Press Release
June 11, 2021

ATIN ANG PINAS 2021:
Kalayaan, Kalusugan, Kabuhayan, Ipaglaban!

SOLIDARITY MESSAGES OF HONTIVEROS, BIAZON AND RIO

Please see attached video link: https://drive.google.com/file/d/1TtmCXW6-D91yYTvkkrLM5A8iFKBDdLTc/view?usp=sharing

I. TRANSCRIPT OF FORMER SENATOR/RETIRED GENERAL RODOLFO BIAZON

Unang-una gusto ko ng magpasalamat kay Senator Risa Hontiveros na siyang nangumbida para ako ay makiisa sa inyo ngayong araw na ito on the eve of our independence day.

Bakit nga ba ako nakumbida siguro sapagkat ito pong West Philippine Sea ang aking involvement dyan ay mula pa noong 1968. Kung saan binuo ng Former President Ferdinand Marcos ang isang task force upang okupahan ang isla natin dyan sa West Philippine Sea.

Tayo ang nagpangalan sa mga isla na yan na Tagalog kasi nung araw kung anu-anong lenggwahe ang ginagamit dyan sa West Philippine Sea na yan.

Nung 1981, ako'y nabalik mula sa Mindanao sa Palawan uli at napag-usapan ni Former Commodore Fernandez yung Westcomm Commander noong araw yung pagtatayo ng isang airport dyan sa Pagasa at sunud-sunod 'yang mga pangyayari. Unang-una ginawa pa nating isang bayan ang Kalayaan at ang gobyerno natin diyan ay dyan sa Pagasa kung nasaan ang airport.

Ngayon noong nagkaroon nang hearing sa Hague, doon sa Netherlands, kasi dyan nakabase yung Permanent Court of Arbitration na siyang nagreresolba sa mga dispute gaya nito sa. buong mundo. Tayo ay dapat nagkakaroon ng isang posisyon, maliwanag, nagkakaisa at walang nalilito. pero sa aking nadidinig ngayon ay medyo nalilito ako dahil ano ba talaga ang tayo posisyon ng Pilipinas dyan sa West Philippine Sea. Ito ba ang pinamimigay natin? O ito ay ating ipinaglalaban?

At sa aking palagay dahil tayo naman ay may pinagbabasehan doon sa ating pagsulong sa ating posisyon dyan, ng ating interes dyan. Ang unang-una ang United Nations Convention on the Law of the Sea. Pangalawa, yung Philippine Baseline Law. Ako po ang may-akda ng Philippine Baseline Law noong 2010. At ang pangatlo, ang ruling po ng Permanent Court of Arbitration sa Netherlands. Doon sa Hague na tinatawag. Ang atin pong basehan sa pagsusulong nyan ay yung tatlong batas na nabanggit ko.

Nung ako po'y kinakausap ng mga representatives ng Japan, ng Vietnamn, ng Australia kung ano ang posisyon ng Pilipinas sa problema na yan. nakausap ko si President Zemin noong araw noong 1994 pero hindi pa masyadong gumagalaw ang Tsina noong araw kung ang pag-uusapan ay ang West Philippine Sea.

Sa kasalukuyan, tayo ay nagpa-file na ng diplomatic protest doon sa ginagawang panggigigipit sa atin ng Chinese sa West Philippine Sea kasama na po ang Scarborough Shoal at yun nga ang ating basehan nyan ay UNCLOS, Phil Baseline Law at saka Permanent Court of Arbitration ruling sa Hague. Ngayon, dahil sa aking nakikita, sa aking nadidinig sa ikinikilos ng ating namumuno, ako po ay nalilito. Siguro nalilito na rin ang ating mga policy-makers at ang ating program implementors. Yung policymaker, yan ang ating dalawang kapulungan, ang Senado at ang Kongreso. At ang program implementors naman natin ay ang Executive Department na pinamumunuan ni President Duterte.

Hinihingi ko pa hanggang ngayon, hinihingi ko po na pulungin ni President Duterte itong National Security Council. Bakit kailangan magpulong ang ating National Security Council?

Una, dapat nga isa lang ang ating posisyon. Nagkakaisa tayo sa ating posisyon habang isinusulong natin ang ating interes dyan sa West Philippine Sea kasi hindi tayo dapat naiba-iba ang ating posisyon, ang ating nadidinig ngayon kasi yun nga baka tayo malito lalong hihina ang ating posisyon.

