Press Release
April 17, 2021

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ms. Cely Bueno of DWIZ

On the findings of the Committee of the Whole's inquiry into the African Swine Fever and pork importation

Q: Sa dalawang pagdinig, ano po ang initial findings ninyo, nakitaan ninyo po ba ng kapalpakan, kahinaan, katiwalian ang hearing dito tungkol sa ASF?

SP Sotto: Sasagutin sana kita ng medyo, pero hindi, matindi. Hindi medyo ang kapalpakan, matindi ang kapalpakan kasi yung mismong kanilang Department of Agriculture Compliance and Regulatory Enforcement for Security and Trade Office (CREST-O), yung mismong presentation nila kitang-kita na may modus operandi in smuggling at misdeclaration ng agri, pati fishery products. So, talagang tama yung Bureau of Customs, hindi sila ang may sabit sa smuggling. Ang may sabit, doon sa pag-iimport na ang dating ay legal, pero ang totoo noon, ay merong mga hindi narerehistro at hindi na-iinspeksiyon. Siguro, nung 2018, doon nagsimula yung ASF, pero 2018 pa yun, hanggang ngayon bakit sila ngayon nagkukumahog, di ba? Bakit ngayon biglang ganoon ang dating na biglang kailangan, babaan ang taripa at itaas ang access volume? Pag hindi pa naman matinding irregularities yang nangyayari diyan, aba'y ewan ko na lang. Meron pang mga lumalabas na doon mismo sa report ng investigative group doon, na may mga nag-ooperate at binigyan ng license to operate na mga cold storage warehouses para dito sa mga iniimport na ito, na nonexistent, wala. Pero daan-daang milyon ang dumaan. Di ba? Naku, grabe. Nalalaman yan, kasi pag chine-check na yung Sanitary and Phytosanitary Import Clearance, yung SPSIC, kung anu-ano ang inissue na SPSIC na pati inspection nung mga imported agri-fishery products, pagkatapos, wala namang existing na cold storage warehouse na tinatawag, kaya (unclear), matindi. (Unclear) unauthorized diversion ng mga imported na mga produkto. Yun ang maliwanag, so matinding violation yun. Violation din mismo ng mga Department of Agriculture at legislative orders. Wala pa doon yung mga reklamo ng mga local hog raisers at mga backyard hog raisers.

Q: Dito sa mga unauthorized diversion ng mga imported product, smuggling na po yun?

SP Sotto: Pwedeng (unclear) kategorya na ganoon yun, kaya nga ang tanong namin doon sa CREST-O, ano ang ginawa ninyo? Yung assistant muna nung unang hearing, at itong pangalawang hearing yung undersecretary ang humarap, si Usec. Ablang, at sinasabi nga niya na finorward nila kay Sec. Dar. Kaya tinanong ko siya, ano ang ginawa ni Sec. Dar? Sumasagot na agad si Sec. Dar, sabi ko teka muna secretary, siya ang tinatanong ko. Lumalabas na sa kwento nila, finorward daw nila sa PACC.

Q: Presidential Anti-Corruption Commission?

SP Sotto: Oo, eh hindi ko pa natatawagan si Commissioner Belgica kung ano na ang action na ginawa nila doon, siguro baka maya-mayang kaunti tanungin ko siya. Pero tinanong nga namin, bakit hindi ninyo man lang finile ng administrative case yung mga taong involved? Bakit basta finorward doon? Pagkatapos, nasaan yung mga taong yan? Eh ang sagot sa interview, hindi naman sinabi sa hearing namin ni Sec. Dar yun, pero isa sa mga interview namin narinig, sabi niya ay nag rigodon daw sila. Ibig sabihin, nagpalitan lang, walang suspension, walang investigation, walang administrative case. Nilipat-lipat, hindi tama yun. So matindi ang nakikita naming irregularities.

