Press Release
July 2, 2021

Villanueva: Taal eruption could disrupt vaccine supply arrivals, economy

The government should brace for any impact brought about by Taal Volcano's eruption as the unrest could trigger several events "from a NAIA closure that will delay vaccine shipments, to factories in the country's manufacturing belt suspending work," Senator Joel Villanueva said today.

Villanueva suggested that the government put on standby the P6.37 billion Quick Reaction Fund component of the so-called Calamity Fund in the 2021 national budget. That amount is distributed among 8 agencies in the DPWH, DepED, DOH, DILG, DA and DND.

"From a planning perspective, let's assume the worst-case scenario, and be proactive in anticipating the needs of affected residents. Paghandaan na po natin ang mga kakailanganin ng ating mga kababayan sa Batangas at Southern Tagalog region, lalo na po sa mga residenteng nasa paligid ng danger zones," said Villanueva, chair of the Senate labor committee. "Ihanda na po natin ang ayuda para sa mga posibleng madi-displace mula sa kanilang mga tahanan."

He said the January 12, 2020 eruption of Taal Volcano was a preview on how "the world's smallest active volcano can cause big damage in places beyond its immediate danger zone."

The ashfall during that eruption, he added, cancelled 643 flights at NAIA and Clark airport in Pampanga, affecting more than 100,000 passengers.

"If that happens again, heaven forbid, what's our Plan B for flights carrying imported vaccines? And how will we dispatch vaccines to provinces because we're using Manila as a base," he said.

He also warned of an economic fallout, "and it comes at a time when factories are restarting their operations."

Within the 50-kilometer radius of the volcano lies the biggest concentration of factories, he said, referring to economic zones in the Batangas, Laguna and Cavite areas.

Tourism and services will also be affected as Tagaytay and other areas in Cavite and Batangas are Metro Manila's "nearest rest and recreation place."

"Yung ashfall ng Taal nakakapuwing talaga yan: sa ekonomiya, sa transportasyon, at sa negosyo ng mga lugar na medyo may kalayuan na," Villanueva said.

But our immediate concern should be the people of Batangas and Cavite living near the volcano, in areas designated by the government as danger zones, the senator said.

The last time Taal erupted, it displaced close to 550,000 people.

He said local governments who are having a hard time making ends meet during the pandemic do not have the resources to confront "a double whammy, a double V - virus and volcano."

_________________________________________

Villanueva: Pag-aalboroto ng Taal, makakaapekto sa flights, pagdating ng bakuna, ekonomiya

Ibayong paghahanda ang inaasahan sa gobyerno sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal na makakaapekto ito sa samu't saring bagay, mula sa pagsasara ng paliparan sa NAIA na makakaabala sa pagdating ng bakuna, sa pagsasara ng mga pabrika sa karatig lugar, ayon kay Senator Joel Villanueva.

Iminungkahi ni Villanueva na gamitin ang P6.37 bilyon na Quick Reaction Fund sa ilalim ng Calamity Fund ngayong 2021 kung sakaling matuloy ang pagsabog ng aktibong bulkan. Ang naturang pondo ay nahahati sa walong ahensya: DPWH, DepED, DOH, DILG, DA at DND.

"Worst-case scenario po ang pagplanuhan natin, at maging pro-active tayo sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mamamayan. Paghandaan na po natin ang mga kakailanganin ng ating mga kababayan sa Batangas at Southern Tagalog region, lalo na po sa mga residenteng nasa paligid ng danger zones," ani Villanueva, chair of the Senate labor committee.

"Ihanda na po natin ang ayuda para sa mga posibleng madi-displace mula sa kanilang mga tahanan."

Dagdag pa ng senador, ang pagsabog ng Taal noong Enero 12 noong nakaraang taon ay nakapagdala ng sobrang pinsala na lagpas sa kanyang "danger zone." Ang ashfall nito ay nagdulot ng kanselasyon sa 643 flights sa paliparan ng NAIA at Clark sa Pampanga, at nakaapekto sa mahigit 100,000 pasahero.

Mayroon din itong epekto sa ekonomiya dahil maaaring tumigil ang operasyon ng mga pabrika sa mga karatig lugar, sa panahong bumabawi na ang ekonomiya ng bansa mula sa bangungot ng pandemya.

Nasa loob aniya ng 50-kilometrong radius ng Taal ang pinakamalaking bilang ng mga pabrika: ang economic zones sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, at Cavite.

Apektado rin ang turismo, dahil ang Tagaytay at ibang lugar sa Cavite at Batangas ang dinadayo ng mga lokal na turista para magbakasyon.

"Yung ashfall ng Taal nakakapuwing talaga yan: sa ekonomiya, sa transportasyon, at sa negosyo ng mga lugar na medyo may kalayuan na," ani Villanueva.

"Pero ang unahin natin ay ang mga residenteng taga-Batangas at Cavite na lubhang napakalapit sa Taal, lalo na yung mga nakatira sa danger zone."

Noong nakaraang taon, mahigit 550,000 katao ang inilikas dahil sa pagsabog ng Taal. Double whammy sa dobol V - virus at volcano - ang mararanasan ngayon ng mga tao pag sumabog muli ang taal, dagdag ni Villanueva.

News Latest News Feed