Press Release
May 1, 2021

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ms. Cely Bueno of DWIZ

Q: Sa tingin ninyo ano yung magiging makabuluhang paraan ng pag-gunita ng araw ng mga manggagawa lalo na marami sa mga mangagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19?

SP Sotto: Kailangan siguro mas pag-ibayuhin pa ng gobyerno yung subsidy sa mga manggagawa, sa mga nagbibigay ng trabaho. Yun ang talagang paraan natin muna ngayon sapagkat hindi naman ngayon pwedeng i-full blast yung ekonomiya.

Q: Alam ko doon sa mga batas na inyong inaprubahan sa Kongreso like the Bayanihan 1 and 2, pati sa budget, lahat naman ng Congress nag-allocate doon ng pondo na pwedeng pantulong para magkaroon na ulit ng trabaho ang mga nawalan ng trabaho na mga manggagawa, tama po ba?

SP Sotto: Yes, marami kaming nilagay doon. Nandoon lahat ng maaaring mapag-isipan na tulong sa kanila. Ang siguro kailangang pagbutihin lang namin ay bilisan ang pag unload, pagbigay ng tulong sa kanila. Medyo natatagalan ng kaunti, merong nadedelay, tapos merong hindi naeksplikang mabuti katulad nung isang araw, narinig ko nagtatalo yung mga opisyal ng ospital at saka ng Department of Health tapos umaangal yung mga nurse na kapag sila ay hindi makapasok dahil let's say may sakit, yung mga frontline workers...ang nangyayari, sinasabi nila na dapat irelease yung kanilang parang hazard pay yata yun, kung hindi ako nagkakamali. Pero ang sa akin doon, ang dapat apurahin na pagrerelease natin ay yung P100,000 nila per health worker pagka hindi nakapasok dahil may sakit. Nasa Bayanihan 1 and 2 yun. Hindi dapat pagtalunan yung kung hindi sila nabibigyan ng additional pay or something like that. Dapat yun ang sagot kaagad ng DOH sa kanila, hindi, meron, merong P100,000 per health line worker na kapag hindi nakakapasok or nagkaroon ng sakit, ay ibibigay. At yun namang mga namatayan, isang milyon. Nandoon din yun. Yun ang asikasuhin natin na pagbibigay. Medyo nadedelay siguro tayo kaya akala nung iba, nakalimutan n a nilang (unclear) doon.

Q: Kasi ang nangyayari, kinakailangan pang ipaglaban ng mga health workers yung naturang benepisyo, sa halip na automatikong matanggap nila dahil nasa batas.

SP Sotto: Correct. Nandoon na, kailangan pa bang ipaglaban yun? Kailangang (unclear)?

Q: Welcome naman sa inyo na dahil Labor Day, mukhang may tinatawag na parang pagbibigay ng bakuna sa mga manggagawa, symbolic vaccination para sa mga worker, lalo na yung mga essential workers?

SP Sotto: Okay lang yun. (Unclear) ng IATF, iconsider ang mga dapat na mabigyan. Dapat mga hindi symbolic, dapat lahat.

Q: Kung hindi pa nag Labor Day. Sana kahit hindi Labor Day, nabigyan ng bakuna lahat ng mga essential workers.

SP Sotto: Oo.

Q: Naalala ko lang, after nung third hearing ng Committee of the Whole dito nga sa issue sa pork importation, umapela ang Senado sa Executive na magkaroon ng compromise doon sa issue. Alam ko mukhang nagkaroon na ng mga paguusap sa pagitan ninyo at saka itong si Finance Sec. Dominguez. Maaari bang malaman kung ano yung development? Meron na ba kayong napagkasunduan or may nakita na kayong win-win solution?

