Press Release
March 20, 2021

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Ms. Cely Bueno of DWIZ

On the rising cases of Covid-19.

Q: Pagkatapos ng isang taong pagsakripisyo sa community quarantine, ano ang masasabi ninyo na parang mas lumala pa at tumaas ngayon yung kaso ng Covid-19?

SP Sotto: Tingin ko merong mga kakulangan yung diskarte if not may magkakamali. Tingin ko malaki ang kakulangan sapagkat dapat ito, during the time na one thousand plus siya every day tapos dumami, umabot na ng three thousand everyday pero kung baga sa ano, explainable kasi dumami na yung mga lugar na pwedeng ma-test, RT-PCR, ganyan, at lahat ng klaseng swab at saka may saliva test pa, so hindi nakapagtataka na umabot ng ganoon kasi marami na yung mga nate-testing nationwide. Pero, nung umabot ng four thousand, five thousand nitong mga nakaraang araw, ng linggo, dapat naalarma ang Department of Health. Dapat naalarma ang gobyerno, lalo na ang Executive Department, ang IATF, dapat naalarma sila. Dapat gumawa na ng paraan, kasi...

Q: Nakontrol yun instead na tumaas sa ganitong bilang na mahigit pitong libo.

SP Sotto: Oo. Hndi natin sinasabi na Kontrolin yung statistics, h9indi ganoon, baka ganoon ang takbo ng isip nung iba, hindi. Ibig sabihin, i-arrest yung tendency na mas dumadami pa, parang naging Sumobrang abaya yung mga kababayan natin. Nung naramdaman natin ito after December, dapat after December, nag super higpit na ulit. Kasi, hindi nakapagtataka yung December na pinagbigyan, di ba sabi para lumuwag ng kaunti para sa ekonomiya, balik na naman tayo sa sinasabi ko mga six months ago sinasabi ko na ang ekonomiya, kayang buhayin, pera lang yan, pero ang buhay, hindi kayang buhayin. Mabuti na lang, sinabi nila, sana totoo, na mga mild daw itong karamihan at hindi daw deadly.

Q: Pero sa Senate may isang namatay this week di ba?

SP Sotto: Oo, isang taon walang namamatay, biglang merong ganoon.

Q: Parang ang sabi nga ng World Health Organization, mukhang naging kampante ang publiko dahil medyo nagbukas na nga yung mga negosyo, ang ating ekonomiya. Isa ba na pwedeng dahilan, hindi naging maagap sa pagbili ng bakuna kaya hindi nagkaroon ng maagang mass vaccination? Kasi sabi nga ni Sen. Panfilo Lacson, as early as March, naging maagap si DOF Sec. Sonny Dominguez sa pag-utang para may pambili ng bakuna pero ang tanong niya, nasaan na ang bakuna?

SP Sotto: Oo, kaya nga. Nung June, may mga offer na, hindi natin kaagad pinatulan. Hindi kaagad pinasukan ng DOH at saka ng IATF yung mga offer na yun nung June. Tapos eh...kumbinasyon siguro, kumbinasyon yung mga pangyayari both, yung hindi natin kaagad naasikaso yan. Pangalawa, parang naging...ano yung cure na tinatawag, treatment na tinatawag? Ang FDA, hindi ko maintindihan ang kilos. Merong mga ibang bansa na yung mga gamot na ine-endorse at saka lumulusot sa kanilang FDA, dito sa atin, parang hirap na hirap, sinisiraan pa nga. Katulad nung Ivermectin, matagal ng pinaguusapan yan, pero ano ang nangyari ngayon? Parang sinisiraan pa ng FDA eh.

Q: Dapat ba din na hinayaan na nga na makadirekta ng makapag procure ng vaccine yung private sector? Baka daw mas mabilis ang mga ito sa pagbili ng bakuna.

SP Sotto: Talagang mas mabilis yun dahil walang mali yun, walang pakundangan yun at saka walang (unclear) ang Covax doon. Kaya dapat pinabayaan na nung umpisa pa lang. Pangalawa, heto ngayon, merong nilalabas na ewan ko kung itutuloy nila yung policy, yung mga korporasyon daw ng mga sin-taxes, pagbabawalang mag-import ng sarili nila? Bakit?

