Press Release
April 24, 2021

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon DWIZ Usapang Senado hosted by Ms. Cely Ortega-Bueno

Q: On the presence of Chinese vessels in West Philippine Sea

SFMD: Ang problema natin, hindi na tayo pinapansin dahil pinabayaan natin iyan noon. Kung maalala mo noong Enero ng nakaraang taon, ang hiningi sa pamahalaan ay pagbawalan ang mga China na pumasok sa bansa. Ano ang sabi ni Sec. Duque? Huwag baka magalit ang China. Hindi nga nagalit ang China sa atin, mahigit naman sa 13,000 ang ating mga kababayan ang namatay at 800,000 kababayan ang apektado ng COViD-19. Iyan ay resulta ng appeasement and accommodation policy natin sa China. Sa akin, talagang hindi papansinin ng China kung one-on-one, ibig sabihin tayo lang, kaya dapat himukin natin ang mga kasamahan natin sa ASEAN na magkaisa dahilan pareho ang ating layunin, pareho tayong mahihirap na bansa. Kailangan magkaisa at sabihin sa China na sumunod kayo sa patakaran dahil ito ang kailangan natin para maging tahimik at stable itong West Philippine Sea. Apart from the protests, which I support, we should, as an objective, to get the other nations to confront China, pati yung US, Australia at Japan. Dapat magkaisa tayo laban dito sa ginagawa ng China na pag-aangkin ng teritoryo na hindi sa kanila.

Q: Parang wala naming nangyayari sa mga protest...

SFMD: Kaya patuloy na hindi tayo papansinin dahilan sa ang appeasement at accommodation policy sa China, ang bunga nito ay hindi na tayo pinapansin. Mayroon tayong naipanalong kaso sa International Tribunal, sinabi nito na walang basehan ang pang-aangkin ng China pero hindi ito pinapansin. May basehan tayo para kumbinsihin ang ibang bansa to confront China.

Q: Sino po ang dapat gumawa nito? Sapat na po ba yung mga secretary?

SFMD: Ang dapat po ay Pangulo mismo dahilan sa mayroon ding limitasyon secretary. Kailangan magkaisa at maiprisinta ang united front among these countries in order to make China realize na mali yung ginagawa nila.

Q: Hindi po kaya yung inaction ay dahil sa sinasabing verbal fishing agreement between President Duterte and President Xi Jinping?

SFMD: Hindi ko po alam kung iyan ang dahilan. Sinabi noon na may verbal agreement. Sa akin po, hindi pwede ito, hindi pwede na may ganoong klaseng verbal agreement. Kung mayroon man, ano po ang sakop nito? Hindi pwedeng verbal. Sang-ayon ako sa opinion ni Sec. Roque na sa ilalim ng international law, ang treaty ay dapat sa pamamagitan ng isang kasunduan na ira-ratify ng Senado. Ang verbal fishing agreement hindi ubra iyan. In fact, prinisinta iyan ni Sen. Tolentino noon na sinasabing binding ang verbal agreement. Nang nagdebate kami hindi niya masabi kung ano iyong agreement. There is no valid, binding verbal agreement. It does not exist. Kung anuman ang agreemeng na binuo, hindi pwedeng lumabag it sa naging decision ng international tribunal. Kahit siya ay chief architect, kailangan anumang agreement ay sang-ayon sa ating Saligang Batas, sang-ayon sa ating sovereignty at sang-ayon sa international tribunal decision.

Q: Ang sinasabi nila, pinabayaan daw ng nakaraang administrasyon?

SFMD: Sinampahan nga ng kaso eh. Kasi hindi mo naman pwedeng giyerahin. Kaya nga we resorted to legal means at nanalo ang bansa at iyan ang dapat maging basehan ng kasalukuyang administrasyon. Let us use this judgment to campaign for a united effort on China to have them follow the rule of law and the judgment.

Q: Itong AFP chief of staff, umaapela sa Congress na itaas ang kanilang budget para protektahan ang WPS.

SFMD: Sa akin titingnan natin, open ako diyan, dahilan sa kailangan natin ng decent armed forces. Dapat ilagay naman natin sa priorities natin. Kaya hindi natin nakakaya ang pangangailangan ng sandatahang lakas ay kung saan-saan napupunta ang pera - sa intelligence fund, confidential fund, at anti-insurgency fund.

Kung itatama ang priorities, we can have a program para maayos natin ang ating defense capabilities. We should have an armed force capable of at least a decent defense on our territory para respetuhin tayo. Ang problema ay kakulangan sa salapi kaya dapat ayusin natin ang priorities sa paggasta ng pera.

Q: On the alleged verbal fishing agreement

SFMD: Sa akin, hindi dapat sundin kung mayroong verbal agreement at kung meron man, ano ba ang parameters dito. Kung verbal agreement, hindi dapat sundin at walang bisa iyan. Ang kasunduan between countries must be in written form, in treaties. Kasi dapat i-ratify iyan ng Senado. Kaya sa akin, kung meron man, hindi po valid iyan.