Q: So, dahil nakikita ninyo na matindi yung iregularidad pero walang ginawang action ang leadership ni Sec. Dar, ni walang administrative case, ano yung magiging recommendation ninyo? May dapat na kasuhan? Dapat na panagutin?

SP Sotto: Oo, hindi ko pinangungunahan muna yung committee report kasi ang tingin ko, pagkatapos namin magusap ni Senator Lacson kagabi, may bagong lumilitaw na baka kailangan ng third hearing. Pagkatapos nung 3rd hearing siguro maso- solidify na natin kung ano yung mga dapat na action namin, meron kaming mga dapat galawin siguro sa batas because alam mo namang in aid of legislation yun. For example, isa sa mga patakaran ng DTI at ng DA yata, magkasama sila, yung inaccredit na nila kung may mga kumpaniyang ganitong may mga nag-iimport kahit na five million lang ang paid up capital pagkatapos ay daan-daang milyon ang pinapasok, yung iba hindi nila namonitor. Hindi pwede yun. Five million paid up capital napakadali noon, di ba? Kayang magtayo ng labing-dalawang kumpaniya ng mga importer na ito kung saan-saan. Marami nang pwedeng hindi mamonitor ng gobyerno, mga ganoon. Baka kung kakayanin, baka mag file kami ng isang bill to that effect na taasan natin. Hindi pwede nag iimport ka ng mga ganito-ganyang mga pagkain ng tao namin, naapektuhan ang mga farmers at producers dito sa Pilipinas dahil ang hilig-hilig ninyong mag import pagkatapos ay ganun-ganun lang? At ang daming hindi namomonitor na pinagbibintangan nila daw ng smuggling na kaya nagkaroon ng ASF ay dahil daw sa mga pasalubong? Pasalubong daw at saka parang gusto pa nilang pagbintangan ang Bureau of Customs? Di ba, kitang-kita mo yung (unclear) ng mga Bureau of Customs na (unclear) sa amin, physically present humaharap sa amin kaya alam kong matatapang. Alam nilang tama yung kilos nila, kaya sila nandoon. Hindi naman sa hindi tama, yung ibang virtual, pero ibig sabihin, kinakausap nila kami agad, sinasabi nila, ine-eksplika nila, hindi pwedeng manggaling yang smuggling na yan, sila ang nag-iinspeksiyon eh, (unclear). So, katulad noon, barya-barya yung pasalubong. Yun bang pasalubong, Pinapakain sa baboy? Hindi, hindi ba? (Unclear) pagbibintangan na magkakaroon ng matinding African Swine Fever sa buong Luzon na nanggaling sa mga pasalubong nung mga umuuwing mga balikbayan, ganoon?

Q: Naghanap ng ibang masisisi?

SP Sotto: Oo, matindi, hindi kapani-paniwala, sabi ko nga tigilan ninyo na, tigilan ninyo yung kabibintang diyan sa mga nag uuwi ng pasalubong daw na pagkatapos ay ang laki daw ng kakulangan natin. Ayun, punta ako doon sandali. Ang laki daw ng kakulangan natin, pina-alala sa kanila ni Senator Lacson, sarado ang mga hotel na napakadami, maraming restaurant na sarado, mag iisang taon na yung iba. Paano nagkaroon ng ganoong kakulangan sa sinasabi nilang kakulangan ng baboy? Samantalang sinasabi ngayon nitong mga hog raisers, dokumentado sila, Visayas, Mindanao, may oversupply. Bakit hindi yun ang pakitain natin? Yung mga taga roon, yun ang kumita, huwag yung mga importers. Sapagkat...matindi yung ano, hindi nakapag-tatakang magbintang kami kasi yung mga importer, ang laki na ng kinikita. Kung hindi ako nagkakamali, talagang tama din yung bintang ng SINAG, nila Rosendo So, pati ng AGAP partylist, nila Cong. Ricky Briones, at saka yung (unclear), na matindi yung tong-pats. Ang kilo ng liempo, sa importer, pag nag import sila, lahat-lahat na, mga P135 lang tapos binebenta nila sa retail outlet ng P300. Sa P135, meron na sila doon, nangkakitaan na doon. Bakit kailangan maging P300? Ibebenta ninyo ng P300? Pagkatapos, nandiyan na tayo, pagkatapos, gusto ninyo pang ibaba ang tax nila? At sasabihin ninyo pa na gagawing 400,000 metric tons ang ipapasok? Sino ang kakain noon, hindi ba?