Q: May nag leak na nga po, may copy na nung draft order nung DOH, parang pagbabawalan daw po na makapag procure with the government, makipag-partner sa gobyerno, sa pagbili, magbibigay din sila ng donation, itong mga tobacco, beer, soda, (unclear), dahil ito daw ay may conflict sa public health interest?

SP Sotto: Ano ba ang importante, yung may problema sa paninigarilyo, o yung Covid pwedeng kumalat? Yung paninigarilyo, hindi nakakahawa, yung Covid, nakakahawa. Di ba yung pag-inom ng alak, hindi naman nakakahawa, yung mga umiinom, dati nang umiinom yun, pero yung Covid, nakakahawa. Ano bang klaseng takbo ng kaisipan yan? Grabe, kaya tayo ganito.

Q: Ibig sabihin kung hindi sila papayagan, yung mga mangagawa dito sa napakaraming kumpaniya, hindi mababakunahan?

SP Sotto: Gusto nilang matodas na, parang ganoon. Ano ang gusto nilang mangyari?

Q: So, napaka dispalinghado itong iniisip na ito ng DOH?

SP Sotto: Sobra. Sa English, absurd!

Q: Ano ang pwedeng gawin ng Congress, ng Senate, para mapigilan ito, dahil draft po ito, mukhang meron ding Cabinet members na nag leak nito dahil nagulat din sa ganitong pinaplano ng DOH.

SP Sotto: Alam mo, kung sana panahon ng budget ngayon, lagot yang DOH na yan sa amin.

Q: Hindi ninyo bibigyan ng budget?

SP Sotto: Marami kaming pwedeng gawin. Pero, yun lang, hawak lang namin, power of the purse, hindi namin, ika nga, ganoon lang ang kaya namin. Nasa Executive Department yan, sana talagang maisip ng Pangulo na palpak itong mga bata niya. Lagi (unclear) iniisip at huwag niyang papayagan, pipigilan niya.

Q: So, kalokohan itong iniisip na ito ng DOH?

SP Sotto: Sobrang wala sa lugar. Ano yun, masyadong...may word for that sa English, masyadong self-righteous. Ayaw humingi ng tulong doon sa mga manufacturer ng mga sin products, parang ganoon. Ano, self-righteous kayo? Sobra, hindi ba?

Q: At saka sa panahong ito, ano ang magiging prayoridad mo, di po ba? Yung dahil lang ito ay may conflict doon sa public health interest or yung mas matinding kinakaharap pa natin, itong banta sa public health, itong Covid?

SP Sotto: Correct. Saka na yun, saka na yung problema sa public health interest, sa mga sin products. Tinax na nga natin ang taas-taas na nga ng mga sin-taxes na ginawa namin, ano pa ba ang gusto nila? Gusto nila magsara na lahat yun? Yun ba ang gusto nila?

Q: Kung ayaw nilang makipag-partner ang mga ito sa kanila sa pagbili, na magdo-donate pa, handa pang mag donate ng fifty percent, eh hayaan na lang na direkta silang makabili ng bakuna kung pwede.

SP Sotto: Oo, tama yun, at saka huwag na nilang asahan yung ganoon, dapat diyan, basta't kung sino ang pwedeng makabili, hayaan na nila makabili. Gusto ba nilang mapigil itong Covid? Kailangan ganoon ang diskarte diyan.

Q: Ano po ito, dapat ay mag ingay or umapela? Ano ba ito, subject for approval pa ng Presidente itong dinraft ng DOH?

SP Sotto: Siguro naman. Siguro naman, ewan ko kung papayagan ng Pangulo yan.

Q: Kung ganito na lumalala yung kaso, hindi na natin kakayanin na mag lockdown ulit ang ating ekonomiya, (unclear) ang pinaplano po ngayon, yung tinatawag na 'circuit-breaker lockdown,' sa tingin ninyo tamang ganoon na lang muna ang gawin?

SP Sotto: Na ano?

Q: May binabanggit ang DOH na sa halip na mag ECQ, total lockdown, lalo na dito sa Metro Manila, magpapatupad nung tinatawag nilang 'circuit-breaker lockdown' kung saan, ang mangyayari, kung dati ay fifty percent na yung mga restaurant, ibababa na lang sa thirty percent. Yung mga government agencies din, rerestriksyunan na rin, parang balik na ulit sa skeletal force, hindi muna full force yung papasok na mga empleyado.

