Press Release
April 20, 2021

TV Patrol Interview ni Sen. Win Gatchalian kasama si Alvin Elchico ukol sa suplay ng kuryente

Q: Ano ang insights mo, bakit ganito may yellow and red alerts? It appears tadtad sya ng yellow and red alerts until July. Hindi ba nakakababahala yun?

SEN. WIN: Unang una Alvin hindi dapat tayo magkaroon ng red alerts or brownouts dahil padating na yung mga bakuna natin by end of this month May, June and tuloy tuloy na yun. At nakita ko doon sa schedule, padating na yung Pfizer at Moderna. Alam natin na maselan na vaccine ito at kailangan ng almost subzero freezing temperature o mga freezer na kaya negative 20 degrees. So in other words kung may brownout tayo, saan natin ilalagay ang mga bakuna natin? Malaking dagok yan sa atin at maaantala yung vaccination process natin, yung pagbabakuna natin. So in other words, dapat gawin ng ating pamahalaan lahat ng makakaya nila na maiwasan ang brownout.

Ngayon to answer your question, nagkakaroon tayo ng possible yellow and red alert because manipis yung reserba natin dahil maraming planta ang nagkaroon ng tinatawag nating unplanned outages. Huminto sila, nag outage sila na hindi nasa plano. So itong last two months lumalabas almost 6,100MW ang unplanned, ibig sabihin bumagsak yung planta ng hindi nasa plano. At ito nakadagdag ito ng malaking dagok sa supply ng ating kuryente dahil hindi pinaplano ito eh. Ang nakaplano lang is 1,300 tapos 6,000 ang hindi nakaplanong nawala sa sistema. Kaya nakikita ko in the next two months, Alvin malaki ang possibility, malaki ang posibilidad na magkaroon tayo ng red alert at yellow alert. Tingin ko ini-estimate ko based on our projections, mga nasa 70% pwede tayong magkaroon ng yellow and red alert. So dapat maiwasan ito talaga.

Q: Bakit ganun? Hindi ba narerendahan yun ng gobyerno na 'huy teka muna huwag naman kayong magsabay-sabay kasi bukod sa supply implication, may cost implication din, may implication din sa rate kaya double whammy sya.'

SEN. WIN: Dapat gumalaw dito ang ERC dahil nung November 2020 last year, naglabas sila ng isang polisiya na lahat ng planta, merong tinatawag tayong reliability index, ibig sabihin lahat ng planta dapat gumawa. Pag hindi ka gumana, i-justify mo sa amin. So itong mga unplanned, ito'y mga plantang bumagsak, dapat maimbestigahan ito ng ERC, itong 6,100MW. Pag bumagsak sila doon sa polisiya ng ERC, dapat pagmultahin sila dahil ang konsepto dito, nangako ka na magsusupply ka ng 6,100 pero sinasabi mo ngayon na hindi ka maka supply dahil bumagsak yung planta mo, hindi pwede yun dahil tayo naman bilang konsyumer ang madedehado dahil kontrata ito eh, nangako ka na magde-deliver ka ngayon kami naman ang madedehado dito, maaagrabyado. So ang importante ngayon ang ERC maimbestigahan ito dahil meron na silang resolusyon at polisiya dito, pangalawa ang DOE dapat ring maimbestigahan dahil may mga allegations na yung logistics, dahil nga pandemya ngayon, hindi dumarating yung mga spare parts, hindi dumarating yung mga maraming problema sa logistics, dapat matulungan din ang DOE at magawan ng aksyon ito para hindi sabay-sabay na bumagsak ang planta.

Q: Are you also worried senator na ito'y magkaroon ng rate implication or cost implication, remember I think about a month ago or two months ago, tumaas yung Meralco eh. Ang dinahilan nila mataas ang presyo sa spot market dahil sa series of tightness in supply. Yun maaarok yun ng mga ordinaryong konsyumer pag tumaas na ang singil sa kuryente.

SEN. WIN: Malaking possibilidad yan dahil simple supply and demand Alvin, pag nabawasan ang supply, yung mga utilities tulad ng Meralco, wala silang choice kundi pumunta sa merkado para bumili at pag sabay-sabay pupunta sa merkado ang mga utilities natin, tataas ang presyo talaga. So may possibility rin na tumaas. So ang solusyon dito at all cost, dapat yung mga planta, wag bumagsak. Wag silang mag outage. Tulungan ng DOE kung may logistical problem at yung ERC imbestigahan dahil doon sa mga hindi sumusunod doon sa reliability index eh dapat pagmultahin.

News Latest News Feed