Press Release
March 21, 2021

Transcript of Senator Nancy Binay's interview
on dzRH Isyung Pambayan (hosted by Milky Rigonan)

Sen. Nancy Binay-Angeles (SNBA): Magandang umaga Milky, at syempre, magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig at nanonood ng programa mo ngayong umaga.

Milky Rigonan (Q): ...Welcome back ulit sa Isyung Pambayan Senator Binay, pero bago yung issue ng politika, kasi nabanggit din yung pangalan mo dun sa mga pwede raw ikonsidera. Pero maganda yung bill mo sa Senate at kamusta na yung panukalang batas na dapat merong kahandaan ang DOH, Inter Agency Task Force, National Task Force on Covid-19 sa mga disposal ng mga medical waste tulad ng mga heringgilya, at mga walang laman na mga Covid vaccine. Kasi ang pangamba dito Sen. Binay, nabanggit mo nga, na pwede itong i-recycle, at magamit at lagyan ng mga pekeng bakuna.

SNBA: And dagdag pa dyan Milky, hindi ko alam kung napanood mo yung ginawang feature sa BBC na kung saan sa Anilao e marami silang...

Q: Oo, nakuhang basura. . SNBA: ..nakita, di ba, na mga face mask at kung anu-ano pang medical waste dun sa ating mga coral reefs dun sa Anilao, Batangas. Kaya nga tayo nga'y nag-file ng ganyang (bill) para matingnan yung kahandaan ng DOH pagdating doon sa medical waste. Kasi alam naman natin, di ba, kahit wala pa itong Covid medyo may mga balita na, na mali yung pagdi-dispose ng ating medical waste. Isipin na lang natin Milky, kung, di ba ang target ng pamahalaan ay mabakunahan 70 million ng ating population, so sa dalawang injection, 140 million syringes...

Q: ...yung magiging basura.

SNBA: Yes, minimum of 140 million syringes yung magiging basura natin. And meron ba tayong facility o kapasidad para maitapon ng tama itong mga syringes? Syringes pa lang yan ha? Wala pa yung usapin dun sa...

Q: Mga PPE...

SNBA: ...PPE, tapos ito ngang...

Q: ...face mask.

SNBA: ...face mask na ginagamit natin ngayon.

Q: So ano ang tugon ngayon ng DOH, Sen. Binay at yung bill na ba ito ay pwede na, tinatalakay na ba ito sa komite, definitely sa Committee on Health ito ni Sen. Christopher "Bong" Go kung saka-sakali.

SNBA: Nakakalungkot at the moment hindi pa siya nahi-hear dun sa Committee but hopefully, siguro kahit naka-break kami e matalakay itong usapin kung paano natin bibigyan ng solusyon itong magiging problema natin sa medical waste dulot ng Covid-19.

Q: Sabagay parang meron ding kaparehang bill dyan si Sen. Imee Marcos ano, bukod sa mga sinasabi mong syringes, heringgilya, walang laman na mga Covid vaccines, yung panawagan nya yung mga face mask, PPE at ilan pang mga ginagamit for the Covid response.

SNBA: Yes, and then meron din yang aspeto ng biosecurity, di ba? Kasi katulad ng mga vials, hindi pa pala natin napag-uusapan yung mga vials, ang napag-uusapan pa lang natin ay yung syringes, di ba? So minimum din yan ng 140 million vials, di ba? May bahagi, may laman yung mga vials na yun na dapat tama ang pagdi-dispose nung waste na yun.

Q: Ngayon naman Sen. Binay ay isa ka sa mga, pag-usapan natin ang 2022 elections although sabi nga ng ilan nating mga kababayan, laki ng problema natin sa pandemya. Pero itong...

SNBA: Oo, pwede ba balik na lang tayo sa Covid? (laughter)

Q: Covid na ulit tayo, Sen. Binay. Hindi, kasi di ba, marami ang nagti-text, 'Pwede bang pakitanong siya kung ano ang reaksyon' dahil napasama raw ang pangalan mo doon sa mga hinihimok ng 1Sambayan coalition na tumakbo for a higher office sa 2022. Meron kang statement, di ba, na definitely sabi mo hindi ka tatakbo for a higher position.

SNBA: Yes Milky. Unang-una, syempre nagpapasalamat tayo dun sa mga convenors ng 1Sambayan for considering us for a higher office but katulad nga ng sinabi ko sa statement ko ay hindi po tayo tatakbo for higher office. Mananatili po tayo bilang senador, at sa tingin ko naman din po, yung pagiging boses at yung pagiging public servant e magagawa naman po natin kahit senador lang ang ating posisyon.

Q: Pero doon sa mga political observer, ang sinasabi nila, hindi ba ironic dahil marami sa convenor ng 1Sambayan ay iyong mga nasa likod ng gustong umano'y pabagsakin noon si former Vice President Binay?

SNBA: I think it's a fact naman mayroong mga kasama no'n na talagang may direct hand doon sa paninira na ginawa sa pamilya ko. But you know, sa akin kasi, I guess natutunan ko rin iyon sa aking ama, na at the end, iyong mga personal na hugot namin, isantabi muna for a higher cause na aminado din naman tayo na napakahalaga na piliin natin nang tama ang ihahalal natin bilang presidente for 2022. Hindi biro. In fact, ngayon pa lang kung sino man iyong tao na iyon naaawa na ako dahil kumbaga nasa balikat niya ang ikalulubog o ikaa-angat ng ating bansa. At this point, alam ko may problema tayo sa Covid, but I guess dapat ngayon pa lang pagplanuhan na natin kung sino ang gusto natin na mamuno sa atin para maiahon tayo, maalis tayo sa sitwasyon kung nasaan tayo ngayon.