SP Sotto: Sa kasalukuyan, going into the details dahil medyo mabusisi, yung laman ng EO 128 na yun ang gustong mangyari ng Executive Department, ang inoffer namin sana, baka magkaroon ng problema pa pagdating ng 17 (May), ay kung maaari sana, ibaba na nila ng kalahati. Over-all, kalahati yun. Kung 400,000 ang gusto nilang i-allow na minimum access volume, sabi namin, 200,000. Doon sa 40 percent na tariff na gusto nila to (unclear), at yung sa 30, 15. Baka matanggap na ng mga local producers, ng hog raisers natin, yoon. Nung nasa kanila na, medyo binalikan kami ng hindi masyadong malapit doon, so nag meeting ulit kami. Well, nag usap lang kami sa telepono nila Senator Villar, Senator Lacson, Senator Drilon, pinagusapan namin na magbigay pa ng counter. So nasa kanila ngayon yung counter, may bingay uli ngayong pabalik sa akin na ang emphasis ay nandoon sa issue ng (unclear), ayaw nilang magkaroon ng inflation, nandoon ang problema. Pero siguro kung (unclear) yung mga hog producers at mga hog raisers, baka mapagusapan namin ito, pero wala pang concrete. So, bale lalabas ito, tumawag ako ng all senator's caucus ng Monday, 10 AM. Paguusapan namin kung ano ang next move namin.

Q: Lumilitaw na yung offer na at least ibaba ng 50 percent yung minimum access volume from 400,000 to 200,000, at yun namang ibinaba na taripa, ay bawasan din ng 50 percent yung binabang taripa, hindi yun acceptable sa Executive?

SP Sotto: Hindi Yung sa minimum access volume, payag sila pero 254,000 sa computation nila, imbis na 200,000. Pero yung 20 at 15, medyo meron silang ibang pananaw. So ulit binalikan namin sila ngayon at meron silang counter based on a computation towards the basis for inflation. Paguusapan namin sa Lunes.

Q: Pagdating sa MAV, posibleng magkaroon na ng compromise doon, ang medyo crucial pa, yung sa usapin ng taripa?

SP Sotto: Yes, crucial na lang doon sa usapin ng taripa, wala ng problema yung minimum access volume.

Q: Yun ang magiging subject ng inyong caucus on Monday?

SP Sotto: Oo, malamang yun na lang.

Q: Initially hanggang saan kayo papayag na kung di kayang 50% yung ni-lower nila, hanggang ilang percent po papaya yung Senado na offer ng Malacanang na maibaba yung taripa, mabawasan yung ibinaba sa taripa?

SP Sotto: Hindi ko pwede i-preempt yung mga kasama ko. We lead by consensus so, kung ano yung pwede sa akin, ay hindi pwede sa karamihan sa amin. So, isinasaalang-alang din namin siyempre yung mga local producers, mga farmers. Yan ang mahalaga sa karamihan sa amin eh. So, mahirap pangunahan. Di ko masasagot yung tanong mo.

Q: So, Sir, sa inyong pakikipag-negotiate sa Executive, hindi lang po kayong mga senador ang nagko-konsultahan, kinokonsulta ninyo rin po itong local hog raisers, kung acceptable sa kanila?

SP Sotto: Oo. Pinapadalhan ko yung tatlong lider. Si AGAP President Nicky Briones, Vice President ng pork federation si Chester Tan, si Rosendo So, tsaka yung isa pa, yung presidente ng pork federation kinokonsulta rin nila. Bago kami... Di lang nila ako binabalikan.

Q: So Sir, ano 'to, ano yung parang nafo-foresee mo o prediction mo, sa tingin mo ba may tsansa na magkaroon ng compromise both sa issue ng MAV at tariff?

SP Sotto: Umaasa pa rin ako na baka magkaroon ng maganda-gandang palitan ng Lunes o Martes pagkatapos namin silang balikan. Kasi ayokong mangyari yung komprontasyon sa May 17 eh. Pag hindi tayo nagkasundo, o hindi kami nagkasundo, hindi ko mapipigilan ang kahit sino sa amin sa Senado at sa Kongreso, pagdating ng May 17, may mag-file ng joint resolution, at baka (unclear) delegated power natin na binigay sa Presidente.

Q: Eh tanggalin, yung pagtanggal doon sa delegated power na yun?

SP Sotto: Oo baka yun ang pag-usapan eh. So ayaw ko sanang makarating don.

Q: Kasi yun po ang banta, parang yun ang next step na pina-plano po ng Senate, na mag-file ng joint resolution na tanggalin yung idinelegate ninyong kapangyarihan sa Pangulo, ngayon ngang pagtaas ng MAV, pagbaba ng taripa. Tama po ba Sir?