Q: Eh di babaha dito ng imported product tapos meron namang supply naman para sa locally produced na mga baboy.

SP Sotto: Meron, eh ano pa nga yan, baboy pa lang ang pinaguusapan dito pero pag inungkat namin yung import ng mga manok at fisheries, pati mga (unclear), mga bawang, mga ganoon, aba eh, matindi-tindi ito. Kaya sabi ko nga, sinong...unang-una sa lahat, sinong genius ang nakaisip na gumawa nito? Yun ang tinatanong ko, hindi naman nila nasagot. Hahanapin namin ang sagot doon. Pangalawa, sinong magaling ang nag convince sa Presidente na pirmahan yan. Pag nalaman ng Pangulo ito, ako naniniwala, sa pagkakakilala ko kay Pres. Duterte, pag nalaman niya lahat itong na uncover namin, babawiin niya yun or hind niya pipirmahan yun, sigurado. (Unclear) mga gumapang nito, matindi.

Q: May hint ba kayo kung sino ang gumapang?

SP Sotto: May mga tumatawag sa akin kagabi pero mahirap yung hearsay, pero tingnan natin sa susunod na hearing, baka sakaling matuklasan natin kung may katotohanan yung mga sinasabi.

Q: Isa sa mga naging resulta sa Committee of the Whole, may inadopt kayo na resolution calling for the President na i-withdraw yung recommendation na itaas yung maximum access volume at yung EO 128 na nagbababa ng taripa. May info na kayo kung pakikinggan kayo ng Pangulo dahil 20 senators ang pumirma doon sa resolution?

SP Sotto: Wala pa. Nagkamali naman ako, dapat kasi kagabi tinawagan ko na si Exec. Secretary Medialdea pero baka hindi pa sila nagkakausap during that time. (Unclear) today or baka Monday, basta over the weekend, kakausapin ko si Exec. Secretary, tatanungin ko kung ano ang (unclear) nila sa pinaguusapan.

Q: Yung copy ng resolution kinopy-furnish yung Office of the President?

SP Sotto: Oo, alam ko napadala na kahapon kasi pinirmahan na namin nung Huwebes pa. Kahapon, pumirma na ako.

Q: Bakit yung ilang close kay Presidente hindi pumirma doon sa resolution?

SP Sotto: Hindi ko alam, sila ang tanungin ninyo.

Q: Sabi ninyo possible na magkaroon ng third hearing dahil sa paguusap ninyo ni Sen. Panfilo Lacson, meron pang mga naungkat. Ano ito, sa pork importation pa rin?

SP Sotto: Yes, oo, sa pork importation pa rin, pero hindi lang. Merong mga lumalabas na may mga matitinding nangyayari rin sa ibang mga iniimport.

Q: Na ang laking nawawala sa gobyerno?

