunas. Ito ang Covid -- sabi nga nila -- ng mga baboy.

So yung state of calamity declaration, ilang Presidente na ng nakaraan ang nagdeklara niyan; yung foot-and-mouth disease nung 1995, yung cocolisap nung 2014. Mahalaga itong state of calamity declaration dahil ito ang magiging basehan para 'yung ating calamity fund, yung national budget for disaster, mayroon tayong 20 billion na nilaan niyan for 2021 -- Kulang kasi, sabi ng Department of Agriculture, ang kanilang pondo para matugunan itong problema ng African swine feveer. Lalo na itong indemnity, kailangan na mapondohan -- mabigyan ng danyos, ito'ng ating suporta, actually, [sa] ating mga magbababoy para maibalik at magkaroon ng suporta itong naghihingalong hog industry natin.

MR: Senator Pangilinan, di ba ayaw pang i-lift ng DA itong ipinatutupad na price ceiling sa mga produkto ng kanilang baboy at manok. Nakakatulong ba 'to? Ano po ang assessment niyo po rito?

SFNP: Well, ang sa atin kung temporary -- pero sabi nga nila 60 araw. So the sooner this is lifted and the sooner we can address yung problema ng suplay, mas mabuti.

Kaya yung tinatawag na importation kinu-kwestyon din ng maraming senador. Bakit ibaba 'yung taripa? Yung taripa, yun yung binabayaran per kilo ng mga importer kasi nga mayroon tayong local industry at 'yan ay pinapayagan ng WTO na pagka ikaw ay nag-import ng karneng baboy, pupwede kang pumataw ng kuwarenta (40) porsyento nung halaga bilang taripa. At itong taripa naman, yung minimum access volume ika nga..

MR: 'Yung MAV?

SFNP: Yes, 'yung pondo na yan ay pupwedeng ilaan sa pagsuporta sa mga local industries. So pagka-binabaan mo 'yung taripa from 40 percent o 30 percent, gawin mong 5% o 15%, ang laki nung mawawala na taripa na dapat pupunta sana sa pag-suporta sa industriya, una.

At pangalawa, ang la-laki ng kikitain nitong mga importer. Pinagdedebate rin 'yung dami ng dapat i-import kasi hindi pupwedeng bumuhos ang napakaraming imported na karne sa merkado dahil dapang-dapa na 'yung local industry. Makikipag-kompetensya pa sa mga imported na napaka-mura, eh para mo nang pinatay 'yung industriya. So kinakailangan balansihin 'yung dami ng--hindi natin sinasabing wag mag-import, ang sinasabi natin mag-import lang nung tamang halaga at tamang dami para nakaaddress 'yung pagbaba ng presyo--pero huwag naman sobra-sobra. At ang ating concern dito: nagkakadebate doon sa

Sabi ng Malacañang, 80 000 metric tons, sabi naman ng D.A. 400 000 metric tons eh ang laki-laki ng pagitan nun. Pag binuhos mo yung 400k metric tons ng baboy, number one babagsak nga ang presyo pero babagsak din yung industriya nung --

MR: Yung lokal, oo, maapektuhan.

SFNP: and the other one, hindi rin tayo nakakasiguro kung tiyak o ligtas yung mga baboy na imported at number two current price na 30% at 40% taripa, bilyon na kinikita ng mga importer na ito based on last year's prices yung taripa na halagang 40% aba, 8 billion na ang profit kapag binenta ng 250, eh yung mga binebenta ng 300 oh edi 21 billion na ang pwedeng kitain nung 40% na taripa. Aba eh ang laking kita na nito.

MR: Malaking kita pero Senator Kiko, ang talagang apektado at ang sabi nga, diba sa hearing nga ni Senator Cynthia Villar, talagang mabagal ang ayuda ng DA sa mga local industry natin

SFNP: That is right , that is right. Yan ang kinakailangang natin madaliin

MR: at may pondo raw

SFNP: sabi ng D.A, ang kailangan nila for 2021 ay mga 8 billion para sa anti-, ASF -- yung kampanya laban sa african swine flu. 8 billion pero ang tanggap nila at inamin nila 2.6 billion lang ang halaga ng DA na merong available. Kaya importante yung state of calamity dahil doon madadagdagan galing sa calamity fund ng national government na 20 billion yung kinakailangan magastos

MR: yung kailangan na pondo

SFNP: Yes

MR: So abangan natin --

SFNP: Without the state of calamity declaration nationwide, hindi natin maso-source yung dagdag na pondo. We did, again uulitin ko-- noong 1995, nagkaroon ng foot and mouth disease, nagdeclare ang malacanang ng state of emergency, state of calamity. Noong 2014, noong panahon ng cocolisap nagdeklara rin ang presidente ng state of emergency/state of calamity sa coconut industry. Nakapag-align ng mga 500 million para tugunan itong 20 milliong puno na napektuhan. After 6 months, na-address itong-- Kaya natin. We can address this problem but we have to work together and address it with interventions - ugat nga ng declarations.

MR: Other issues, Senator Pangilinan sa kabila ho ng pagtaas ng COVID Cases mukhang bukas ang malacanang for the implementation of modified general community quarantine

SFNP: Well, kung ok lang mag modified pero nasaan yung mass testing, diba? In other words, sige. Sasabihin ng Malacanang: Oh, kailangan na natin mag-modified. Oh i-report din at pag ginawa--habang ginagawa natin yan, ganito ang testing natin, ganito ang contact tracing natin, ganito ang ating isolation. Ang problema, hindi maliwanag sa mga discussion sa Senate. Si Senator Recto pa nga nagsasabi, bumagsak daw ang ating mass testing, diba? Dapat yan mga 30 000 a day pero bumagsak daw. Mga 20 000 na lang daw ata. Kaya hindi natin makita yung kaaway, yung virus kasi kung saan-saan. Kung kulang ang testing, eh talagang hindi natin malalaman -- sino ang may sakit at sino ang hindi. At hindi na-isolate kaagad. So yung modified-

MR: Dagdagan-- MGCQ

SFNP: Yes, modified quarantine--GCQ. Kinakailangan maliwanag yung testing, yung contact tracing, at yung isolation at siyempre, yung vaccine rollout.