SP Sotto: Oo. Lalo na yung sa MAV. So, kabit na problema yun, 'pag nagkataon. Hindi kasi, hindi assurance na bababa ang presyo eh. Projection 'yan noong mga nakaupo sa mesa eh, hindi yung mga nasa putikan na nagpapalaki ng mga baboy. So, di ba, mahirap eh. Iba yung nakikita on the ground nung mga kababayan natin, lalo na yung mga hog raisers. Eh yung hog raisers, huwag ninyong kakalimutan (unclear) ng mga kababayan natin. Eh bakit pa kami abalang-abala dito? Yung swine industry, maraming allied industries - maging crops, maging corn, maging kung anu-ano, pati transportation at kung anu-ano, nakakabit diyan. Kaya mabigat.

Q: So Sir, naalala ko noon, kasi sabi ninyo don sa isasagawang third hearing, gusto ninyong alamin sino ba talaga yung nag-lobby, nagsulong na itaas yung MAV, ibaba ang taripa. So obviously, after nung third hearing, malinaw na po yung economic cluster nagsulong nun. Itong sina Sec. Dominguez...

SP Sotto: (unclear) Economic managers.

Q: And then sinabi nila, yung decision nila, binase nila sa datos at analysis... Sa tingin ninyo ba, sapat yun, yung ganoong basehan nila ng kanilang pagdedesisyon based on data and analysis?

SP Sotto: Eh yun ngang sinasabi ko. Alam mo pagka (unclear) armchair (unclear). Iba yung nakikita ninyo sa figures at saka sa mesa, saka sa mga napag-aralan ninyo sa Yale at tsaka sa Harvard eh. Iba mga napag-aralan ninyo dun kesa sa (unclear) sa babuyan. Nag-cocompute sila na sa isang, isandaang baboy, pag-ikinasta, sa computation nila, lahat yung one hundred manganganak eh. At yung computation sa manganganak, bawat isa eh magpapanganak ng sampu. On the average daw. Eh hindi pala ganon sa ground. Ang sinasabi doon, 50 percent hindi nanganganak. Pagkatapos dun sa mga nanganganak, eight, eight lang ang ipinanganganak, on the average. O eh di iba ang computation.

Q: Totoo yan Sir, kasi ang magulang ko ho yan ang napag-aralan sa amin, pag-alaga ng baboy. May mga inahin ho sila. Minsan manganak, lalo na kung first time manganganak, minsan tatlo o apat lang. Minsan manganganak ng sampu, meron pang mamamatay don. Ilan lang yung matitira. Kaya kumbaga parang mali nga po yung kanilang computation.

SP Sotto: Correct. Oo. Baka nobenta porsyento ng mga kababayan natin, alam yan. Pero yung mga nakaupo sa mesa, na puro data at figures ang pinag-uusapan, eh iba ang dating.

Q: Sir papaano po kung, sabi ninyo nga po next week you're hoping na magkaroon na ng magandang development, kung magkaroon na ng compromise, so wala nang susunod na hearing, gagawa pa rin po kayo ng committee report?

SP Sotto: Sana, oo. Sana. Sana makarating na kami ng compromise. Kasi ang gagawin kong committee report ngayon, kung may compromise eh maaaring maganda. Pero 'pag hindi, baka ang laman ng committee report ko, magpasa kami ng (unclear). Magpasa kami ng joint resolution. Oo eh ayaw ko nga sana ng komprontasyon sa Executive Department.

Q: Kaya ayun nage-effort ho kayo na magkaroon ng compromise at mahalaga ho na magkaroon agad ng compromise sir dahil diba nung last hearing sinabi na ho ng BOC na ipinatutupad na nila yung mas mababang taripa, yung EO na nilagdaan ni Presidente.