SP Sotto: Oo, malaki ang nawawala sa gobyerno. Alam mo, kung may nawawala sa gobyerno na isang bilyon, dalawang bilyon, hindi yun ang masakit sa lahat. Masakit, matindi, pero ang pinakamasakit sa lahat, naaapektuhan yung mga maliliit. Naapektuhan yung mga magsasaka natin, mga hog raisers natin, backyard hog raisers. Hindi alam ng karamihan sa atin na itong swine industry, pag sinabi mong swine industry, sa kabuuan ng lahat ng babuyan, kasama dito yung iba't-ibang industriya. Meron silang allied industries na tinatawag, katulad ng farmers, yung mais, yung mga kinakain ng mga baboy, yung feeds, ang dami. Ultimo transportation at kung anu-ano, may kinalaman. Maraming industriyang nakakabit sa pork. Kaya, binabanatan tayo ng ganyan tapos bibigyan tayo ng computation na para bang ang computation nila bawat isang tao ay uubos ng 15 kilos ng pork. Sinasama pati yung mga taong hindi kumakain ng baboy, naka compute. Pang computation na ano yun, pang eskwelahan, pang college, hindi on the ground. Hindi on the ground na mga ano, hindi practical. Common sense ang importante rito, kung minsan kailangan mabigat ang common sense mo. Hindi pwede yung, katulad nung figures na binibigay ng NEDA, eh puro figures yun, pag puro figures at puro analysis, tama kayo. Figure at analysis yan, paano on the ground. Paano itong mga hog raisers federation, itong mga kawawa nating mga backyard na nag-aalaga ng mga ilang babuyan diyan sa kanila. Luzon, Visayas, Mindanao, paano yung mga yun? Kakainin ba yung statistics ninyo? Yung figures ninyo? Hindi eh.

Q: Para malaman nila yung sitwasyon sa ground, hindi ba dapat kinakausap nila yung sector na apektado? Itong mga hog raisers?

SP Sotto: Isa pa yan, hindi ko alam kung namonitor ng media masyado yan kasi hindi ko nabasang sinulat nila. Isa pa yan, pinuwera nila. Nag (unclear) nung una, nago-object itong yung sila Mr. Tan at saka yung leader nung grupo nung nila, na sa pork federation din yun. Nung nago-object sila, kinabukasan, ang sinabi sa media, at ang nilabas ng media, ay payag daw. Pagkatapos, sumunod na meeting, tinanggal ang pangalan nila doon sa advisory council. Pinuwera sila. Ano ang sa tingin ninyo, ano sa tingin ninyo ang dahilan, di ba?

Q: So talagang may intention na iitsapuwera sila para makalusot yung gusto nila.

SP Sotto: Correct. May hindi magandang intention, yan ang bottom-line. At hindi inaalintana yung naghihirap nating kababayan, hindi inaalintana. Yun ang bottom line. Okay sa kanila yung mga importer, o yung mga kikita doong kung sinong Ponso Pilato yan, ewan ko.

Q: May nabanggit kayo na ang suspetsa ninyo baka election related ito? May gustong mag ipon para magamit or...?

SP Sotto: Hindi malayong mag isip yung mga kababayan natin ng ganoon, kasi mag iisang taon na lang, election na eh. (Unclear) campaign period pagdating ng October, November, ayan na. Ang lapit masyado nito para nagre-raise ka ng ponding ganyan, di ba? Ito yung mga grupong biglang yayaman diyan, na ang maghihirap, yung mga kababayan natin. Ganyang-ganyan ang narinig ko rin sa mga kababayan natin nung i-approve ng biglaan yung Dengvaxia na sampung bilyon, nung 2015, ng December. Di ba, ganyan din ang bintang nila. Ay gagamitin sa election yan, di ba yun ang sabi? Hindi nakakapagtaka na mag isip ng ganoon yung mga kababayan natin, o pati kami mag isip ng ganoon. Huwag nilang masamain yun, kasi to each his own, di ba?

Q: (Unclear) sa Committee of the Whole, kaya ninyong ma-establish yun or mahirap ma-establish kung may kinalaman sa election?

SP Sotto: Hindi ko alam, tatanungin ko yung pulis baka may imbestigasyon na. Baka may magandang imbestigasyon yung pulis na hindi pa nakakarating sa akin, tingnan natin. Alam mo naman kung sino yung pulis doon sa amin.