Pangalawa na hindi dapat nalilito ay 'yung ating mga kaibigan. Yung mga kaalyado natin. Andyan ang Japan, andyan ang Australia, andyan ang buong mundo. Sapagkat may interes ang buong mundo dito sa West Philippine Sea na ito. Sapagkat lima hanggang anim na trilyong dolyares ang halaga ng komersyo na dumadaan dyan kaya apektado ang bupng mundo Kaya dyan makakakuha tayo ng maraming kaibigan, makakakuha tayo ng kaalyado pero mukhang pati sila ay nalilito rin. Kung tayo ay nalilito e di lalo na sila. Kung tayo ay nalilito paano natin bubuuin ang isang koalisyon ng mga bansa upang harapin itong challenge na ginagawa ng Chinese government dyan.

We need the allies. At iyan po, huwag natin silang lituhin. Pero ang hindi dapat malito lalo na, ay yung ating kaagaw. Huwag kong sabihin na kalaban. Kasi kapag nalito ang ating kalaban, baka inaakala nila kanila na iyang lugar na yan at lalo pang pag-iigtingin ang kanilang aggression ay lalo nang hihirap,.

Itong problema natin sa West Philippine Sea ay hindi lang problema ng kasalukuyang administrasyon. Ito ay haharapin din ng susunod na administrasyon kung sino man siya. Sana itong susunod na administrasyon ay maliwanag para hindi tayo nalilito, hindi nalilito ang ating mga kakampi at hindi maliito ang ating kalaban. ito ay dapat nating ginagawa.

Kasalukuyan po, mayroong mga kakampi na nagsasabing sinusuportahan nila ang posisyon ng Pilipinas dyan sa West Philippine Sea. Nadinig ko po si Prime Minister Suga ng Japan, nadinig ko si Ambassador Johnson of Australia at nadidinig ko yung ibang nakausap ko noong araw sa bagay na yan.

Ngayon po ay sana tayo ay magkaisa.

At kayo naman kasi nung andoon ako sa Kongreso, ipinanukala ko na ang mga mangingisda, kayo ay magkaisa, bumuo ng organisasyon. Upang magiging mas madali yung hakbanging aking ipinanukala na kayo ay dapat escort-an ng Philippine Navy o ng Philippine Coast Guard habang kayo ay nangingisda para kayo ay maprotektahan at hindi kayo mahaharass ng kung sino mang ibang bansa na umaangkin diyan, sa lugar na yan na ayon sa batas na umiiral, batas natin, batas ng international ay atin iyan. Yung isda dyan ay atin, kung may langis man diyan, atin yan. Kung may taclobo dyan, atin yan.

Sana kung susundin ang ating panukala na ang mga mangingisda ay mag-organize para pagpunta nila sa laot ay may kasama silang Philippine Navy or Philippine Coast Guard protection.

Kaya po, muli, maraming salamat kay Senator Hontiveros sa pagbibigay=daan na ako naman ay makadagdag doon sa ano bang kaalaman natin diyan sa West Philippine Sea. magandang umaga po sa inyong lahat. Happy anniversary. Happy Independence Day mag-iingat o kao lalo na ngayong may pandemic, miski ilan kayo doon sa bangka at papalaot ay nakamaskara kayong pirmi. At kung kayo'y mababakunahan, sana ay mabakunahan kayong lahat para medyo may kaligtasan kayo. Magandang umaga sa inyong lahat.

II. TRANSCRIPT OF RETIRED GENERAL ELISEO M. RIO (FORMER DICT USEC)

A message to our fellow Filipinos from the advocates for national interest or ANI.

Let us unite and rally to our flag in assertion of our rIghts in the West Philippine Sea.

As our nation prepares to celebrate the independence day, let us remember how we, Filipinos, more than a century ago, stood up to challenge a much stronger power in order to be freed from subjugation and bullying.

Having realized the vital necessity of being united as a people, we zealously guarded and preserved our freedom and independence

Today, we face a real threat to our national security. China's transgression of Philippine sovereignty and sovereign rights in the West Philippine Sea in violation of international law jeopardizes our future.

The vast resources of the West Philippine Seapresent a promise of deliverance to our people but China is taking that away from us.

Our maritime entitlement of the West Philippine Sea are by virtue of the United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS and customary international law.

The 2016 South China Sea Arbitration Ruling was a victory for the Philippines. It had rejected China's excessive claims including those within our exclusive economic zone but China refuses to abide by this ruling.

The ANI strongly advocates a rules-based, international order and a peaceful resolution of conflict. And we thank the international community for their support of our people.

Notwithstanding our peaceful overtures, China employs coercion and intimidation to expand and maintain its unlawful presence in the West Philippine Sea as seen in Julian Felipe Reef, the Ayungin Shoal, Panganiban Reef and the Bajo de Masinloc. China's creeping aggression must be stopped. Now is the time for us to unite again as a people. We must set aside any political partisan agenda and parochial interests. This conflict with China should serve to unify rather than divide us.