SP Sotto: Hindi pa. Sabi ng DA, hindi. Eh kasi - ewan ko ha hindi ko matandaan yung sagot ng Bureau of Customs eh pero in effect pero hindi pa rin naman nakakarating yung mga nag-iimport na yun. Pero kasi, ang hirap dito sa nakikita natin na ito, ang nag - ang iniisip kasi namin 2018 pa yung ASF eh - African Swine Fever na yun 2018 pa yun eh. Nagkaproblema sa Luzon, inayos nila ganito tapos di ba wala (unclear) halos sa Visayas, Mindanao. Tapos biglang all of a sudden biglang susulpot itong ideya na ito na ibaba ang taripa. Bakit hindi na lang itaas yung minimum access volume. Ang laki-laki na nga nung sina-suggest eh. 50,000 lang talaga yung minimum access volume dati na nung ini-import, gagawin nilang 400,000. Sabi namin dapat pagbigyan na natin man lang yan ang computation kasi talaga ninyo 150,000 eh. Pagpalagay na natin sa 200,000, pwede naman yun eh. Bakit gusto mo ibaba yung taripa? Liliit ang kita ng - koleksyon ng bansa pero yung mga importer malaki din naman ang kita eh. Edi papalakihin natin ang kita ng mga importer. Ang dahilan daw eh para daw bumaba ang presyo. Eh papaano yung mga local producers? Yung mga hog raisers? Makakasabay ba yun na ibababa rin nila yung presyo? Pareho ba ng (unclear)? Yun ang hindi namin maintindihan eh. Masama ang kaisipan nung iba sa amin. Kaya - I'm sure, I'm sure mga nakikinig sa iyo madumi din ang isip nung ibang (unclear) gusto kumita. Diba ganoon ang iniisip nung iba tuloy eh.

Q: Which is hindi po na-establish pa doon sa hearing sir no na - kumikita sila pero kumbaga sobra-sobra parang hindi po na-establish.

SP Sotto: Ang problema ganito, hindi katanggap-tanggap sa karamihan sa amin ang dahilan na kung bakit dapat ibaba ang taripa para daw bumaba ang presyo. Tinanong namin, guaranteed ba na kapag binigay natin ito, bababa ang presyo? Eh kung kontrolin nung mga importer yung presyo? Ang laki ng kita nila lalo eh. Anong guarantee natin? Lalagyan daw ng SRP. Madali lang sabihin eh, napakadali. Napakadaling mangako. Pag (unclear) napako, sino kawawa? Oh, eh next year mag-eeleksiyon pa naman.

Q: Correct. Aantabayanan namin yung Monday caucus 10am, ano ito, all senators caucus po?

SP Sotto: Oo.

Q: Sir maiba naman ako di ba last na na-interview ko kayo, sinabi ninyo nga na umiinom kayo ng Ivermectin para prevention dito sa Covid-19.

SP Sotto: Oo, nakipagmeeting nung araw sa akin yung grupo nila Dr. Landrito at saka mga ibang doktor pati sila (unclear) nagmeeting kami nun eh. At nakita ko yung proposal nila at tsaka nakita ko yung mga testimony na maganda, wala naman masamang side effect. Kaya ako'y nagme-maintenance, umiinom din ako non.

Q: Eh kasi po ngayon yung mga doctor at pharmacist nag-express ng concern doon po sa ginagawa nina Congressman Mike Defensor na talagang pamamahagi ho ng libreng Ivermectin sa mga kababayan natin lalo na diyan sa Quezon City. Sa inyo ba, suportado ninyo yung hakbang na yun nina Congressman Defensor or sa tingin ninyo may basehan yung pangamba ng mga doctor at pharmacist?

SP Sotto: (Unclear) yun ang paniniwala nila. Ako naman hindi naman ako kontra sa kanila sapagkat gusto nila makatulong. Hindi kaagad nakakarating ang vaccines, hindi kaagad nababakunahan ang karamihan sa mga kababayan natin. Eh merong mga preventive testimonies na nagagawa itong Ivermectin o kahit ano pang gamot yan basta't sa tingin nila makaka-prevent eh. Oh, di ba ang lakas ng loob namin na pumasok kahit na halos araw-araw pumapasok kami. Eh wala pa yung vaccine. Bakit ayaw nila? Wala namang batas na nagsasabi na ano eh - eh hindi ba sinabi na nga ni (unclear) tama yun eh. Walang pakialam yung FDA kung ano ang gusto kong ilagay sa katawan ko.

Q: My body, my decision no kung ano ang gusto kong gawin.

SP Sotto: Correct. Oo, bakit - parang ano yan eh yung mga pagka kumakain tayo, yung kapatid kong isa nakakainis eh. Kasi pagka kumakain na kami, nagtitimpla ka ng sawsawan mo aba'y pinakikialaman yung sawsawan mo. Dagdagan mo yung ano, dagdagan mo yung calamansi. Bakit sabi ko ikaw ba kakain. Pinakikialaman mo yung kinakain ko. Ganun yun eh.

