Press Release
April 3, 2021

'Sagot-for-sale' persists; Gatchalian seeks increased efforts to curb distance cheating

While the sagot-for-sale scheme remains prevalent despite being discouraged by the Department of Education (DepEd) and flagged in Senate panel hearings, Senator Win Gatchalian emphasized that DepEd, the Commission on Higher Education (CHED), and academic institutions should step up in probing and curbing various forms of distance cheating.

Under the sagot-for-sale scheme, parents hire others to answer their children's modules for them. It turned out that some students and parents themselves offer to work on school requirements for P150 up to P500. These requirements include modules, research papers, essays, and even video editing. Students who offer these services receive payments through online banking or virtual wallets.

Customers can hail from junior high school, senior high school, and all the way to college. Those who offer these services on social media use the hashtags #AcademicCommission, #AcademicWriting, and #AcademicService, among others.

Students who accept commissioned academic works say they use what they earn for expenses related to home-based learning. On the other hand, parents who engage in these practices use what they earn to make ends meet.

According to the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, allowing these practices to prevail will produce students who are not only lacking in competencies but also in integrity.

"Kung hindi natin wawakasan itong sagot for sale at iba pang anyo ng pandaraya sa distance learning, lalong hindi matututo ang mga mag-aaral. At kapag nalusutan nila ito sa unang pagkakataon, uulit-ulitin na nila ang ganitong pandaraya. Dekalidad na edukasyon ang nakasalalay dito," said Gatchalian.

"Ang layunin natin sa pagpapatuloy ng edukasyon ay matiyak na ang ating mga kabataan ay hindi lamang natututo. Hinuhubog din natin sila para maging matapat, mahusay, at mapagkakatiwalaan," he added.

Aside from probing these incidents, Gatchalian stressed the importance of capacitating teachers to detect cheating in academic output. He also emphasized the importance of investing in assessment technologies to uphold academic integrity in digital education.

# # #

Gatchalian: 'Sagot-for-sale' tuloy pa rin; distance cheating sugpuin

Sa kabila ng patuloy na paglaganap ng "sagot-for-sale" sa ilalim ng distance learning, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na dapat paigtingin ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at ng mga paaralan ang kanilang pag-iimbestiga at pagsugpo sa ano mang uri ng distance cheating.

Sa ilalim ng sagot-for-sale, may mga magulang na nagbabayad ng ibang tao upang sagutan ang modules ng kanilang mga anak. Ayon sa ilang mga ulat, may mga mag-aaral at mga magulang na nag-aalok ng kanilang serbisyong sagutan o gawin ang requirements ng ibang mga mag-aaral sa halagang isang daan at limampung (150) piso hanggang limang-daang (500) piso. Kabilang sa mga requirements na ito ang mga modules, mga research papers, mga essays, at kung minsan ay video editing. Binabayaran ang mga naturang requirements sa pamamagitan ng online banking o virtual wallets.

Ayon sa mga ulat, ang mga nagpapagawa ng kanilang mga requirements ay kadalasang nagmumula sa junior high school, senior high school, at mga taga kolehiyo. Minsan ay ginagamitan pa ng mga hashtags tulad ng #AcademicCommission, #AcademicWriting, at #AcademicService.

Para sa mga mag-aaral na gumagawa ng mga academic requirements na ito, ang kinikita nila ay ginagamit na pantustos sa mga pangangailangan sa pag-aaral sa tahanan. Para naman sa mga magulang na nag-aalok ng kanilang serbisyo, ang kanilang kinikita ay ginagamit na pantustos sa pang-araw araw na pangangailangan.

Ngunit babala ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, bukod sa kukulangin ang mga mag-aaral ng kaalaman at kahusayan kung papayagang magpatuloy ang iskemang sagot-for-sale, magdudulot din ito aniya ng kawalan ng integridad ng mga mag-aaral.

"Kung hindi natin wawakasan itong sagot for sale at iba pang anyo ng pandaraya sa distance learning, lalong hindi matututo ang mga mag-aaral. At kapag nalusutan nila ito sa unang pagkakataon, uulit-ulitin na nila ang ganitong pandaraya. Dekalidad na edukasyon ang nakasalalay dito," ani Gatchalian.

"Ang layunin natin sa pagpapatuloy ng edukasyon ay matiyak na ang ating mga kabataan ay hindi lamang natututo. Hinuhubog din natin sila para maging matapat, mahusay, at mapagkakatiwalaan," dagdag na pahayag ng senador.

Maliban sa pag-imbestiga sa mga insidenteng ito, binigyang-diin din ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapaigting sa kakayahan ng mga guro na masuri o matukoy ang anumang uri ng pandaraya pagdating sa academic requirements ng kanilang mga estudyante. Dagdag pa ng mambabatas, dapat maging prayoridad ang investment sa mga "assessment technology" upang maiwasan ang pandaraya sa digital education.

News Latest News Feed