Press Release
May 1, 2021

WIN TRANSCRIPT | DWIZ Usapang Senado Interview ni Sen. Win Gatchalian ukol sa Labor Day, power supply, class opening, NTF-ELCAC, vaccination at COVID response

Labor day

Q: Ano ang maganda at makabuluhang paggunita ng araw ng Paggawa?

SEN. WIN: Sa akin, Cely, isa sa sektor na dapat nating tutukan ay ang tinatawag nating Small and Medium Enterprises. Kahit maliliit sila, meron din silang mga manggagawa, may mga trabahador din sila at marami dito sa mga SMEs natin ay nagsara dahil sa matumal na benta at ito'y isang sektor na dapat nating tutukan at naniniwala ako na ang ekonomiya natin ay babangon muli pero dapat nakaalalay ang gobyerno dahil kung hindi siya nakaalalay wala silang pagbangon at mabagal ang kanilang pagbangon. Tinatayang mahigit 60 percent ng labor force, siguro mga almost 10 million yan. Ito ang mga saleslady, ito ang mga nagtatrabaho sa maliliit na factory, dito sa Valenzuela marami kaming MSMEs at ito ang dapat tutukan ng pamahalaan.

Q: Kayo sa Congress, meron na kayong batas na ipinasa na naglalaan ng pondo para matulungan itong maliit na negosyo pero kayo ba ay nababagalan sa pagre-release ng pondo kasi lumilitaw malaki pa rin ang hindi naibibigay na ayuda.

SEN. WIN: Napakagandang tanong yan at magandang obserbasyon, talagang mabagal. In fact, sa Bayanihan 2, naglaan ng P24 billion pero hindi pa lahat ay lumalabas dito, hindi pa lahat naibibigay sa ating mga small and medium enterprises dahil unang-una yung tinatawag nating transaction cost mahal. Kung ikaw may utang magbabayad ka pa ng transaction cost. Pangalawa, hindi lahat ng maliliit na negosyante gustong umutang. May utang na sila eh tapos bibigyan pa natin sila ng utang. Lulubog sa utang 'yan, hindi tayo makakabangon. Dalawang bagay 'yan na dapat ayusin ng pamahalaan. Ito yung tinutulak naman natin ngayon, sa pamamagitan ng GUIDE bill. Dalawang benepisyo ito para sa ating MSMEs. Number 1 ang transaction cost, ibig sabihin makakautang sila ng halos zero o mababa ang transaction cost. Pangalawa, tutulungan silang mag-restructure, ibig sabihin ang kasalukuyang utang nila pahahabain at di muna sila magbabayad para makatawid dito sa pandemya.

Q: Ano pong status nun? May chance po ba na ma-aprub sa lalong madaling panahon at meron ba itong counterpart sa House?

SEN. WIN: Aprubado na ito sa House at sa Senado ito ay pag-uusapan na pagpasok ng May 17. Ako ay umaapela nga sa ating mga kasamahan na sana ay mabigyan po ito ng prayoridad kasi maiksi lang ang pagpasok natin, nine session days lang. So hopefully mabigyan ito ng priority para bago tayo magbakasyon nang mas mahaba ay maaprubahan na ito.

Q: Nais niyo rin bang ma-aprub na ang End Endo bill?

SEN. WIN: Dahil nga merong agam-agam ang administrasyon na magiging mahirap na ito para sa mga negosyante. So ako pabor pa rin po ako na tapusin ang endo pero gumawa tayo ng isang batas na balanse na makakatulong sa ating negosyo at makakatulong sa ating mga manggagawa dahil at the end of the day, ang mga negosyante ang kukuha sa mga manggagawa. Ito ang magha-hire, kukuha sila ng manggagawa. Importante na itong mga negosyo ay kumikita at hindi sila nalalagay sa alanganin para mas marami pa silang kuning manggagawa at empleyado.

Q: Meron ding panawagan na magkaroon ng mass regularization sa gobyerno kasi as of August last year, nasa about 600,000 ang casual employees?

SEN. WIN: Open secret ito at talagang, actually aaminin ko kumplikado itong sitwasyon natin dahil limitado ang budget, kumukuha tayo ng tinatawag nating contractual o job order para mas mapadami ang tumutulong sa gobyerno. For example, itong street sweepers natin, mga naglilinis ng kalsada, karamihan diyan job order at karamihan ang kanilang sweldo ay allowance basis. So hindi po buo ang nabibigay sa kanila. Dahil kung hindi naman kukuha ng job order na street sweepers, wala na tayong street sweepers, wala nang maglilinis kaya tingin ko ang importante mabigay ang benepisyo. For example, Philhealth. Pangalawa, retirement pay at pangatlo yung separation pay kung sila ay aalis na ng gobyerno.

