Press Release
April 24, 2021

Survey says learners not learning enough; Gatchalian urges gov't to address distance learning

Only less than half of parents or guardians think that their children in basic education are learning, says a Pulse Asia survey on educational problems encountered during the COVID-19 pandemic. For Senator Win Gatchalian, this adds urgency for the government in addressing the quality of distance learning and prioritizing education in the country's recovery efforts.

The Pulse Asia Survey conducted from February 22 to March 3 had 1,200 adult respondents nationwide, 63% of which have children in basic education. Only 46% of these parents or guardians said that their children are learning, while 25% or one in four said their children are not learning. Three out of ten or (30%) cannot say if their children are learning or not.

Among the educational problems encountered during the pandemic, difficulty in answering modules is the most common (53%) for adults with children in basic education. This problem is more common among respondents in Mindanao (74%). The survey also points to educational inequalities across socioeconomic groups as respondents from Class E (71%) have greater difficulty in answering modules compared to their peers from Class D (52%) and Class ABC (35%).

For Gatchalian, the results show the poor quality of distance learning. He also pointed out that the educational attainment of parents and guardians is also a factor on distance learning woes. Under the 2015 Family Income and Expenditure Survey (FIES) released in 2017, up to 54% of Filipino household heads have not completed high school.

While the Pulse Asia survey revealed that 34% of parents or guardians have less or no time to guide their children, Gatchalian pointed out that the remaining 66% who may have time to help could still be struggling because Filipino household heads have low educational attainment.

"Bagama't pinagsisikapan nating ituloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya, makikita nating marami pa rin sa mga mag-aaral ang hindi natututo sa ilalim ng distance learning at pati ang kanilang mga magulang ay nahihirapan din. Kung hindi natin tututukan ang pag-angat sa kalidad ng edukasyon sa kalagitnaan at sa pagtatapos ng pandemya, lalong mapag-iiwanan ang ating mga kabataan," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture. While the country is rolling out the COVID-19 vaccination program, Gatchalian emphasized the importance of preparing for the safe reopening of schools and the resumption of face-to-face classes, which will help address the effects of prolonged school closures in the country, including learning losses.

# # #

Gatchalian: kalidad ng distance learning dapat tutukan

Wala pang kalahati sa bilang ng mga magulang o mga guardian ang nagsabing natututo ang kanilang mga anak o inaalagaan na nag-aaral sa basic education, ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey ukol sa mga suliraning pang-edukasyon sa gitna ng pandemya. Para kay Senador Win Gatchalian, ipinapakita nito na dapat tutukan ng pamahalaan ang kalidad ng distance learning at pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon sa pagbangon ng bansa.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa mga magulang mula Pebrero 22 hanggang Marso 3, mahigit animnapung (63) porsyento sa isang libo at dalawang daang (1,200) kalahok ang may anak o inaalagaan sa basic education. Wala pang limampung (46) porsyento sa mga magulang o guardians na ito ang nagsabing natututo ang kanilang mga anak o inaalagaan. Samantala, dalawampu't limang (25) porsyento o isa sa apat ang nagsabing hindi natututo ang kanilang mga anak. Tatlo sa sampu o tatlumpung (30) porsyento naman ang hindi matukoy kung natututo ang kanilang mga anak o hindi.

Hirap sa pagsagot sa modules ang pinaka karaniwang suliranin (53 porsyento) ng mga magulang. Ang pinaka marami sa mga nagsabing hirap sila sa pagsagot sa modules ay mga kalahok mula sa Mindanao (74 porsyento). Nakita rin sa survey ang mga itinuturing na educational inequalities sa mga socioeconomic groups, lalo na't ang mga nabibilang sa Class E (71 porsyento) ay mas hirap sa pagsagot sa modules kung ihahambing sa mga nasa Class D (52 porsyento) at Class ABC (35 porsyento).

Para kay Gatchalian, ipinapakita ng resulta ng survey na ito na ang hindi magandang kalidad ng distance learning sa gitna ng pandemya. Nakakaimpluwensya rin aniya ang edukasyon ng mga magulang at mga guardian sa mga hamong kinakaharap sa distance learning. Ayon kasi sa 2015 Family Income and Expenditure Survey (FIES) na lumabas noong 2017, mahigit limampung (54) porsyento ng mga household heads ng bansa ang hindi nakatapos ng high school.

Bagama't lumalabas sa survey ng Pulse Asia na mahigit tatlumpung (34) porsyento ng mga magulang ang kulang sa panahon pagdating sa pagtuturo sa mga bata, binigyang diin ni Gatchalian na iyong mga may panahong magturo (66 porsyento) ay maaaring nahihirapan pa rin dahil karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos.

"Bagama't pinagsisikapan nating ituloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya, makikita nating marami pa rin sa mga mag-aaral ang hindi natututo sa ilalim ng distance learning at pati ang kanilang mga magulang ay nahihirapan din. Kung hindi natin tututukan ang pag-angat sa kalidad ng edukasyon sa kalagitnaan at sa pagtatapos ng pandemya, lalong mapag-iiwanan ang ating mga kabataan," pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sa kalagitnaan ng pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng paghahanda para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan upang matugunan ang mga epekto ng matagal nitong pagsasara, kabilang ang pag-urong ng kaalaman ng mga kabataan.

# # #

News Latest News Feed