The protection and defense of our sovereignty and territory is a national obligation. Our people should know that an information war is going on that uses psychological propaganda and media tools to make us believe that their unlawful action in the West Philippine Sea is justified. This is the China's narrative. Let us take the side of the Filipino people. Our citizens must not lead themselves and unwittingly act in support of the China narrative.

War is not the only option left to defend our sovereignty and sovereign rights. We are not alone. There is a range of diplomatic, legal, informational tools or soft power that can be deathly used.

We have allies, partners and friends willing to share the burden to keep a secure, stable and free-flowing trail to the South China Sea.

It is time to move on. Set aside our differences and march toward as a nation. Let us look up to our leaders who would evoke in our people the highest sense of patriotism, courage and selflessness as we face the difficult path ahead. We owe it to ourselves. We owe it to the future generations of Filipinos. Mabuhay ang Pilipinas.

III. TRANSCRIPT OF SENATOR RISA HONTIVEROS

Isang maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat.

Mga kababayan, ang kalayaan natin ngayon ay dugo, pawis, buhay, at pamana ng ating mga ninuno. Ngunit sa ilalim ng banta ng COVID-19, iba ang halaga at timbang ng ating pagdiwang. Sa simula pa lang ng 2021, para na tayong sinasakal. Ang hirap huminga dahil sa bigat ng epekto ng pandemya, ng bumabagsak na ekonomiya, at ng mga dayuhan na umaagaw ng ating mga likas na yaman.

Ngunit tulad ng ating mga ninuno, bakit nga ba hindi tayo pasisiil? Sa paanong paraan nagpapatuloy ang laban para sa kalayaan sa makabagong panahon?

Ipinaglalaban natin ang kalayaan dahil nakasandal tayo sa isa't-isa. Ang pagkain sa ating hapag, mga nag-aalaga sa ating mga mahal sa buhay sa ospital, maging ang mga delivery mula sa online shopping� may tao at pamilya rin sa likod ng mga serbisyo na iyan.

Para sa mga magsasaka, na nahihirapang makahanap ng pagkain, ngunit sinisikap na pakainin ang buong bansa sa bawat ani.

Para sa mga mangingisdang halos magpakamatay sa laot para lang sa pagkain ng taumbayan... lalo na silang mga malapit sa West Philippine Sea, na nagingisda pa rin kahit maharangan ng mga barko ng Tsina.

Para sa mga healthcare workers, na araw-araw nakikipagpatintero sa virus sa kabila ng atrasadong benepisyo sa trabaho at palpak na tugon ng gobyerno sa COVID-19.

Para sa lahat ng mga manggagawang Pilipino, na syang sumasagip sa ekonomiya ng bansa ngayon. Ang pagiit ng kalayaan ay pakikipaglaban rin para sa kanilang mga karapatan.

Sa taon ding ito, tahasan na ang panghihimasok ng Tsina.

Patuloy ang pagbibingi-bingihan ng Beijing sa ating mga diplomatic protest. Tila kapalit ng "special friendship", ang pagkamkam nila sa likas na yaman na dapat sana'y mga kababayan natin ang nakikinabang.

Nais kong bigyang pugay ang ating mga matatapang na opisyal ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at mga volunteers na walang tigil na nagpapatrol at nagbabantay sa ating mga teritoryo sa laot.

Patunay lamang, na kailanman, hindi nagkataon lang na malaya ang Pilipinas. Hindi ito swerte. Dito sa "duyan ng magiting", hindi "one-time, big-time" ang laban para sa kalayaan. Paulit-ulit itong iginigiit at ipinapahayag, sa laot man o sa kalupaan.

Ngayon, ginagapang na rin ng Tsina ang ating kalupaan at internet. Ang gobyerno ng Tsina ay isa sa mga may-ari ng National Grid Corporation of the Philippines, ang pangunahing power grid system ng ating bansa. Tsina rin ang may-ari ng Dito Telco, ang pangatlong pinakamalaking telco ng Pilipinas.

Mas pagigtingin pa natin ang pagbabantay. Huwag tayong mag-aatubiling makipaglaban para sa Pilipinas.

Noong 1898 at maging sa mga sumunod na digmaan, hindi alintana ng ating mga bayani ang gyera, lumaya lamang ang Perlas ng Silangan.

Ang laban natin ngayon? Ang araw-araw na paninindigan para kalayaan, kalusugan, at kabuhayan ng ating mga magsasaka, mga mangingisda, mga frontliners, at manggagawang Pilipino.

Dinggin natin ang tawag ng ating mga bayani at ng ating lupang hinirang.

Muli, isang maligayang Araw ng Kasarinlan. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mamamayang Pilipino!

News Latest News Feed