Power supply

Q: Meron pong assurance si Secretary Cusi na parang wala namang risk na magkaroon ng power outage?

SEN. WIN: Ang good news, hindi tayo magkakaroon ng brownout nitong Mayo at Hunyo at Hulyo kaya pa nga. Tinignan ko ito nang maigi, tinignan ko ang ilang planta na hindi tumatakbo at kinompute namin ng mabuti at lumalabas na hindi talaga tayo magkakaroon ng brownout pero ang dahilan dito, dahil matumal ang demand, dahil alam naman natin ngayon na MECQ pa rin. Sarado pa ang mga restaurants, kahapon nga kumain ako sa labas, alas-8 sarado na ang restaurant at wala talagang tao na nasa labas, matumal pa rin. So ang ibig sabihin hindi magkaka-brownout dahil matumal ang konsumo ng kuryente so hindi ibig sabihin na marami tayong supply kundi dahil sa MECQ maraming tao ang hindi lumalabas at maraming negosyo ang hindi pa full blast.

Q: Nagbawas ng konsumo dahil maraming establishment ang di nag-ooperate pero lumakas ang konsumo sa mga bahay?

SEN. WIN: Nagbabalanse lang siya like for example sa mga restaurant, yung mga supplier na gumagawa ng pagkain dahil matumal nga hindi full blast ang kanilang factory so ang mga makina nila hindi full blast kumbaga nagbabalanse lang. Pero ang overall demand natin kumpara natin noong 2019 ay mas mababa pa ng 10 percent. Ganun kalaki so ibig sabihin mas mababa pa sa 10 percent lang ang konsumo natin. Ibig sabihin hindi pa talaga bumabalik sa dating sigla ang ating ekonomiya at ang konsumo natin.

Q: Nitong nakaraang mga linggo nagkakaroon ng yellow alert.

SEN. WIN: Napakainit dahil summer ang nangyari ngayon tumaas ng bahagya ang konsumo ng kuryente, maraming plantang bumagsak at numipis po ang ating suplay pero ngayon maraming planta po ang bumalik at maraming planta po pinostpone ang kanilang maintenance. Ibig sabihin may supply tayo ngayon matumal ang demand ibig sabihin ang reserba natin ay lumaki.

Q: Schedule ng maintenance huwag during summer.

SEN. WIN: Ang puno't dulo nito, kumbaga yung COVID ang naging dahilan kaya hindi tayo magkaka-brownout pero kung nasa normal na sitwasyon sigurado may brownout tayo ngayon kaya hindi katanggap-tanggap na tuwing summer na lang ay nagdarasal tayo na huwag sanang mag-brownout at yun po ang panawagan namin sa DOE at ERC na mag-coordinate dahil nung huling hearing namin nagtuturuan. Hindi tama ang pagtuturuan walang nangyayari at tayong mga consumers ang dehado dito. At 'yun ang aming panawagan na mag-usap sila dahil baka next year 2022 bumalik tayo sa normal ganun na naman ang problema natin kaya habang may panahon pa ayusin na natin ngayon ang polisiya, tingin ko hindi problema ang planta, ang problema dito ay turuan.

Q: Wala tayong El Nino kaya ang mga hydropower plant nagagamit

SEN. WIN: Matumal talaga ngayon like for example yung mga salon na hindi pa nagbubukas, mga gym, matakaw kasi sa kuryente. Kapag pumunta tayo sa mga mall napakainit. Maraming mall hindi nagbubukas ng aircon ngayon. Kaya makikita natin na matumal pa rin pero hindi tatagal 'yan. Kaya ang sabi ko nga sa DOE at ERC gamitin natin ang panahon, ayusin natin ang mga polisiya at sistema dahil babalik at babalik 'yan. Kung bumalik 'yan let's say December or early part next year nakahanda na tayo.

Q: Dapat magkaroon ng additional powerplants

SEN. WIN: Correct. Yan ang pinakamaganda, karagdagang supply ng kuryente at power plant at marami naman kahit paano akong nakitang interested na mamuhunan sa ating bansa. In fact, lately marami akong kausap na foreign investor kailangan lang talaga maayos ang proseso at dapat mabilis.

Class opening

Q: Kelan ba dapat magbukas ang klase?