Q: Ang concern ho yata nitong mga doctor at pharmacist, sakaling magkaroon ng hindi magandang epekto sa isang iinom sino yung mananagot kasi nga daw nakita yata dun sa pamimigay.

SP Sotto: (unclear) eh di managot sila. Managot yung uminom.

Q: Ah dahil desisyon niya yun?

SP Sotto: Alangan naman sila ang managot. Bakit sila ba ang sasagutin? Eh ang sama nga nung ginagawa ng Pfizer sa atin eh. Eh pumayag sila eh. Ganun ang ginawa sa South America o kaya umayaw ang dalawang bansa na yung umayaw sa kanila sa Pfizer kasi sa atin ginagawa din. Sabi, ang gusto magpasa ng batas na hindi sila mananagot pag may masamang epekto yung vaccine nila. Oh, bakit hindi pumapalag ang FDA doon at tsaka ang DOH doon at tsaka yung mga doctor? Bakit hindi sila pumapalag doon? Dito sa mga preventive measures na ang tingin ng karamihan nakakatulong, pumapalag sila? Eh itong mga pharma companies yung pharmaceutical companies katulad nung Pfizer daming (unclear) niyan. Pati yung WHO hawak niyan.

Q: Eh syempre may mga benefit sa kanila yun sir diba. Mga international drug company ang daming kumbaga nakaka-control din ng mga (unclear) doctor o ano.

SP Sotto: Oo. Pera-pera yan. At tsaka meron pang isa ha, alam mo ba na yung Pfizer doon sa South American countries hindi lang yung disclaimer ang mga yung hindi pwedeng silang managot hindi lang yun. Meron pa silang hinihingi na yung mga bases pwede silang either pumasok, pwede silang - ang daming hinihingi. Kaya yung ibang mga (unclear) sa bansa, eh di yung mga bansa kapit sa patalim, pumapayag.

Q: At ganyan din ang nangyari sa atin sir diba na yung kanilang mga kondisyones na dapat eh meron tayong pondo na pangbayad danyos kung sakaling magkaroon ng side effect sa sino man tuturukan ng kanilang bakuna.

SP Sotto: Correct. Kaya nga eh kung pumayag tayo diyan, sino ba ang mananagot eh hindi ba tayo. Ganun yung sagot dun sa tanong nila. Sinong mananagot kung magtae yung kumain o uminom ng Ivermectin, sino ba mananagot? Edi yung uminom.

Q: Pero sir dito sa ating nagiging pagtugon sa Covid-19, sa tingin ninyo naman makakaya natin itong kontrolin at malabong humantong tayo sa sitwasyon ng India na ngayon eh talagang nakakarimarim yung nangyayari sa kanila.

SP Sotto: Hindi naman siguro. Una sa lahat, hindi tayo ganoon karami. Pangalawa, mas marami naman sa atin yung sumusunod sa health protocols eh. Basta sundin lang yung mga health protocols at tsaka ang asikasuhin yung magkaroon ng bakuna at tsaka ng mga preventive na mga gamut na pwede. Eh kasi - magbasa kayo ng magbasa tingnan ninyo mga medical journal. Hindi lahat yan vaccine ha. Merong mga paraan na makapag-prevent ka. So, hindi naman tayo aabot siguro sa ganoon.

Q: Sir, resumption na ng session nga ngayong May 17, ma-achieve ba yung target ninyo na at least bago mag-resume yung session eh mabakunahan na ho lahat ng Senate employees?

SP Sotto: Ah teka, May 1 na ngayon ano. May posibilidad na siguro mahigit 50% ng mga empleyado nabakunahan na. Nag-umpisa na nung Friday eh.

Q: Nalate ho yung dating nung Sputnik, hindi na po yun ang vaccine para sa mga Senate employees? Yung Sputnik V?

SP Sotto: Hindi, kumbinasyon. Kung may gusto man ng Sputnik, may Sputnik. Kung gusto mo ng Sinovac, may Sinovac.

Q: So ayun at least magandang balita para pagbalik ho ng session mas may pang laban na ho yang mga Senate employees.

SP Sotto: Oo, mahigit kalahati sa kanila nabakunahan na by that time.

