Press Release
August 28, 2021

MANIFESTATION OF SENATOR CHRISTOPHER "BONG" GO DURING THE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING

Good day Mr. Chair, distinguish colleagues, and to our resource persons in this hearing.

Mr. Chair, with the permission of my colleagues, may I give my statement, since I was already mentioned in the course of the discussions. Since na-mention po ang hearing about the navy, about the frigate. As far as I can recall, si Senator Honasan po ang mismong Chair ng hearing na nag-imbestiga nito, at lumabas na po ang katotohanan, at wala po akong kinalaman doon. Naging senador na po ako, lumabas ang katotohanan sa hearing na ito na pinamumunuan mismo ni Senator Honasan, Senator Lacson, and Senator Sotto. Maraming salamat po sa mga colleagues ko ngayon na lumabas na po 'yung katotohanan (ukol sa isyu na yan noon).

Mr. Chair, first of all I want to reiterate that I am one with the Chairman, my colleagues, in ensuring that no funds are lost to corruption. As a senator and member po of the Blue Ribbon Committee, nakikiisa po ako sa inyo rito at kasama n'yo po ako dito na gustong malaman ang katotohanan.

Tama po si Chairman Gordon, imbestigasyon sa BuCor, sa GCTA, Pastillas, sa PhilHealth... Marami na pong nasuspendido at marami na pong nakasuhan. Hindi naman po ibig sabihin ipinagtatanggol ko ang Pangulo... pero ibig niya pong sabihin ay sa imbestigasyon natin dito, tuluyan po natin ang dapat tuluyan.

Panagutin po ang dapat panagutin, kasuhan po ang dapat kasuhan, ikulong po ang dapat ikulong. Seryoso po si Pangulong Duterte sa kampanya laban sa korapsyon, wala kaming pinapalampas kahit sino ka man, kahit saan ka man nanggaling basta napatunayang sangkot ka sa korapsyon, dapat kang managot.

Kaya nga po nakikiusap ako sa COA, sa Ombudsman na imbestigahan, panagutin ang may anomalya. Kaya nga po may CoA, Ombudsman, at Sandiganbayan tayo - imbestigahan, kasuhan, at ikulong ang dapat managot. Iyan naman po ang trabaho nila para matigil na po ang mga haka-haka dahil sabi ko nga unfair naman po ito sa mga nagtatrabaho po nang matino.

Labanan po ito ng perception. Kawawa naman po 'yung napagbibintangang magnanakaw dahil lang sa obserbasyon na hindi pa naman pinal o conclusive. Findings pa lang ay nahuhusgahan na sila. Kawawa naman 'yung mga nadadamay na tao na wala namang kaalam-alam. Binigyan naman ang DOH ng 60 days (ng COA) para sagutin or i-rectify ang mga obserbasyon sa kanila.

May proseso po tayong dapat sundin, bigyan po natin sila ng pagkakataon na sagutin. Kung hindi masagot o hindi ma-account, kasuhan na po kaagad natin dahil importante po ang bawat piso na pondo po ng bayan. Marami po ang nangangailangan lalong-lalo na po nasa krisis tayo ngayon, itong kinakaharap nating krisis.

He (PRRD) means business, kapag may kinalaman, tuluyan na. Yariin na po natin. Kapag pumasok ka sa korapsyon, yari ka talaga. Iyan naman ang isa sa mga una niyang ipinangako sa mga kababayan natin, campaign against illegal drugs, criminality and corruption.

Mr. Chair, my name continues to be unfairly dragged into issues related to former DBM Undersecretary Lao. Though I am now a senator, pinagpipilitan po ng iba na "aide" ko siya o tao ko siya, kahit na ipinaliwanag ko na sa nakaraang Senate Blue Ribbon Committee hearing ang katotohanan.

Sa muli, inuulit ko po for the nth time— hindi ko aide o hindi ko po tauhan si Atty. Lloyd Lao. Kailanman, hindi po siya directly reporting sa akin na tauhan talaga. Iba 'yung aide na tauhan mo na nagre-report sa'yo. May sarili siyang trabaho. May sarili siyang buhay.

Si Lao ay isa lang sa daan-daang empleyado o opisyal doon sa Malacañang noon. He was appointed to the Presidential Management Staff at the start of President Duterte's term until early 2017. After which, he was appointed nga po to HLURB and later to the DBM in 2019 before resigning last June of this year.

Usec. Lao did not directly report to me nor did he ever serve as my aide o tauhan ko po talaga. Kilala ko po siya, taga-Davao din po siya. Pero hindi ko po siya tauhan o aide. Pero kung may kasalanan siya, panagutin natin. Kung kailangan ikulong, ikulong natin. Kung kailangan i-contempt, i-contempt natin.

I already assumed my post in July 2019 as an elected Senator when Lao was designated to head the PS-DBM in August 2019. Samakatuwid, magkaiba po ang naging landas namin ni Atty. Lao. Taong 2019 ay Senador na ako. Taong 2017 ay wala na si Lao sa PMS. Huwag niyo na ipilit na iugnay sa akin si Lao ngayon o sinumang nakatrabaho ko noon.