Q: Sinasang-ayunan mo rin ang posisyon ng 1Sambayan na manawagan sila na pumili ng matinong leader for 2022 kasi iyon naman talaga ang objective. Halimbawa kayo ay maimbitahan sa mga forum ng 1Sambayan, kayo po ba ay pupunta, dadalo?

SNBA: Hindi ko pa naiisip iyan. Siguro kapag nangyari, pagi-isipan natin. Depende sa sitwasyon. Para kasi sa akin kung ganito pa rin kalala ang problema natin sa Covid baka mas maigi na mag-concentrate muna talaga doon sa pandemic, 'di ba? Kasi ako din ayoko din na kumbaga iba't iba ang messaging na lumalabas sa ating mga kababayan. Baka dapat focus muna tayo sa pandemic.

Q: Ngayon ang puna naman ng ating mga kababayan, iyon lang ba ang pwedeng pagpilian ng ating mga kababayan? Iyong mga pwedeng i-endorso o ini-endorso ngayon ng 1Sambayan?

SNBA: I think naglabas din naman sila ng statement na parang initial lang iyong mga pangalan na inilabas nila. Hindi ko alam, hindi ako privy doon sa selection process talaga ng 1Sambayan. But I am sure at the end of the day --October pa naman ang filing, eh, so malalaman natin kung sino pa ang pwedeng lumabas na potential president for 2022.

Q: Ang Senado nagkakaroon na rin ng mga pandinig, iyong electoral reforms committee ni Sen. Imee Marcos kung paano ang paraan ng eleksyon for 2022. Sen. Binay hanggang 2025 ka pa naman diyan sa Senado, ano? Pero anong tingin mong magiging paraan ng kampanya sa susunod na taon?

SNBA: Iyan ang malaking Question mark. Alam mo naman doon sa grupo ko, doon sa Seatmates, mayroon akong mga kasama na re-electionist. So paminsan-minsan kapag nagku-kwentuhan kami, napagu-usapan paano ngayon ang kampanya kasi may health issues. I don't think ngayon pwede na ang rally. I guess magiging mahalaga ngayon ang social media. Pero may problema din iyan kasi ang reach ng social media lalong lalo na sa probinsiya, may problema tayo sa internet connection. So paano natin maaabot, paano mararating ng ating mga kandidato para maihayag nila ang plataporma nila doon talaga sa grassroots level. Iyon I think ang biggest challenge ngayon.

Q: Lalo na mahirap magkaroon ng mga provincial sortie kasi pinagbabawal ang malalaking crowds ngayon para sa kampanya.

SNBA: Yes. Baka magkaroon ng ano, I think sa probinsiya mas magiging malawak siguro ang magiging papel ng radyo.

Q: Nakakarating sa kasuluksulukan ng Pilipinas ang radyo...

SNBA: Hindi kailangan ng wifi signal di ba?

Q: Balikan ko po yung endorsement ni VP Jojo Binay noong malaman niya?

SNBA: Hindi namin pinaguusapan. Parang hindi napaguusapan dahil alam naman nila na wala akong balak so it's no use na pagusapan pa.

Q: So, bale wala lang 'tong endorsement?

SNBA: Ako, on my part, syempre alam mo naman Milky kung paano ako tinrato noong pumasok ako sa politika noong 2013, na kinukuwestyon yung kakayahan ko, tapos 7 or 8 years after, nako-consider na tayo for a higher office. So, parang minsan hindi pa din ako makapaniwala na umabot na ako sa ganitong punto.

Q: Senator isa ka sa mga aktibong dumadalo sa hearing ng basic education, ano ba puwede nating gawin para marepaso ang proseso ng distance learning?

SNBA: I think at this point forced tayo na mag-learning modules muna dahil, kasama nga ni Sen Sherwin di ba noong nakaraang hearing napaguusapan na yung pagha-handle ng face-to-face but yung sitwasyon natin ngayon mukhang malabo nanaman na mangyari itong face-to-face na type ng klase sa ating mga estudyante so babalik nanaman tayo sa mga learning modules. Hopefully, mapaganda na talaga yung signal kasi ang nagiging problema may mga estudyante tayo na kumbaga nabigyan na sila ng gadget pero wala naman silang internet connection. So, dapat siguro yung remaining months bago magstart yung next school year maimprove na greatly itong access sa wifi ng mga estudyante.

Q: May mensahe po ba kayo sa ating mga kababayan at sa 1Sambayan dahil nakokonsidera ka nga na isa ka nga sa listahan...

SNBA: Uulitin ko lang na nagpapasalamat ako at isang malaking karangalan ang maging bahagi ng pagpipilian sa pagiging presidente or vice president but at this point, tulad ng nasabi koa, naging masakit at very brutal sa pamilya ko ang pinagdaanan namin noong 2016. Kumbaga ayoko na maulit iyong pinagdaanan namin noong 2016. Sa akin lang, sa ating mga kababayan, these remaining weeks of March pagtulung-tulungan natin, kung kaya lang natin na hindi muna lumabas ng bahay, stay home muna tayong lahat para lang mapababa natin yung bilang ng nagkaka-COVID.

News Latest News Feed