Q: On Lt. Gen. Parlade

SFMD: Ngayon lang ako nakarinig ng isang opisyal ng armed forces na sinasabing istupido ang mga senador. That is very disrespectful at uncalled for. Kaya sa mga susunod na araw ako, ako po ay maghahain ng resolution to censure Lt. Gen. Parlade. Wala pong lugar iyan sa ating pagdedebate. Hindi ko sinasabing sasang-ayunan ang senado, ang sinasabi ko ay respetuhin ang mga senador. Kung hindi tayo magkasundo, huwag n'yo kaming tawaging istupido. Hindi naman kami stupid for calling for a realignment of their fund. Hindi kami stupid kung sasabihin naming na i-defund ang NTF-ELCAC. Kapangyarihan ng Kongreso ang mag-allocate ng pera sa ilalim ng Saligang Batas. Hindi po stupid ang mga senador. Kaya sa aking, that is totally disrespectful ang ginawa ni Lt. Gen. Parlade. Sa katunayan, may committee report sa senado na sinasabing illegal ang pagkakaupo ni Parlade bilang spokesperson ng NTF-ELCAC. Ngunit binabalewala ito ng Malacanang. Kaya magpa-file ako ng resolution which will call for the censure of Lt. Gen. Parlade. Sa aking paniwala, ito po ay isang behavior that we can censure. Sa aking tingin, talagang dapat ipakita ng senado ang kanilang displeasure. Hindi dapat palampasin ito. Otherwise masasanay. Uulitin ko, hindi dahilan sa magkaiba kami ng pagtingin sa issue. Pero let us not go down to the level na tatawagin mo kaming istupido.

Q: Hindi po ba ang Pangulo bilang commander in chief, dapat niyan i-reprimand si Parlade.

SFMD: One of these days, somebody will go to court to question Parlade's role as spokesman of NTF-ELCAC.

Q: Pwede po siyang kwestyunin sa Supreme Court o Civil Service?

SFMD: Pwedeng kwestyunin sa Korte Suprema. Pagdating ng budget deliberation, sasabihin namin na illegal ang NTF-ELCAC at tatanggalin ang pondo nila. Hindi kailangang i-defund for 2021, ang kailangan ay i-realign ng Pangulo itong pondo sa ayuda at bakuna at may sapat na authority sa ilalim ng 2021 GAA. Sa susunod na linggo, ako ay hihingi na dapat magsumite ng accounting ang NTF-ELCAC kung paano nila ginastos ang pera sa nakalipas na first quarter.

Q: Dahil sa ginawa ni Parlade na nag-profiling ng mga community organizers, kayo ay nanawagan na sana ay madaliin na itong aksyon ng Senate sa inyong red-tagging bill. Mayroon na po bang commitment si Sen. Gordon?

SFMD: Ang pagkakaalam ko pagbalik namin sa Mayo 17 iyan po ay didinggin na sa committee para magkaroon ng deterrent itong red tagging dahilan sa nakakatakot ito, kapag sinabing ikaw ay komunista, baka pupulutin ka na lang sa community pantry.

Q: May counterpart bill na po ba iyon sa HoR?

SFMD: Wala pa pero may mga congressman na nagsasabing ipasa na iyan.

Q: Dito sa COVID-19 response, ano po ang assessment ninyo? Failure pa rin po ba?

SFMD: Talagang kahit sinong tanungin mo ay may pagkukulang. Unang-una, hindi pinigilan ang pagpasok ng mga galing sa China baka magalit ang China. On the other hand, yung Vietnam, sinara nila ang kanilang border. Ganundin ang Taiwan. Pangalawa, yung ating testing facility, hanggang ngayon nasa 40,000 tests per day. Yung testing facility at proseso ng testing ay talagang kulang kaya hindi mo na alam kung yung naglalakad sa kalsada ay COVID-19 positive. Sa atin totally inadequate unlike sa ibang bansa.

Pagkatapos yung ating treatment, yung mga hospital natin puno na, inadequate ang healthcare system at hirap na hirap ang ating healthcare workers. Mahirap sabihin na matagumpay ang ating programa dito sa COVID-19.

Q: Kayo po ba ay nagpabakuna na?

SFMD: Ako po ay pumila sa San Juan, ako po ay senior citizen, I registered online because of my age, my comorbidity, mayroon po akong heart pacemaker, at binigyan ako ng notice na eligible ako sa Astrazeneca. Ini-schedule ako ng April 10, maayos yung proseso. Maganda yung patakaran ni Mayor Zamora. Mabilis lang ang naging proseso ng bakuna.

Q: Wala po kayong naramdaman na side effect?

SFMD: Wala po.

Q: With that, kailangan po makumbinsi natin ang ating mga kababayan na magpabakuna na?

SFMD: Dapat magpabakuna po sila kung anuman ang available. Ang risk na may side effect far outweighs the risk na baka madisgrasya tayo dahil sa pandemya.

Q: On Senate Committee of the Whole hearing on pork importation

SFMD: Unang-una, gusto ko pong alamin kung naitaas na ang minimum access volume o MAV dahilan sa itong pagtaas ng MAV ay kapangyarihan ng Kongreso at hindi ng Pangulo. Dine-delegate lang namin ito sa Pangulo. Ipinadala sa aming ang recommendation ay March 26 kung kalian wala na kaming session. Kaya sa akin, hindi pa dapat itaas ang MAV dahil hindi pa ito effective at hindi pa napag-aaralan ito ng Kongreso.

Q: Illegal po iyon kung in-implement nila?

SFMD: Tama po iyan.

Q: Nakamusta ninyo na po ba si Sen. De Lima

SFMD: Hindi ko pa po alam ang kundisyon. Pero tama po na kaninang umaga ay nakarating na si Sen. De Lima sa Manila Doctors Hospital.

News Latest News Feed