Press Release
April 12, 2021

STATEMENT OF SEN. BONG GO
RE: NEW COMMUNITY QUARANTINE RESTRICTIONS

Sa lahat ng desisyon ng gobyerno, palaging isinasaalang-alang ng Pangulo ang mga rekomendasyon ng IATF na nangunguna sa ating laban kontra COVID-19 at ng iba't ibang mga eksperto na nais tumulong. Lahat po iyan ay binabalanse natin upang maproteksyunan ang kapakanan at buhay ng bawat Pilipino.

Ang bagong community quarantine guidelines na naaprubahan, kasama ang pag-implementa ng MECQ sa NCR Plus areas umpisa ngayong Lunes, ay hindi nangangahulugan na magiging kampante na tayo. Ang layunin ng nakaraang ECQ na limitahan ang galaw ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay nandiyan pa rin. May konting adjustments lang sa mga patakaran upang masigurong umaandar ang ekonomiya at hindi aabot sa punto na tuluyang mamatay ang kabuhayan ng mga tao.

Kahit ano pa mang quarantine restrictions ang iimplementa natin, mas importante dito ang disiplina, pag-iingat, at kooperasyon ng lahat. Sumunod tayo sa mga itinakdang health protocols para maging matagumpay ang ating mga hakbang na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang ibinabalik ang sigla ng ating ekonomiya.

Kaya po kailangan ang pakikiisa ng lahat sa laban na ito. Ipinapatupad natin ang mga kinakailangang hakbang upang maiwasan hindi lamang ang sakit, kundi pati rin po ang gutom at kahirapan.

As Chair of the Senate Committee on Health, I reiterate my urgent appeals to the government to do everything it can to ease the burden of our people and to save lives.

Aside from quarantine restrictions, there should also be a concerted effort to (1) expedite the expansion of health facilities and construction of modular hospitals to accommodate severe and critical COVID-19 cases; (2) augment medical frontliners from other regions to help in critical areas; (3) accelerate vaccination in accordance with the vaccine prioritization list; (4) strengthen COVID-19 testing and contact tracing efforts; (5) maximize available technologies to unburden the health system, particularly through e-health initiatives; (5) expedite processing of PhilHealth services and payments; (6) distribute efficiently the new Supplemental Amelioration Program and other forms of government assistance to all identified beneficiaries; and (7) adopt alternative work arrangements to ensure safety of the working sector, among others.

Gawin natin ang lahat para matulungan ang ating kapwa at mailigtas ang buhay ng mga nagkakasakit. Bawal po ang papatay-patay ngayon. Kung papatay-patay tayo, mas lalong dadami ang mamamatay. Hindi rin po ito panahon para magsisihan. Panahon ito upang magtulungan!

News Latest News Feed