Q: Ito nga, sabi nga ni Senator Ping, sabi ninyo nga, (unclear) sa pork, pati nga sa chicken importation, seafoods, garlic, na talagang papatayin nito ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at sa halip na sila ay tulungan, parang papatayin.

SP Sotto: At the expense. Ayaw ko namang sabihin na gusto nilang patayin, hindi, pero at the expense nung ating mga kababayang maliliit, yung maraming kikita ng malaki.

Q: Ano po ito, tanda ng pagiging inefficient ni Sec. Dar? Or dahil kumikita rin siya, or hindi siya competent para malaman itong mga iregularidad na ginagawa ng mga tao sa paligid niya.

SP Sotto: Ewan ko, hindi ko kayang sagutin yang tanong mo na yan. Ang masasabi ko siguro, at the worst, kung nakikita natin na maganda naman ang record ni Sec. Dar, ang tingin ko napapaikutan siya, or meron siyang hindi masabi. Alin lang sa dalawa yun. Napapaikutan siya or...ayaw kong sabihin na involved siya. I don't think so. Pero sa tingin ko, pinapaikutan siya, or meron siyang hindi masabi.

Q: (Unclear) siyang napapaikutan at meron siyang hindi masabi, may magiging liability siya kung napapaikutan siya at kung hindi siya nagsasalita sa anumang iregularidad na nalalaman niya?

SP Sotto: Well, iwan namin sa PACC ngayon yan sapagkat sila ang tumingin diyan, siguro iwan natin sa Ombudsman yan. Kami naman ay in aid of legislation kami, ayaw kong kaagad magdikta. Ang aming pagbibintang, ay sa nakikita at nakalitaw, nakalitaw na mga papeles at mga ginagawang action, pero as far as that is concerned, on a personal level, I'd rather not, ayaw ko naman.

Q: Wala pa kayong pinaplano kung kailan yung third hearing at ano yung tututukan kung sakaling mag schedule kayo ng third hearing?

SP Sotto: Meron lang kaming mga vine-vet na mga tao at dokumento. Siguro pagka medyo malinaw yun, siguro baka Wednesday or baka Thursday next week.

Q: Titiyakin ninyo na may mangyayari dito sa ginagawa ninyong imbestigasyon dahil kapakanan at kabuhayan ng ating mga magsasaka ang mga naka salalay dito?

SP Sotto: Oo, at saka yung pwede naming gawin as an equal branch of government, the third equal branch of government, gagawin namin. Hopefully, nakikita naman ng House of Representatives at saka nila Speaker Velasco yung na-uncover namin, ay papakisamahan nila. So, ang mangyayari diyan is pag walang nangyari, at hindi kumilos ang Palasyo dito, eh yung usapan namin nila Senator Drilon na ico-consider namin yung possibility na pwede (unclear) alisin yung pagde-delegate nitong power na ito. Power ng Kongreso ito eh. Pagbalik namin ng May 17, idi-discuss namin yun in plenary.

Q: Pero bago bumalik ang session, wala naman kayong plano na makipagusap kay Presidente, humingi ng meeting with the President?

SP Sotto: Ako ay naghihintay lang. Even nung ano, merong meeting na tinawag ang Pangulo, I am not sure kung confidential yun, well, matagal na pwede ko siguro sabihin. Two-three weeks ago yun, tumawag ng meeting ang Pangulo, at ang pinaguusapan, yung BARMM elections, dahil yung proposal na i-postpone. Nung bandang dulo, sabi niya, sige, one of these days, kausapin ko na si Senate President at si Speaker, kami lang ang magusap, sabi niyang ganoon. Wala pa yan hanggang ngayon, pero the other day, nakausap ko si Sen. Bong Go, sinabi ko sa kanya, sabi ko, Bong, sabihan mo lang ako any time kung ano, gusto ng Presidente makipagusap kasi marami tayong dapat na ipaalam sa kanya, sabi nung usapan namin.

Q: So (unclear) na ipatawag na kayo ni House Speaker Velasco ng Pangulo, iga-grab ninyo yung opportunity to discuss itong issue sa pork importation.

