Press Release
April 6, 2021

Transcript of DZRH Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: On ECQ and ayuda

SFMD: Wala na raw extension dahilan wala ng perang. Sa akin, mali iyan. Dapat bigyan ng ayuda ang ating mga kababayan dahilan sa sila ay naghihirap dahilan naman sa hindi maayos na pagpapatakbo nitong pandemic response. Kung kailangang tumawag ng special session para maipasa ang bagong budget para sa ayuda, handa naman kami sa senado na talakayin ito para naman sa ating mga naghihirap na kababayan. Marami na namang nawalan ng trabaho dahilan sa ECQ. Yung Bayanihan 3 para magkaroon ng karagdagang budget para matugunan itong milyun-milyong nawalan ng trabaho, 4.5M unemployed in 2020.

Kailangan tugunan ito. Maraming intelligence fund, anti-insurgency fund. Sa akin, kailangang tumawag ng special session ang Pangulo para po matugunan ito. Mag-realign ng mga items na hindi kailangan. Handa kami sa senado na bumalik sa session para pagdebatehan itong batas na magbibigay ayuda para sa ating mga kababayan. Mayroong sapat na kapangyarihan ang Kongreso na ibinigay sa Pangulo para mag-realign ng budget, doon sa Bayanihan 2.

Q: Sa ganitong sitwasyon, magkano ang pondo na kailangan para matugunan ito?

SFMD: Hindi ko pa alam ngunit hindi naman mahirap tingnan iyan kung magkano ang kailangan. Ang importante lang ay magkaroon ng special session para matugunan itong gutom na dinaranas ng ating mga kababayan.

Q: Ipaparating po natin iyan sa Malakanyang

SFMD: Tama po iyan. Ito ay pangangailangan ng ating bayan.

Q: On the issue on China

SFMD: Sa akin, unang-una, ito ay maritime bullying. Ibig sabihin, mga bully po sila. Dahilan sa sila ay malakas na bansa, kung anu-ano na lang ang ginagawa nila. Sa international relations, dapat rule of law ang umiiral, yung sang-ayon sa ating batas at patakaran. Hindi dahilan sa ikaw ay malaking bansa kung ano na lang ang gusto mong gawin, gagawin mo. Hindi taman iyan dahilan nawawalan ng stability sa WPS. Pangalawa, may narinig ka na bang embassy na nang-iinsulto sa ating mga official?

Uulitin ko lang, ngayon lang ako nakarinig na isang ambassador sa ating bansa na iniinsulto ang ating national defense. Kaya sa akin, hindi ubra yung sinasabi nila na kaibigan natin iyan, baka magalit. Alam mo, kung iisipin mo, one year ago, January 30, alam na natin na yung virus ay galing sa Wuhan, China, hindi natin ipinagbawal kaagad yung mga turista na galing sa China, ilang linggo pa ang nakalipas bago tayo nag-implement ng travel ban. Bakit? Ano po ang sinabi ni Sec. Duque? Huwag daw natin i-ban ang China baka magalit. Tingnan ninyo po yung Vietnam, they banned the entry of Chinese tourists kaya nakontrol nila ang pandemya. Iyon ang unang hakbang na ginawa nila na hindi natin ginawa - nagkaroon ng travel ban - ganundin po ang ginawa ng Taiwan. Ito ay nagpapakita lamang na ang ating polisiya na huwag nating awayin ang China, ang sama ng epekto. Hindi tayo pinapansin. Investment-wise, sa Indonesia, hindi naman ganoon ang trato sa China, pero mas marami pang investment kaysa satin. Ito ay nagpapakita na hindi tama yung ating polisiya na we cannot cause displeasure of China. Dahilan sa binibigyan tayo ng bakuna, dahil ba doon kaya ayaw nating sumigaw na mali kayo. Mabuti na lang ang DFA, dalawang beses nang nag-file ng protest.

Uulitin ko lang, yung sinasabi nila na "kaibigan" natin ang China, hindi po ubra iyan. They will still be bully.

Q: Ano po ang pwedeng gawin kung hindi pa rin pansinin yung diplomatic protest?

SFMD: Makipag-usap tayo at gumawa ng isang unified stand kasama yung ibang bansa na mayroon din claim sa China. Dapat magsama-sama tayo dahilan mayroon din silang claim sa WPS, present a unified stand at ipakita natin na hindi lang Pilipinas ang may ayaw nito, lahat kami. Lalo na tayo, may naipanalo tayong kaso na sinasabing ito ay ating teritoryo. Binabalewala nila ito. Nakakainsulto naman po iyan.

Q: Dito naman sa aroganteng ambassador ng China, ano po ang dapat gawin dito?

SFMD: Iparating siguro sa kanya na kapag inulit pa niya iyan, baka mapilitan ang DFA na hingin siyang pauwiin na lang dahilan sa hindi nakakabuti sa relation ng China at Pilipinas ang mga binitiwang salita ng Chinese ambassador. Uulitin ko lang, wala pa akong nakita na ambassador na iniinsulto ang ating mga opisyales, lalo na po si Dec. Lorenzana na wala namang ginawa kung hindi sabihin na amin iyan, nanalo tayo sa kaso, sa Pilipinas iyan. Ngayon lang ako nakarinig ng ganong salita mula sa dayuhang embahada.

Q: Sapat na po ba iyan para ideklarang persona non grata?

Nakay Sec. Locsin po iyan.

News Latest News Feed