SP Sotto: Whatever they plan, kung ano man yung iniisip nilang diskarteng yan, ang kailangang kakumbinasyon niyan, payagan nilang makabili ang taong bayan ng vaccines kung hindi nila mai-distribute kaagad at saka payagan din nila na magkaroon ng treatment kung may magagamit na mga treatment. Yun ang kumbinasyon niyan. Hindi pupuwedeng basta lockdown lang, tapos ano? Naka nganga na naman tayo? Maghihintay tayo sa delivery ng vaccine? Eh kung may malalaking kumpaniya kayang bumili, kaya ng mga empleyado nila, akala ko ba gusto nilang ang ekonomiya mabuksan? Kung yung mga kumpaniyang ito, safe ang mga empleyado, eh di tumatakbo ang ekonomiya nila.

Q: Yung mga ilang Chinese community parang hinarang din yung kanilang pagbili ng bakuna, may ganoong balita na lumalabas ngayon.

SP Sotto: Kaya nga, hindi ko nga maintindihan bakit.

Q: So, lalong magiging (unclear) ang paglaban natin sa Covid kung ganito ang hakbangin ng government?

SP Sotto: Oo, lalo. Sinasabi ko nga kanina di ba, sa tingin ko, maraming kakulangan. Dadagdagan pa nila yan hindi ang kakulangan, lalagyan pa nila ng kamalian.

Q: Magpapatawag pa ba ulit ng Committee of the Whole hearing or nakakapagod na dahil ginawa ninyo na yung part ninyo para to make sure na maayos yung pagtugon sa Covid cases ng government?

SP Sotto: Titingnan ko muna kung empowered pa yung committee ng Senado na buksan. Titingnan natin para makita natin kung itutuloy nila yan, talagang pag-eeksplikahin natin sila kung ano ang dahilan.

Q: Ipapatawag ulit?

SP Sotto: Oo.

Q: Ang Senate, naglockdown dahil nga nagkaroon din ng mga Covid cases. Ano po yun, dahil magbe-break na sa Wednesday ang session, magtutuloy-tuloy ba yung lockdown hanggang Holy Week or ano yung assessment ninyo? Ano ang mangyayari?

SP Sotto: Oo, magre-resume lang kami ng Wednesday, very skeletal force lang, and then itutuloy namin yung lockdown until after Holy Week sa buong Senado. After Holy Week, pwede na ulit mag resume yung skeletal force. By that time, super disinfected, super sanitized na ang Senado nung panahon na yun.

Q: Pero skeletal pa rin after Holy Week?

SP Sotto: Oo, skeletal pa rin yun after Holy Week para sigurado.

Q: Kasi nga di ba, nakakagulat nga po dahil yung pumasok nung Monday na nag positive na taga Bills and Index, parang Thursday namatay yung isang Senate employee?

SP Sotto: Thursday or Friday, I am not sure.

Q: Pero kahit ganoon, on Wednesday, physically present pa rin kayo sa plenary session?

SP Sotto: Oo, syempre. Sa mandate ng Senado na hindi kami pwedeng magconvene or tumawag ng plenary ng walang physically present doon sa bahay namin.

Q: So buong Holy Week, wala ng pasok ang Senate, kasi Monday, Tuesday, Wednesday lang naman yung may pasok, so diretso na lang yun para to make sure yung safety ng mga employees?

SP Sotto: Oo.

Q: Buti pinapayagan pa kayo ni Tita Helen na pumupunta physically sa Senate, the mere fact na kayo ay senior citizen?

SP Sotto: Eh abot ng dasal.

Q: Paano yun, ang Senate, wala pa ring malinaw kung kailan mabibigyan kayo ng bakuna?

SP Sotto: Hindi ko naitanong kay Sec. Villarica, pero nakapag place na sila ng order. Of course, coordinated doon sa tripartite na pinipilit ng IATF, so lalong natatagalan.

Q: As chairman ng Committee of the Whole, iko-constitute ulit itong Committee of the Whole. The mere fact na ganito nga yung situation, naka-lockdown ang Senate, may tsansa ba na masimulan ninyo yung pagdinig dito sa issue nung sa importation ng, itong 'tong-pats' sa importation ng karne?

