Press Release
April 12, 2021

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS
SENATE COMMITTEE OF THE WHOLE HEARING

Nakakadismaya.

Sa kabila ng panawagan ng lokal na industriya at paulit-ulit na babala ng senado ay itinuloy pa rin itong massive importation.

Nasa higit 68,000 hog raisers -- mga Kapampangan, mga Batanguenyo, mga Bulakenyo ay mga naghihingalo na ang operasyon o nagsarado na ng tindahan dahil sa epekto ng ASF. Tapos ngayon, kakumpitensya pa nila ang imported pork?

Dagdag pa po dyan, kapos pa rin ang tulong ng DA para sa repopulation at proteksyon sa peligro ng muling pagkalat ng ASF. Nagtaas nga ng insurance coverage, pero nasaan ang mga baboy na i-insure?

Napakasakit isipin, ngunit kung hindi magbabago ang diskarteng ito, baka hanggang 2022, nag-iimport pa rin tayo.

Parang nagpatalo ang DA sa kabila ng pakinabang sa ekonomiya ng ating mga magba-baboy. Paano ka ma-engganyong magpalaki at magparami ng inahin nyan?

Comatose na nga ang industriya, pero bakit parang walang balak buhayin at bigyan muli ng sigla?

Inaasahan ko na ang DA... sa pagkakataong ito... ay magiging bukas sa mga rekomendasyon at lubos na pagtulak sa mga polisiya na magbibigay ng kumpiyansa o lakas ng loob sa mga lokal na magbababoy... lalo na ang mga small hograisers... para naman ipagpatuloy pa ang pagpapalaki at pagbenta ng mga baboy.

Samakatuwid, kung hindi iaatras ang EO, ngayon ang the best, kung hindi pa talaga iaatras ang EO, mangyayari pa ang pagpapalaki at pagbenta ng mga baboy kung may:

Una, malakas ang first border security na pipigil sa pagpasok ng ASF

Ikalawa, may direktang suporta para sa repopulation dagdag sa access sa insurance coverage

Ikatlo, suporta sa pagpapatupad ng farm biosafety

Ikaapat, direktang suporta para sa mga maliliit na magbababoy upang maging biosafety frontliners

At Ikalima: lilinisin ang hanay ng DA upang mapaunlad ang pamamalakad at mapanagot ang mga dawit sa korapsyon.

News Latest News Feed