Q: Sir, pang huli na lang. Meron ho ifinile about 11 senators na resolution na naglalayong kondenahin ng Senado ito nga hong pang-hihimasok ho ng China sa West Philippine Sea na saklaw ng ating exclusive economic zone. So ito pong resolution na ito, ano ho ito, maaaksyunan na lang ito pag-resume ng session?

SP Sotto: Ah oo. Ipapa-file sa Bills and Index yan, maifi-first reading namin yan sa May 17 na.

Q: Suportado ninyo po itong resolution na ito headed by Senate Minority Leader Franklin Drilon?

SP Sotto: With amendments. Yung iba sa amin with amendments like for example kung tayo'y pumapalag at sinasabi natin na gusto natin - ang resolution natin ay sinusuportahan natin ang posisyon ng Department of Foreign Affairs at tsaka ng Department of National Defense. Ayan, okay yan. Pero yung pag gamit nung word na condemning, medyo pinag-aaralan namin mabuti kasi kaibigan mo gagamitin mo ng condemning. Diba parang...

Q: Mabigat yung term na yun, condemn.

SP Sotto: Trading partner natin yan eh. Kung pwedeng wag muna ganoon kadiin dahil pwede naman - pwede namang ano eh, yung posisyon ng DFA, posisyon ng DND, suportahan natin. Ingat lang sa pag gamit ng mga salita.

Q: So sir, kumporme kayo doon sa naging statement ni Presidente na kaibigan natin ang China, marami tayong utang na loob tulad nung pinamimigay na bakuna kaya kumbaga hindi tayo kailangan makipag gyera or makipag-away sa China.

SP Sotto: Oo, parang sa bakuran ng bahay mo yan eh. Nakita mo biglang naglalaba sa loob ng bakuran mo, pwede mo namang sabihin ng hoy nababasa yung ano namin driveway namin huwag ka diyan maglaba. Pwede naman ganun eh. Hindi naman yung mumurahin mo agad ng p-u-t-a mo o animal ka. Diba. Ganoon lang yun.

Q: Eh paano sir kung hindi makuha sa ganoong pakiusap? Paano kung (unclear) kapitbahay ka o kaibigan minsan pinakiusapan mo, ayaw pa rin.

SP Sotto: Hindi, hindi. Ano yan papayag yan tignan mo kausap ko yung Ambassador ng China eh.

Q: At saka sir si Senator Pacquiao, hindi siya pumirma doon sa resolution ni Senator Drilon dahil sumulat na daw siya sa Chinese Ambassador na nananawagan siya ng immediate withdrawal nung kanilang mga vessel doon sa ating (unclear). Sa tingin ninyo ba may magagawa yung sulat na yun ni Sen. Manny Pacquiao sa ambassador ng China?

SP Sotto: Aalamin ko kay ambassador. Baka mag golf kami next week eh.

Q: Nagkakausap kayo. At pang-huli na lang sir, may info ba kayo na baka mapakinggan na yung committee report ng Senate na nananawagang matanggal si Lt. Gen. Parlade bilang tagapag-salita ho ng NTF-ELCAC kasi sinabi ho ni Esperon na irereview na nila itong posisyon na ito ni Esperon as spokesperson ng taskforce.

SP Sotto: Tama yung sinasabi ni Senator Lacson, hindi na kailangan yang mga panawagan na yan. Basahin lang nila yung constitution, Article 16 ba iyon, Section 5.

Q: Basahin lang nila yun, alam na nila kung ano yung dapat nilang gawin.

SP Sotto: Oo, hindi na kailangan manawagan. No business being there.

Q: And knowing Esperon, sa tingin ninyo yun ang gagawin nila pagbabasehan nila yung nilalaman ho na constitutional prohibition na yung isa ngang active military officer hindi pwedeng mag-occupy ng isang civilian position?

SP Sotto: Oo, gagawin ni - tingin ko ha, tinatanong mo opinyon ko? Sa pagkakakilala ko kay General Esperon, gagawin niya iyon. Pag hindi niya ginawa iyon, hindi ko pala siya kilala.

Q: So, let's wait and see. Kasi kapag hindi niya ginawa, hindi ninyo pa siya lubusan kilala.

SP Sotto: Oo, sige. Okay.

Q: Sige sir maraming salamat po sa oras ninyo.

SP Sotto: Alright, thank you.

News Latest News Feed