Press Release
April 14, 2021

Dispatch from Crame No. 1,056:
Sen. Leila M. de Lima on Enhanced Vaccination, Ayuda and 3Ts

4/14/21

In the past 2 weeks of ECQ, did our situation improve? The answer is a big NO. Nananatiling mataas pa rin ang mga kaso at puno pa rin ang mga ospital.

Alam na ng lahat liban sa gobyerno na walang silbi ang ECQ kung wala itong kaakibat na Enhanced V.A.T. Pandemic Response o Vaccination, Ayuda at T - Test, Trace and Treatment.

Ipakita naman nila na hindi lang sa pag-kolekta ng buwis magaling ang gobyerno. Dapat ay suklian natin ang hirap at pagod ng taumbayan sa maagap at damang-dama na tulong.

Kapag eleksyon, nag-aagawan ang mga pulitiko sa pagbabahay-bahay. Ngayon niyo patunayan na hindi kayo trapong mga pakitang-tao lang. Parang pinapag-limos niyo ang mga mamamayan sa karampot na ayuda, samantalang kapag oras ng eleksyon eh grabe kayong maka-epal para maganda sa litrato at mabango ang imahe. Isalin niyo sa totoong gawa at totoong pakikiramay sa tao dahil totoong mga tao rin ang namatay, totoong mga tao ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan, totoong tao ang mga pilit na lumalaban upang mabuhay.

Hindi proof of life ang kailangan, kundi proof of leadership and well-managed pandemic response. We are not asking you to move heaven and earth. We are only asking you to do your damn jobs and not waste taxpayer's money on blurred photos, motorcycle rides and staged golfing sessions.

Sa abot ng kanyang makakaya, ginagawa na ni #BusyPresidente Leni ang 3Ts natin at ayuda. Baka naman pwedeng tularan ang halimbawa niya on how things should be done. Kung hindi pa rin kaya, #LetLeniLead na. Siya ang may proof of life at may proof of work pa! Garantisado. ###

(Access the handwritten version, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_1056)

News Latest News Feed