Press Release
August 27, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON PRESIDENT DUTERTE'S REMARKS ON INVESTIGATIONS

Noong una ang bulong ni Presidente sa taumbayan, "Walang pera" para sa sapat na pagtugon sa COVID. Yun pala, ayon sa imbestigasyon ng COA, meron. Isinoli pa nila at hindi ginamit. Kung tunay ang hangarin nyang labanan ang graft and corruption sa ilalim ng administrasyon nya, kung pwede lang, huwag syang makialam.

Nakalimutan na ba ni Presidente kung bakit sya namigay ng kahon-kahong pastillas sa Palasyo? Dahil yun sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa Pastillas scam. Matapos nyang magpatanggal ng mga tauhan sa loob ng Bureau of Immigration, sya pa ngayon ang magsasabi na "Huwag maniwala sa imbestigasyon"? E sinong pinapaniwalaan nya noon kung hindi ang resulta ng imbestigasyon?

Pagtuunan na lang ng pansin ni Presidente ang pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Marami ngayon ang naghahanap ng trabaho at naghihintay ng ayudang pang-negosyo.

Napakaraming naitutulong ng mga hearing sa senado, pero yung pagdadabog nya tuwing hatinggabi, walang ambag kundi bangungot.

News Latest News Feed