SEN. WIN: Actually meron tayong ipinasa na batas na nagbigay ng kapangyarihan sa ating Pangulo na magset ng school opening. Yan po ay naging batas na. So pwede niya i-delay ito kung kailangan dahil nga sa sitwasyon ngayon. Pero napakahirap talaga ng sitwasyon dahil nagkaroon tayo ng surge at dahil dito sa surge ay hindi na natuloy ang face-to-face classes. Ang nakikita ko diyan na pagbubukas ng klase ay sometime around August, September. Siguro pinakahuli na is September at kung ako ang tatanungin itinutulak ko pa rin ang mga lugar na walang COVID, mga lugar na MGCQ, mga lugar na tinatawag nating low risk ay magkaroon na sila ng pilot testing ng face-to-face so nakikita ko around September yan. Nakikita ko sa mga lugar tulad ng NCR, tulad ng greater Metro Manila ito ay tingin ko hindi pa kakayanin talaga ang face to face. Iba't ibang parte ng ating bansa iba't ibang sitwasyon at dapat mag-adjust tayo para makabalik sa pag-aaral ang ating kabataan.

Q: Pinapa-identify sa DepEd mga lugar na pwedeng mag-pilot testing ng face to face?

SEN. WIN: That time January yun pina-identify namin pero tingin ko nagbago na yun. For example sa Abra ngayon ay medyo naka-MECQ rin sila. Sa Cordillera area, may mga areas doon na GCQ rin so nagbabago talaga ang sitwasyon pero importante rin mabilis tayo mag-adjust at ang ating goal, ang ating direksyon ay dapat magbukas tayo ng face-to-face classes at gawin natin ang adjustment para makabukas tayo ng face to face classes dahil naniniwala ako itong distance learning ay may hangganan lang at hindi pwedeng maging permanenteng sistema ito dahil marami talagang batang hirap at mga magulang hirap din.

Q: Hindi healthy sa mga bata?

SEN. WIN: May survey kaming pinagawa sa Pulse Asia, sinasabi less than 50 percent ng ating mga magulang ang sinabi ay natututo ang bata. Yung kalahati tingin nila ay hindi natututo o hindi nila alam kung natututo o hindi. So ibig sabihin talagang wala pa sa kalahati ang talagang natututo ang bata. So kung meron tayong 23 million students, that's less than 11 million ang natututo.

Q: Hindi kumpleto kung wala silang interaction sa mga kaklase?

SEN. WIN: Yan ang tinatawag nating development ng bata dahil hindi naman po academics lang, puro Math, Science, importante ang komunikasyon at paglalaro. Sinabi ni Dr. Honey Carandang isang expert sa child psychology ang paglaki ng bata hindi lang puro academics, importante nakikipagsalamuha, importante komunikasyon, importante naglalaro at nakikihalubilo sa kanyang kalaro para paglaki ng bata buo siya, kumpleto, hindi lang matalino kumbaga buo rin ang kanyang social skills.

On defunding NTF ELCAC

SEN. WIN: Ang isyu dito ay tiwala at wala nang tiwala ang mga senador at ang taumbayan kay General Parlade dahil sa kanyang mga akusasyon na wala namang basehan. Tandaan natin hindi naman maliit na pondo ang inilagay natin sa NTF malaking pondo ito at kung wala tayong tiwala sa mga taong gagastos, mga namumuno dito, paano natin asahan na ang pondong inilagay dito ay malalagay talaga sa tamang proyekto at makakatulong? Naiintindihan ko ang saloobin ng mga mayors at punong barangay at kasama nila kami. Ako sinuportahan ko itong paglaban sa insurgency, paglaban sa komunista, sa NPA dahil naniniwala ako na kailangan natin ng kapayapaan sa buong bansa at iba't ibang parte ng ating bansa pero importante rin ang taong nagpapatupad ng programang yun at kung wala ka nang tiwala paano tayo magtitiwala na tama ang paggastos sa pondo

Q: Kung aalisin si Parlade, tuloy pa rin pag-review sa pondo?

SEN. WIN: Ako dapat ituloy pa rin, itutulak ko na ituloy yan. Tignan nating mabuti. Unang-una bago ko sagutin yan pinakamabilis na paraan para maging maayos ang sitwasyon ay ibalik na si General Parlade sa kanyang unit dahil hindi lang niya naapektuhan ang tiwala ng ahensya kundi iligal pa ang pagtalaga sa kanya bilang spokesperson. So ang pinakamabuti ibalik na siya sa kanyang mother unit. Pangalawa, kahit tanggalin siya diyan dahil sa laki ng pondo nito dapat ding busisiing mabuti. Binusisi nung inilaan. Ngayon nasa kalagitnaan tayo ng taon, busisiin uli. Tignan talaga natin kung maganda naman talaga ang kalalabasan ng proyekto baka pwede pang dagdagan yan sa 2022. Ang importante dito ang paggastos ay maayos, ang gumagastos ay maayos at yung programa ay epektibo.

