Press Release
March 15, 2021

Gatchalian: 'Safe schools' infrastructure needed

Even though the pilot tests of localized and limited face-to-face classes have yet to start, Senator Win Gatchalian said the Department of Education (DepEd) should lose no time in putting up the much needed infrastructure for the safe reopening of schools.

"Dapat ngayon pa lang ay pinaghahandaan na natin ang muling pagbubukas ng mga paaralan at gawin nating prayoridad ang pagkakaroon ng sapat, ligtas, at matibay na mga pasilidad, pati na rin ng malinis na tubig sa ating mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga guro." said Gatchalian.

According to the senator, adequate water, sanitation, and hygiene (WASH) facilities should be ensured especially in schools where they are not available. According to DepEd, 3,861 public schools have no access to potable water, while 7,704 group handwashing facilities need to be constructed.

Under the 2021 national budget, P11,146,531,000 is allotted for Basic Education Facilities, P2,920,325,000 of which is for the construction, replacement, and completion of kindergarten, elementary, and secondary school buildings, and technical vocational laboratories.

The P2.9-billion allocation also covers the construction of water and sanitation facilities as well as the installation or replacement of access facilities for persons with disabilities such as ramps, handrails, and tactile paving. Another P4,706,100,000 is allotted under Basic Education Facilities for the rehabilitation, renovation, repair, and improvement of these same buildings and facilities.

Though Gatchalian proposes the establishment of an evacuation center in every city and municipality in the country in Senate Bill No. 747 or the Evacuation Center Act, he acknowledges that some local government units (LGUs) rely on school facilities during calamities in the absence of available sites for evacuation centers.

In areas where there are no available sites for construction, Gatchalian seeks improvements in school facilities and structures being used as evacuation centers, which should be able to withstand wind speeds of three hundred twenty (320) kilometers per hour or two hundred (200) miles per hour and moderate seismic activity of at least 7.2 magnitude.

"Matapos ang mahabang panahon na wala ang ating mga kabataan sa paaralan, dapat lang na tiyakin nating ligtas ang babalikan nilang mga gusali at silid-aralan," the senator concluded.

# # #

Gatchalian: ligtas na imprastraktura para sa mga paaralan napapanahon na

Habang hindi pa nagsisimula ang pilot test ng mga localized at limited face-to-face classes sa low-risk areas, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na dapat nang simulan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatayo ng kinakailangang imprastraktura para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

"Dapat ngayon pa lang ay pinaghahandaan na natin ang muling pagbubukas ng mga paaralan at gawin nating prayoridad ang pagkakaroon ng sapat, ligtas, at matibay na mga pasilidad, pati na rin ng malinis na tubig sa ating mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga guro," ani Gatchalian.

Ayon pa sa senador, dapat tiyaking may sapat na pasilidad para sa water, sanitation, and hygiene (WASH), lalo na sa mga paaralang may kakulangan nito. Ayon sa Department of Education (DepEd), mahigit tatlong libong (3,861) mga pampublikong paaralan ang walang mapagkukunan ng malinis na tubig na maiinom. Samantala, mahigit pitong libong (7,704) handwashing facilities naman ang kinakailangang itayo.

Sa ilalim ng 2021 national budget, mahigit labing isang bilyong (P11,146,531,000) piso ang nakalaan para sa Basic Education Facilities. Halos tatlong bilyong piso rito (P2,920,325,000) ang nakalaan para sa pagpapatayo ng mga kinakailangang gusali para sa kindergarten, elementarya, at high school, pati na ang mga technical vocational laboratories.

Kasama sa halos tatlong bilyong pisong budget ang pagpapatayo ng pasilidad para sa tubig at sanitation, pati na ang pasilidad para sa mga persons with disabilities (PWDs) kabilang ang mga ramps, handrails, at tactile paving. May mahigit apat na bilyong (P4,706,100,000) piso ring nakalaan para sa pagpapakumpuni ng mga naturang pasilidad.

Matatandaang isinusulong ni Gatchalian ang pagkakaroon ng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad ng bansa sa Senate Bill No. 747 o ang Evacuation Center Act. Habang hinihintay pa ang pag-usad ng naturang panukalang batas, aminado ang senador na may ibang lokal na pamahalaan na gumagamit ng mga paaralan bilang evacuation center dahil sa kakulangan ng espasyo na pagtatayuan ng mga ito.

Mas mainam ani Gatchalian na sa ngayon ay gawin na munang mas matibay ang mga pasilidad o gusali na maaaring magamit sa panahon ng kalamidad. Mungkahi ng senador, ang mga gusaling ito ay hindi dapat mabuwag ng malakas na hangin o may bilis na three hundred twenty (320) kilometers per hour o two hundred (200) miles per hour at hindi dapat masira ng lindol na may lakas na seven point two (7.2) magnitude.

"Matapos ang mahabang panahon na wala ang ating mga kabataan sa paaralan, dapat lang na tiyakin nating ligtas ang babalikan nilang mga gusali at silid-aralan," pagtatapos niya.

# # #

News Latest News Feed