SP Sotto: Oo, magpapasintabi ako sa kanya, babanggitin ko kung okay sa kanya ang lahat, itake up namin.

On the cases of Covid-19

Q: Mataas pa rin yung mga naitatalang kaso ng Covid kada araw, yung mga nasasawi, at naalala ko may panawagan yung anim na Senador na sumulat sa inyo na i-reopen yung hearing ng Committee of the Whole tungkol sa Covid response ng government. Malaking pangangailangan o dapat mag focus muna...?

SP Sotto: Hindi pa ako binabalikan nung legal namin, kasi alam mo naman ako, pwede ako nung out of the box na diskarte, itatawag ko lang basta-basta yun. Pero, ang problema kasi, baka may legal impediment kami nung in-adjourn ko. So, titingnan namin kung pwedeng tumawag ako. Worse comes to worst, malalaman natin. Tingnan natin. At saka gusto ko ring malaman kung adjourn ang sinabi ko, o baka suspend lang. At kung may draft na kami ng committee report or wala pa. Kung wala pa, pwedeng-pwede. Mahaba ang Bakasyon, May 17 pa kami babalik kaya mahalaga itong mga usapin na ito.

Q: Sabi daw ng Pangulo, dahil sa kakulangan ng bakuna baka raw marami pang mamatay. Ano ito, (unclear) or nagiging practical lang ang Pangulo?

SP Sotto: Siguro practical yung sinasabi niya pero kung ako naman yung Department of Health, nagsalita ang Presidente ng ganyan, aba, kumilos ka. Baka ikaw ang pinariringgan ng Presidente, hindi ang taongbayan. Di ba? Bakit, humahanap ka ng (unclear), ng cure. Two months ago, sinasabi ko na yan. Pag may lumalabas na mga gamot na sinasabi, ganito, ganyan, binabaril nila. Ewan ko kung bakit ayaw nila. Ang daming pwedeng subukan, ngayon lumalabas yung virgin coconut oil, pati sa abroad, ginagamit. Yung Ivermectin, lalo na sa abroad, ginagamit, ginawa pang national ano nung ilang bansa, ang daming gumaling. Pati sa ano, yung FLCCC na grupo, hanapin mo sa internet. Makikita ninyo yung testimonya. So, habang wala pang vaccine, eto, treatment at saka yung cure, prevention ang kapain ninyo.

Q: Para maiwasan yung dami ng namamatay.

SP Sotto: Correct. At hindi lumalala pag gumamit ng mga ganoong treatment eh. Maiiwasan yan. Parang yung sinasabi ko sa illegal drugs, nung araw pa, paulit-ulit ako. Ang prevention ang pinaka mahalaga. Yun ang number one, pangalawa, yung rehabilitation. Tapos ikukumbinasyon mo yung enforcement, at saka yung prosecution. Pero, wala kasing bibili, kung walang bibili, walang magbebenta, ganoon din ito. Yung prevention mahalaga dito sa Covid. Sana naman nakikinig sila sa atin, palibhasa wala, eh Senate President lang tayo.

Q: Si (unclear) umiinom daw ng Ivermectin, yung anak daw niya nagka Covid, nakakatulong daw yun?

SP Sotto: Sino?

Q: Si Katrina, yung anak ni (unclear).

SP Sotto: Ako umiinom ako.

Q: Kayo?

SP Sotto: Oo.

Q: As prevention?

SP Sotto: Oo, once every two weeks.

Q: Talaga. (Unclear) yung virgin coconut oil.

