Press Release
August 27, 2021

Gatchalian: Vaccinating minors to boost confidence on safe school reopening

Senator Win Gatchalian reiterated the urgency of vaccinating minors, especially those aged 12-17, to ensure the safe reopening of schools and boost confidence when face-to-face classes resume.

According to a Pulse Asia Survey commissioned by Gatchalian, which was conducted from June 7-16 with 1,200 respondents nationwide, parents or guardians with children in basic education cited the danger of going to school because of the pandemic as the top reason for disagreeing with face-to-face classes.

Ninety percent of parents and guardians who disagree with the resumption of in-person learning said it is still dangerous to go to school because of the pandemic. The non-availability of vaccines (57%) is another concern. However, only 14% think that modules given to students are good.

Nationwide, 44% of respondents agree that learners should be allowed to attend the coming school year physically, 33% are unsure, and 23% disagree. Agreement to have face-to-face classes, however, is higher among classes D (44%) and E (49%) compared to households in classes ABC (32%).

The demand for a return to in-person learning is also higher (62%) among respondents with children enrolled in public schools. When disaggregated by social classes, agreement to have face-to-face classes is again higher among classes D (63%) and E (60%) compared to classes ABC (53%).

While the government eyes the vaccination of minors by September or October, Gatchalian pressed the need to have a rollout plan in place, which should involve the Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), the National Task Force (NTF) Against COVID-19, the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), Department of Interior and Local Government (DILG), and local government units (LGUs).

Gatchalian also cited the need for a risk-based assessment in choosing pilot sites for limited in-person schooling, which is still subject to the President's approval. The lawmaker also emphasized the need to prioritize areas without internet connection and where a significant number of learners belong to poor households.

"Bagama't hangarin nating makabalik ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan, prayoridad pa rin natin ang kanilang kaligtasan. Kaya naman isinusulong natin ang pagbabakuna ng mga mag-aaral at kung sakaling maaprubahan na ang pagkakaroon ng face-to-face classes, simulan natin ito sa mga lugar na mababa o walang kaso ng COVID-19," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

# # #

Gatchalian: Pagpapabakuna ng mga menor de edad mahalaga sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan

Binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga menor de edad, lalo na 'yung mga may edad labindalawa (12) hanggang labing-pito (17), upang iangat ang kumpyansa ng mga magulang sa kaligtasan ng muling pagbubukas ng mga paaralan.

Ayon sa isang Pulse Asia survey na kinomisyon ni Gatchalian, ang kasalukuyang panganib sa pagpunta sa mga paaralan ang pangunahing dahilan ng mga magulang at mga guardian sa hindi pagsang-ayon sa face-to-face classes. Isinagawa ang naturang survey noong Hunyo 7-16, kung saan may mahigit isang libo (1,200) ang lumahok.

Siyamnapung porsyento (90%) sa mga hindi sumasang-ayon sa pagkakaroon ng face-to-face classes ang nagsasabing masyado pang mapanganib ang pagbalik sa mga paaralan dahil sa pandemya. Ang kawalan ng mga bakuna (57%) ay isa ring dahilan. Samantala, labing-apat na porsyento (14%) lamang sa mga hindi sumasang-ayon sa face-to-face classes ang nagsasabing maayos ang mga modules na binibigay sa mga mag-aaral.

Sa buong bansa, apatnapu't apat na porsyento (44%) ng mga kalahok ang sumasang-ayon sa muling pagkakaroon ng face-to-face classes, tatlumpu't tatlong porsyento (33%) ang hindi sigurado, at dalawampu't tatlong porsyento (23%) ang hindi sumasang-ayon. Mas marami naman sa classes D (44%) at E (49%) ang sumasang-ayon sa pagkakaroon ng face-to-face classes kung ihahambing sa classes ABC (53%).

Bagama't balak ng pamahalaang simulan ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa Setyembre o Oktubre, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng rollout plan. Dapat kabilang sa planong ito ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), ang National Task Force (NTF) Against COVID-19, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), ang Department of Interior and Local Government (DILG), at local government units (LGUs).

Dagdag ni Gatchalian, dapat magkaroon ng risk-based assessment sa pagpili ng mga pilot sites ng limited face-to-face classes----bagay na kakailanganin pa rin ng pag-apruba ng Presidente. Dagdag ni Gatchalian, dapat ding bigyan ng prayoridad ang mga lugar na walang internet at kung saan maraming mag-aaral ang kabilang sa mga nangangailangang mga sambahayan.

"Bagama't hangarin nating makabalik ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan, prayoridad pa rin natin ang kanilang kaligtasan. Kaya naman isinusulong natin ang pagbabakuna ng mga mag-aaral at kung sakaling maaprubahan na ang pagkakaroon ng face-to-face classes, simulan natin ito sa mga lugar na mababa o walang kaso ng COVID-19," ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

# # #

News Latest News Feed