SP Sotto: Oo, ta-timingan ko yun. Malamang tatawag pa rin ako kahit na naka-lockdown kasi, pagdating ng break, baka pipirmahan nila kay Presidente ang executive order eh yun ang iniiwasan natin. Kasi, pwedeng pirmahan ng Presidente yung executive order na binababa ang tariff, pagka not in session ang Congress.

Q: So, after ninyo mag break, pwede na na gawin yun ng Presidente?

SP Sotto: Pwede, eh pag ginawa yun, nagpapirma sila sa Presidente ng ganoon, aba'y mag-aalsa lalo at mahihirapan itong mga hog raisers natin na local pagkatapos itong mga importer, aba'y matindi na ang ganansiya nila, lalo pang titindi ang ganansiya nila dahil bababa ang tariff. Okay naman mag import, hindi naman bibabawalan mag import eh, pero pag ibababa mo ang tariff. Sino ba ang gustong kumita diyan?

Q: So, big sabihin dahil may kumikita nga kaya gusto pang ibaba yung taripa? Bukod sa tinaas na yung volume ng pwedeng angkatin, ibababa pa ung taripa.

SP Sotto: Correct. Yun ang (unclear), tataas yung volume pagkatapos, ibababa ang taripa. Ano ang ibig sabihin noon?

Q: Kung yun ang habol ninyo, ano yung target ninyo? Next week, any time bago kayo mag break, makapagpatawag kayo ng isang hearing?

SP Sotto: Tingnan ko, kokonsultahin ko muna yung mga kasama ko. Mahirap ng dumiskarte ng mag-isa pagdating sa mga ganyan.

Q: Pero yung inapprove ninyo na resolution na nananawagan sa Pangulo na huwag ng aprubahan yung rekomendasyon na ibaba pa yung taripa at itaas pa yung volume na about 400 thousand metric tons, naipadala na iyon kay Pangulong Duterte?

SP Sotto: Oo, alam ko napadala na.

Q: Wala kayong initial info kung mapagbibigyan ng Presidente?

SP Sotto: Wala pa. I will try Monday to find out from ES Medialdea kung an ang hitsura. Malalaman natin. Kasi naghihintay din ang mga kababayan natin diyan at alam niya yan, dahil taas ng taas ang presyo tapos ang inflation, hindi maawat.

Q: Pero ang sabi nga, huwag naman pabahain dito ng mga imported na karneng baboy, tulungan na lang yung mga hog raisers na mapataas yung kanilang production, nang mas marami pa silang maalagaang baboy.

SP Sotto: Correct. Meron naman silang importation na pinapayagan eh. Bakit kailangang dagdagan at bakit kailangang ibaba ang taripa? Yun ang hindi k maintindihan.

Q: At iyon ang aalamin ninyo doon sa pagdinig?

SP Sotto: Oo, tapos (unclear) magbibigay ng impormasyon kay Sen. Lacson, may magbibigay ng impormasyon sa minority group na ganito-ganito, merong (unclear), talakayin yung 'tong-pats' yung five magiging ten, yung seven ewan ko, magiging fifteen ba?

Q: So maraming ipapaliwanag dito si Agriculture Sec. Dar dahil siya ang namumuno ng DA at mga taga DA, na sinasabi na gumagawa nung ganoong racket?

SP Sotto: Oo. At saka hindi ko maintindihan yung ganoon na yung ano, sumabit. Alam na yung problema, ang ginawa daw ay, alam mo ito ang word na ginamit ni Sec. Dar ha, nagrigodon daw siya. Hindi nanibak, nagrigodon. Yun ang word na ginamit niya, narinig ko siya sa interview sa isang istasyon. Bakit rigodon hindi sibak?

Q: Kung nainvolve na pala sa ganoong...

SP Sotto: oo, pagkatapos, papayagan yung taripa na ibaba? At pagkatapos papayagan mo silang lumaki pa yung volume ng iimport nila?

Q: Kaduda-duda yun.

SP Sotto: Oo, para mong binibigyan ng kutsilyo yung mga maliliit na hog raisers sa Pilipinas. Binibigyan mo ng kutsilyo, gusto mo magsaksak na lang.

Q: Sa halip na tulungan yung mga local hog raisers.

SP Sotto: Oo, ganoon. Nakaka pikon na, sobra, tapos ganito ang nangyayari sa pandemic natin. Naku, tama na nga at baka makapagmura na ako.

News Latest News Feed