SP Sotto: Hindi ko alam, nabalitaan ko pa lang yan tapos may mga testimonya na ano siya, exposed sa mga may Covid, at hindi siya nag aalintana, pero ang pamatay niya ayun, virgin coconut oil, pinapahid sa ilong niya, tapos iniinom, eh testimonya lang yun, hindi natin masabi pa (unclear). Hindi tulad nito mga doctor talaga ang nagsasabi. Yung tungkol sa Ivermectin, tapos ano pa yung isang gamot? Dalawa, tatlo yung treatment na yun na pwede. Prevention muna, sabi ng Pangulo, delikado, mapapatagal pa yung kalahati, at least 70 percent mava-vaccinate, eh di treatment and cure, mag concentrate tayo diyan. (Unclear) aandar ang ekonomiya kung ganoon.

Q: Yung Ivermectin, pwede mo itake kung wala kang Covid, para lang huwag kang magka Covid?

SP Sotto: Oo, ano yun, preventive. Sa pag-aaral ko, ganoon, sa nakikita ko sa ibang bansa, ganoon, Kahit dito sa atin, ganoon. Meron akong kakilala, tinamaan ng Covid, tumira ng tatlong araw ng Ivermectin, pagdating g pang apat, pang limang araw, tanggal na lahat yung mga symptoms niya. Naghintay na lang ng 14 days bago nagpa-check ulit, pag check, negative na. Ang dami kong kilala na ganoon.

Q: Mabagal kasi ang FDA, laging pag-aralan muna. Tapos nagbibigay na sila sa hospital ng parang compassionate permit ba para magamit gamot na ito.

SP Sotto: Hihiramin ko yung sinabi ni Manong Johnny, napanood ko kasi. Sabi niya, walang pakialam ang FDA kung ano ang gusto kong ilagay sa katawan ko. Sinabi niya yan. Naniniwala siyang gagaling siya doon. Ang sinasabi niya, ang sinasabi ng FDA, linawin natin, pagka hindi legal, binebenta mo, yun yung may sagutin ka. Pero hinamon sila ni Cong Defensor, eh di subukan nila. Fa-filan daw si Mike ng kaso.

Q: Magbibigay siya ng libreng Ivermectin.

SP Sotto: Itong laban na ito, wala itong kampi, wala itong kalaban. Ito para sa kabutihan ng karamihan ng kababayan natin. Ang kailangan dito, (unclear), lahat, tulong-tulong tayo paano mareremedyuhan ito.

Q: So dapat magtulungan.

SP Sotto: Correct.

Q: Marami pa ring Senate employees ang nagka Covid, ilan na rin yung namatay. Yun bang target ninyo na mabakunahan lahat ng Senate employees bago magbalik yung session, sa tingin ninyo maa-achieve naman?

SP Sotto: Oo, malaki ang pag-asa, kasi sabi ni Sec. Galvez sa akin, pinayagan na nila kami, kailangan may tripartite agreement di ba? Pinayagan nila kami doon sa iimport ng Senado, (unclear) bili ng Senado, pinayagan na kami. (Unclear) ang delivery, ang sabi sa akin, either this month daw or at the latest, next month. Pag dumating yun, syempre...tapos ang Senado, si Sec. Villarica, kase-set up lang nung kahapon or makalawa, naset-up na yung mga refrigeration nung mga vaccines pag dating. Five thousand lang naman ang inimport para sa Senado. Hindi naman para sa mga Senador yan, para sa mga empleyado. Mga empleyado ng Senado, mga 1,800 yung regular na empleyado. Pero may mga consultant yan, may mga ganito yan, so, easily, nasa mga 2,000 plus ang kakailanganin. Eh tiga-tigalawang dose, so tamang-tama nga yung 5,000.

Q: So, kapag dumating na yung inoorder ng Senado, diretso na sa Senado, doon na yung storage, immediately, masisimulan yung vaccination sa mga employees.

SP Sotto: Oo. Immediately mauumpisahan kaagad yun.

Q: Mabuti naman kasi parang mga frontliners na rin yung mga Senate employees.