Vaccine

Q: Nakapagbakuna na kayo?

SEN. WIN: Hindi pa nga. To be honest, qualified tayo dahil may hypertension ako. Kung matatandaan mo naospital ako one time sa Senado at after that na-diagnose na ako ng hypertension pero mild lang di naman life threatening. So aantayin ko na lang ang aking time, dahil naintindihan ko kay Senate President Sotto nailipat ang government officials, kasama na tayo sa A4 priority list so pagdating ng bakuna. I think this coming May naman darating na yan so mag-aantay na lang ako sa aking time.

Q: Confident sa COVID response ng gobyerno hindi naman hahantong sa sitwasyon sa India?

SEN. WIN: Ito ang aking independent at personal analysis, itong pag-handle natin sa COVID lalo na itong pangalawang surge ay para sa atin ay maayos, satisfactory at marami tayong ginawa na bago para sa akin. I want to give credit where credit is due, I have to give credit to IATF dahil itong pag-MECQ natin binalanse ng maigi ang ekonomiya at itong pagdami ng COVID sa atin. Talagang kumbaga finine-tune mabuti so nakita ko bumaba naman. At sinusundan ko ang OCTA report at mababa na ang tinatawag nilang transmission rate. Bumaba na ang bilang natin to around 8k, bumaba na rin ang positivity rate to less than 1k. Ibig sabihin nananalo tayo pero ang kagandahan dito hindi totally klinose ang ekonomiya. Kagaya kagabi lumabas ako, kumain ako dahil gusto kong makita ang sitwasyon kahit papaano ang mga waiter may trabaho, mga public transportation may trabaho. Nabalanse ng maigi. So ako, satisfactory ang paghawak ng IATF dito sa pangalawang surge na nakita natin.

Q: We have enough funds para pambili ng bakuna para sa 70million dahil meron tayong $18.4b or P887b na nilaan para dito sa pandemic at availability na lang ng bakuna ang problema?

SEN. WIN: At yan din ang nagiging isyu natin ngayon dahil ang India kasi ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng bakuna at dahil nga may mataas na surge doon nabasa ko sa internet na bumagal ang pag-distribute ng bakuna kumbaga inuuna nila ang mamamayan nila. So talagang nagiging isyu ang suplay ngayon pero ganun pa man ang kagandahan may pera tayo at handa tayong magbayad.

Q: Hopefully bago mag-resume ang session isa na kayo sa mabakunahan?

SEN. WIN: Kayo rin, ang media nasa A4 na rin pareho na tayong priority list mas maganda nga meron tayong allocation mabakunahan na rin ang members of the media, senate staff at mga senador natin lalo na ang mga senador natin na alam nating merong comorbidity at senior citizen kailangan mabakunahan sila.

Q: Sen. Drilon pumila na sa San Juan.

SEN. WIN: I think dapat ang mga senators natin na may comorbidity at senior pwede na silang kumontak sa kanilang local government para magpabakuna. Ako nung nag-umpisa itong pagbabakuna at umikot ako sa Valenzuela, ang daming government officials, may mga kausap akong nagtatrabaho sa SC, DAP, sabi ko nga importante i-take advantage itong pagbabakuna dahil mahalaga rin ang trabaho nila sa gobyerno.

Q: Kumain sa restaurant may kasama?

SEN. WIN: Syempre may kasama. Malungkot naman kung mag-isa lang ako pero may social distancing kami at tapos na kami by curfew hours.

Q: Sumusunod kayo sa health protocols?

SEN. WIN: Gusto ko kasi makita ang situation ngayon at kumusta na rin ang mga restaurant sa labas at talagang matumal ngayon. Hopefully itong paghaba ng curfew, starting today 10'o clock na ang curfew mas marami nang magbubukas at pakonti-konti ay pwede nang kumain ang tao sa labas.

Q: Huwag sana uli mag-spread ang virus.

SEN. WIN: Bawal pa kumain sa loob. Ang allowed lang nila ay outdoor dining so tama naman yun. Maganda naman yun.

News Latest News Feed