MR: Yon.

SFNP: Diba? Yan ang kinakailangan din busisihin ng husto at paramihan ng husto ang vaccinations.

MR: Oo.

SFNP: Yung balita. Ito naman, hindi lahat sa akin galing. Yung mga mayor na ang nagrereklamo.

MR: Sa bagay, noong rollout. Balikan ko nga yung rollout, Senator Kiko diba kasi ang condition ng pangulo. Makukumbinse daw siya na ipatupad ang MGCQ kung magiging maganda yung report -- The Assessment on the vaccination rollout pero mabagal ang pagdating ng mga bakuna. Kokonti pa lang at mukhang malabo matamo natin yung herd immunity, so mukhang doon. Doon, malaki ang question at the same time, yung seguridad ng ating mga kababayan na lalabas na para buksan yung ekonomiya ho natin.

SFNP: Kaya nga importante yung contact tracing, yung mass testing para sige tuloy, buksan natin yung ekonomiya pero tuloy-tuloy yung mass testing, ang contact tracing para alam natin kung asaan ang kaaway. Sabi nga nila, bigyan ng kapangyarihan ang mga lokal talaga na gawing granular, yung local lockdowns. 'Yan kasi ang nakakaalam kung dumadami o hindi, sila mismo ang nandiyan sa baba. Dapat din sa halip na national modified quarantine etc. e dapat gawing granular

MR: Localize

SFNP: bigyan ng kapasidad ang ating mgga lokal

MR: Other issues panghuli, Senator Kiko. Kumusta ang liberal party kaugnay ng nalalapit na 2022 election?

SFNP: Well, sabi nga ng ating chairperson na si Vice President Leni, pagtuunan ng pansin itong problema ng pandemya, pagtaas ng presyo ng bilihin, itong vaccination dahil ito ang una at lahat, first and foremost ang dapat na priority. And the discussion on elections, kami naman sa party tuloy-tuloy rin naman tayong nag-oorganisa at hinihikayat ang ating mga kababayan na sumama sa partido at mga programa ng partido, ngayon busy sa mga relief operation, sa paano tutulungan ang ating mga kababayan dahil sa covid at kawalan but yes, we're still there, nag-oorganisa at naghahanda. But ang focus ngayon ay dapat talaga ay 'yung pandemic, 'yung tulong, at 'yung mga naapektuhan. In fact, bumisita ako kay Vice President last week, sabado, sa opisina niya doon sa Quezon City, e 'yung opsina niya..

MR: e parang bodega raw e. Sa dami ng mga relief, ng mga kung ano-anong pinamimigay.

SFNP: oo, damit, mga clothing, mga alcohol, mga food packs. Isang bodega 'yung ano(office) niya. Tuloy-tuloy, weekend na, walang weekend sabi nga, walang pahinga. So, I think with that example we should focus really on addressing the pandemic and how to make sure na manumbalik 'yung sigla ng ekonomiya, 'yun ang kinakailangan natin.

MR: 'Yun ang malaking problema natin ngayon, Senator Kiko, ang pandemya. Pero, ikaw na rin ang magconfirm samin, kasi nung una ang running mate daw ni VP Leni for 2022, Chel Diokno. Pero lately, naitatanong din saamin, totoo ba, Senator Francis Pangilinan daw?

SFNP: 'Di ko nga alam san galing 'yung komisyon, hindi kami nagkomisyon n'yan. Nasurpresea nga ako. Pero ako ang balak ko lang talaga is re-election. Kasi nga we can still run for one more term at saka nakapokus nga tayo sa problema. In fact 'yung ASF, 'yung resolution natin bukas ng hapon ay naka agenda, aaprubahan. 'Yun 'yung state of calamity declaration.

MR: State of Calamity for the ASF

SFNP: Kasi nga nagdeliver tayo ng privilege speech dahil naghihingalo na at umaaray na ang ating mga magbababoy at hirap na hirap na dahil sa ASF, ito ang tinututukan natin, ako ay naniniwala na ang pinakamagandang politika o public service ay na tinututukan ang mga problema, bahala na ang taumbayan kung naniniwala sila or pinaniniwalaan nila at naniniwala sila sa mga tamang ginagawa natin dito sa mga tinatrabaho natin.

MR: Pero gusto ko ng categorical statement mo, Senator Kiko, will you consider if ever?

SFNP: Well, sabi ko nga ang plano ko is re-election. So, sabi ko nga wala namang shortage sa nag aambisyon sa mataas na tungkulin na Presidente and Vice President, may oversupply nga ng mga ambisyoso, wag na natin dagdagan.

MR: Anyway, Senator Kiko, maraming salamat sa oras ngayong umaga.

SFNP: Okay, maraming salamat, Milky. Please, stay safe, may surge ngayon, wag tayo, let's not put our guards down, masks, wash hands, face shields, iwasan ang mga lakad na hindi naman talaga kailangan na kailangan.

MR: Happy Sunday, Senator Kiko.

SFNP: Yes, happy sunday! Thank you, thank you.

MR: Maraming salamat, opposition senator, Francis Pangilinan. Ayaw pa nilang magsalita tungkol sa politics 'no? Sabagy malayo pa ho 'yan. At matindi po ang problema natin sa pandemya.

News Latest News Feed