SP Sotto: Yun na nga ang kinalulungkot ko doon sa nababasa ko sa Viber group ng mga Senador, meron silang mga A4, A3, mga ganyan, mga frontliner, nalulungkot sila, bakit daw yung mga empleyado ng Senado hindi kina-classify na frontliner eh balewala lahat yang mga batas nila na yan, balewala lahat yung mga ayuda, balewala lahat yung mga Bayanihan at lahat ng (unclear) hindi namin (unclear) aksiyunan. Hindi ba yung kikilusin ng Executive Department pagdating sa pera, pag hindi kumilos ang Kongreso at Senado, wala lahat yan. Pagkatapos hindi kina-classify na hindi daw sila frontliner kaya nalulungkot yung iba. (Unclear) ng ganoon, hindi kami pinapansin.

Q: Anong brand nung inoorder ng Senate para sa mga empleyado?

SP Sotto: Gamaleya. Marami sa amin may gusto, yung Sinopharm. Sa listahan ng union, yun ang number one. Pero may kanya-kanyang opinion yan, syempre susundin namin yung aming Majority Leader. Yung Majority Leader, ang gusto, Gamaleya. Sa research daw niya, yun ang pinaka magaling eh di doon tayo.

Q: Meron nang special emergency authorization ung sa Gamaleya kaya pwede na mag order noon?

SP Sotto: Meron na yata, meron na. (Unclear) gobyerno, dumating na yung kanila.

Q: Kayo ba ay pabor sa isinusulong ng DOST na tayo na mismo ang mag manufacture ng vaccine at kung may interesadong kumpaniya, bigyan na lang sila ng incentives para mahikayat na yung mga local company ay mag gawa ng bakuna?

SP Sotto: Correct, oo, maganda yun. I am very supportive of that. I support that move. Maganda yun parang sa ano, katulad nung sa Ivermectin, alam mo yung Ivermectin na gawa dito sa atin, kasing galing nung Ivermectin na galing ng US. Gawa, made in USA at saka nakalagay doon, makikita mo, na yoon, as directed by your medical practitioner. Walang nakalagay doon na sinabing veterinary or beteneraryo. (Unclear) walang sinasabi yoon na as prescribed by your veterinarian, walang ganoon. Ano kasi, sinisiraan nung iba. Nakalagay ang linaw-linaw nung galing sa States, mina-manufacture na nila at saka ginagamit na nila, nakalagay as prescribed by your medical practitioner.

Q: Yung iniinom ninyong Ivermectin manufactured na dito sa Pilipinas?

SP Sotto: Oo, dito galing. For human consumption version yun.

Q: Balita ko nagmahal na ang presyo.

SP Sotto: Merong nag walanghiya eh. Pag nahuli ko yung nagwawalanghiya na yun doon sa Facebook, babatukan ko yun. P35 lang ang isang capsule, binebenta P250, salbahe. Siguro baka kaya yung ibang malalaking kumpaniya medyo naiinis doon kasi mura.

Q: Kung kaya natin na dito nagmamanufacture nung Ivermectin, itong bakuna kaya na rin.

SP Sotto: Oo, pwede, mas mabuti pa. Baka later on, baka 100 percent na ang may vaccine. Parang yung anti pneumonia at yung anti-flu, yung may ayaw na lang ang huwag. Ayaw mo, huwag, di ba? Pero yung gusto mo, available. Di ba sa atin, available naman ang anti-flu, anti-pneumonia? Merong vaccination na ganoon di ba?

Q: At hindi na tayo magmamakaawa na bigyan tayo ng bakuna.

SP Sotto: Oo, balang araw kasi darating at darating ang panahon, hindi naman maaalis yan. Hindi mawawala yan, kailangan yan, kaparte na ng buhay ng tao yan, yung mga virus na yan. Katulad nung virus ng pneumonia, yung virus ng flu, di ba? Nandiyan na yan, habang buhay na yan, kaya kailangan lang, alam mong harapin o alam mong iwasan. Katulad niyan, nandiyan na.

News Latest News Feed