Press Release
March 31, 2021

Gatchalian to ERC, Meralco: Avoid another round of bill shock

Senator Win Gatchalian called on the concerned authorities to oversee the conduct of onsite electric meter reading amid heightened restrictions under the re-imposed enhanced community quarantine (ECQ) to avoid a repeat of last year's bill shock complaints.

"Ayaw na nating maulit pa yung kalituhan sa mataas na singil ng kuryente noong isang taon matapos ang ilang buwan ng pagpapatupad ng ECQ. Kaya dapat may natutunan na ang mga kinauukulan at may mga nakahandang hakbang na upang maiwasan ang bill shock," the Chairperson of the Senate Energy Committee said.

Gatchalian appealed to local government units (LGUs), particularly those in areas declared under the NCR plus bubble, to cooperate with the Energy Regulatory Commission (ERC) and Meralco in allowing the conduct of onsite meter readings to ensure the accuracy of billing to consumers, while observing health protocols.

It can be recalled that the ERC was barraged with numerous complaints over the sudden spike in consumers' electric bills by midyear last year. Gatchalian's Senate investigation into the matter led Meralco to admit that it failed to indicate that it had included the estimated March and April consumption in the May billing which caused confusion among consumers. The power distributor also revealed in the investigation that consumers were billed based on their average consumption from December 2019 to February 2020 because no meter reading was conducted from March to April while the ECQ was in effect.

"Umabot na sa 4.2 milyong mga Pilipino ang walang trabaho nitong nakaraang Pebrero, mas mataas kaysa sa bilang ng mga nawalan ng trabaho noong Enero ayon sa datos. Huwag na nating dagdagan pa ang pasanin nila. Ang Meralco din naman ang mahihirapan kung ang mga nasasakupan nila ay hindi kaagad makakabayad. Dapat magtulungan tayo," Gatchalian said.

The ERC released a statement last March 26 pleading LGUs to allow Meralco's meter readers to conduct actual meter reading in their respective areas of jurisdiction. Meralco, on the other hand, was directed by the commission to ensure their compliance to the prescribed health protocols to reduce the risk of getting infected with COVID-19 and this includes the wearing of the necessary personal protective equipment (PPE) of the meter readers.

# # #

Panibagong bill shock dapat hindi na mangyari ulit -- Gatchalian

Inudyukan ni Senador Win Gatchalian ang mga kinauukulan na pangasiwaan ang pagsasagawa ng onsite electric meter reading sa gitna ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) upang masiguro na hindi na mauulit ang naranasang bill shock sa kuryente ng mga konsyumer noong nakaraang taon.

"Ayaw na nating maulit pa ang kalituhan sa mataas na singil ng kuryente na nangyari noong isang taon matapos ang ilang buwan na pagpapatupad ng ECQ. Kaya dapat may natutunan na ang mga kinauukulan at may mga nakahandang hakbang na upang maiwasan ang bill shock," sabi ng Chairperson ng Senate Energy Committee.

Apela ni Gatchalian sa mga local government units (LGUs), lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng NCR plus bubble, na makipagtulungan sa Energy Regulatory Commission (ERC) at Meralco at pahintulutan ang pagsasagawa ng onsite meter reading nang masiguro ang tamang singil ng kuryente sa takdang panahon. Pero huwag kalilimutan aniya ang pagpapatupad ng wastong health protocols.

Matatandaan na inulan ng reklamo ang ERC noong kalagitnaan ng nakaraang taon matapos makatanggap ang mga kunsyumer ng napakataas na electric bills. Sa pagsasagawa ni Gatchalian ng imbestigasyon sa Senado ukol dito noong nakaraang taon,

inamin ng Meralco ang kalituhang dulot ng pagkalkula nila sa tatlong buwang konsumo sa kuryente mula Marso, Abril, hanggang Mayo. Hindi raw nila kaagad naipahiwatig na isinama na nila sa billing ng May ang estimang gamit sa kuryente mula Marso hanggang Abril.

Isiniwalat din ng power distributor sa nasabing imbestigasyon na ang kanilang singil sa mga konsyumer ay base sa average consumption mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero 2020 dahil walang naisagawang meter reading sa mga buwan ng Marso at Abril dahil sa ipinatutupad noon na ECQ.

"Umabot na sa 4.2 milyong mga Pilipino ang walang trabaho nitong nakaraang Pebrero, mas mataas kaysa sa bilang ng mga nawalan ng trabaho noong Enero ayon sa datos. Huwag na nating dagdagan pa ang pasanin nila. Ang Meralco din naman ang mahihirapan kung ang mga nasasakupan nila ay hindi kaagad makakabayad. Dapat magtulungan tayo," ani Gatchalian.

Sa isang pahayag na inilabas ng ERC nito lamang Marso 26, nakiusap ang komisyon sa mga LGUs na payagan ang meter readers ng Meralco na magsagawa ng actual meter reading sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar. Ang Meralco naman ay inatasan ng komisyon na siguruhin ang pagtalima sa mga kaukulang health protocols ng mga meter reader katulad ng pagsusuot ng personal protective equipment (PPE) upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.

# # #

News Latest News Feed