Press Release
August 25, 2021

Villanueva: Increase 2022 aid fund to distressed overseas Pinoys

The fund intended for helping Filipinos overseas, including over 10 million overseas Filipinos, in the 2022 national budget should be augmented to reflect how the government values the welfare of overseas Filipinos, Senator Joel Villanueva said today.

According to the National Expenditure Program for next year released by the DBM recently, Villanueva said the Assistance to Nationals (ATN) Fund of the Department of Foreign Affairs (DFA) was proposed at P1 billion, which remained unchanged as this is the same amount allocated this year. The same is true for the Legal Assistance Fund (LAF), which stood at P200 million.

"We should at least increase the funds for ATN and LAF to P2 billion. The 2022 national budget says the ATN will only be enough to assist 145,000 overseas Filipinos. Parang P6,896 kada distressed overseas Filipino po iyan. Napakaliit naman po na halaga ito kumpara sa laki ng kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa," said Villanueva, chair of the Senate labor committee.

"Napakaliit na halaga nito, lalo na ngayong pandemya na marami sa ating mga kababayan lalo na yaong mga nasa ibang bansa ang humaharap sa maraming hamon. Walang pamilya o tulong na maasahan kundi ang gobyerno," he added.

If the remittance data in 2020 were any indication, the senator said that overseas Filipinos continue to buoy the country's economy by collectively sending a total of $33.19 billion, or P1.646 trillion.

"Ang computation po nito ay mahigit P4.5 bilyon kada araw ang remittance nila. At kung ikukumpara sa P1 bilyon na budget ng ATN para sa isang taon, katumbas lang po ito ng ilang oras na remittance ng ating mga overseas Filipinos," Villanueva said.

"Kaya may basehan po talaga na itaas ang halagang ito. And I believe that our overseas Filipinos deserve better from our government," he added.

Villanueva noted that if the government has instituted safety nets in the national budget like P115.7 billion for the implementation of the 4Ps program, all the more that a productive sector such as overseas Filipinos deserve assistance when they need it.

"Kahit meron pong P11.2 bilyon na nakalaan sa P12.8 bilyon na proposed budget ng OWWA sa 2022 para sa assistance sa OFWs, malaki naman ang saklaw nito kasi kasama ang reintegration services tulad ng livelihood services, reskilling at beneficiary assistance tulad ng scholarship dependents," he said.

______________________________________________

Villanueva, nanawagang itaas ang pondong nakalaan sa pagtulong sa distressed overseas Filipinos sa 2022 national budget

Umaapela si Senator Joel Villanueva na dagdagan pa ang pondong nakalaan sa national budget sa 2022 bilang pagpapakita kung gaano kahalaga ang mga overseas Filipinos sa ating gobyerno.

Ayon sa National Expenditure Program para sa susunod na taon, ang pondo para sa Assistance to Nationals o ATN sa ilalim ng DFA ay nasa P1 bilyon lamang, pareho ng halagang inilaan ngayong taon. Ganun din ang pondo para sa Legal Assistance Fund o LAF, na nasa P200 milyon pa rin.

"Dapat pong itaas ang pondo ng ATN sa P2 bilyon. Sabi sa national budget, sapat lamang daw ang tulong na P1 bilyon para sa 145,000 overseas Pinoy. Parang P6,896 kada distressed overseas Filipino po iyan. Napakaliit naman po na halaga ito kumpara sa laki ng kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa," ani Villanueva, chair of the Senate labor committee.

"Napakaliit na halaga po nito, lalo na ngayong pandemya na marami sa ating mga kababayan lalo na yaong mga nasa ibang bansa ang humaharap sa maraming hamon. Walang pamilya o tulong na maasahan kundi ang gobyerno."

Kung pagbabasehan ang halaga ng remittance ng mga overseas Filipinos noong 2020, sinabi ng senador na patuloy na nakakatulong ng malaki ang mga overseas Filipinos sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng $33.19 bilyon, o P1.646 trilyon.

"Ang computation po nito ay mahigit P4.5 bilyon kada araw ang remittance nila. At kung ikukumpara sa P1 bilyon na budget ng ATN para sa isang taon, katumbas lang ito ng ilang oras na remittance ng ating mga overseas Filipinos," sabi ni Villanueva.

"Kaya po may basehan naman talaga na itaas ang halagang ito. At naniniwala ako na ang ating mga overseas Filipinos ay marapat na binibigyan ng sapat na tulong ng ating pamahalaan," dagdag pa niya.

Sabi pa ni Villanueva, kung naglalaan daw umano ng safety nets ang gobyerno sa national budget tulad ng P115.7 bilyon para sa programang 4Ps, mas lalo daw na karapat dapat ang isang produktibong sektor tulad ng mga overseas Filipinos na nangangailangan ng tulong.

"Kahit meron pong P11.4 bilyon na nakalaan sa P12.8 bilyon na proposed budget ng OWWA sa 2022 para sa assistance sa OFWs, malaki naman ang saklaw nito kasi kasama ang reintegration services tulad ng livelihood services, reskilling at beneficiary assistance tulad ng scholarship dependents," aniya.

News Latest News Feed