Noong Special Assistant to the President ako mula 2016-2018, mayroon akong oversight functions base sa Executive Order No. 01 sa iilang mga opisina sa Office of the President, tulad ng PMS at iba pang mga opisina diyan. Pero hindi ibig sabihin na dahil nakatrabaho ko sila noon, ay naging aide ko na silang lahat.

As Special Assistant to the President then, I was not involved in the day-to-day operations and management of (these units in) the Office of the President.

As per Section 2 of EO 1, as SAP, I exercised mere oversight functions of three independent and cross-functional offices like the OSAP, Office of Appointments Secretary and PMS.

Limitado lang ako sa administrative and supervisory functions, sinisiguro na nagagawa nila ang kanilang mga mandates, maipatupad ang mga improvements sa mga sistema at proseso para mas maging efficient at effective po ang opisina po ang Office of the President.

Kakaupo palang ni Pangulong Duterte, halos lahat ng mga opisina na under sa oversight ko ay gustong ma-identify sa maliit na opisina ko na OSAP dahil ito ang malapit sa Pangulo noong umpisa ng kanyang administration. Pero hindi ibig sabihin ay aide o ka-close ko na kayo. Marami po diyan, feeling close lang po. Iba po ang aide, iba po ang nakatrabaho.

Pero ako po 'yung kampanya namin ni Pangulong Duterte laban sa korapasyon, hindi po kami tumitigil hanggang ngayon. Lalabanan po namin 'yan. Kahit sino ka pa, kahit tumulong ka pa noong kampanya. Kahit na magkaibigan pa. Wala po kaming pinipili.

Lahat ng mga nagre-report sa Malacanang compound noon ay katrabaho ko pero hindi ibig sabihin na naging aide ko rin ang ilang daang empleyado doon. Hindi naman siya nagrereport directly sa akin.

Anyway Mr. Chair, nandito po meron po akong isi-share na slides to be flashed on screen. Nandito listahan ng mga empleyado sa OSAP na napakaliit lang po niyan, isang USec lang po ang under dyan at isang Asec. Iyan lang po ang Office of the Special Assistant to the President.

Eto naman ang kanyang (Atty. Lloyd Lao) service record. Klaro ang nakalagay dito ay Presidential Management Staff.

Heto naman ang sweldo nya. Klaro na sa PMS siya kumukuha ng sweldo noong nagtatrabaho pa siya sa Malacanang.

Pero sa totoo lang, ang mahalaga dito ang polisiya namin ni Pangulong Duterte kahit sino ka man, kahit saan ka man nanggaling, kahit tumulong ka pa noong election kay Pangulong Duterte, kapag pumasok ka sa korapsyon, yari ka talaga. Pero kung wala naman, itigil na lang po ang pang-iintriga sa kapwa. Kawawa naman po.

Gaya ng sabi ko, ang pangunahing bilin nga ng Pangulo sa kanyang mga ina-appoint, hindi po siya nakikialam paano po nagtatrabaho ang mga tao niya, ito lang po ang sinasabi niya...: "Just do what is right and avoid corruption." Kapag ginagawa mo ang tama at inuuna mo ang interes ng mga Pilipino, suportado ka namin.

Wala kaming pinipili ni Pangulong Duterte sa laban kontra korapsyon, kriminalidad, at iligal na droga. Kung mapatunayang may kasalanan talaga, kasuhan na agad para matapos na ang isyung ito at mas matutukan na natin ang laban kontra sa pandemya.

Uulitin ko, basta pumasok ka sa corruption, maaaring may na-appoint na mga taga-Davao, pero ito ay dahil kilala sila ng Pangulo, may tiwala sa kanila at alam nila na may kakayahan, iyon naman po ang kilala ni Pangulong Duterte dahil probinsiyano po siya doon nanggagaling ang halos lahat ng kakilala niya.

Pero kahit may utang na loob sa kanya, wala sa usapan ang korapsyon. Pareho kaming galit sa magnanakaw, masagasaan na po ang dapat masagasaan. Kung may reklamo at haka-haka, may intriga, may proseso naman po ang Executive branch para ma-imbestigahan ang sinumang gumawa po ng korapsyon. Sinabi niya 'yan.

Binibigyang halaga ni Pangulong Duterte ang bawat reklamo. Kahit ano man ang reklamo, katukin lang daw siya at handa siya makinig. Kung anuman gawin nilang proseso na naaayon sa batas, nasa Executive branch na po sa mga reklamo, ay nasa kanila na po iyon. May proseso pong ginagawa ang Executive branch.

Bilang Senador naman, suportado ko po ang mga imbestigasyon na ito para po lumabas katotohanan para po managot ang dapat managot. At kasuhan ang dapat managot.

Anyway, medyo ise-segue ko nalang po kaunti dahil ito naman pong issue... dahil naawa na po ako sa dalawang taong ito. I'm referring to the President and Secretary Duque.

To Secretary Duque, matagal ka ng kilala ni Pangulo, alam naman natin at alam ni Pangulo, isa kang tapat sa tungkulin kaya nga po ikaw ang kanyang pinili pagkatapos ng isang Secretary. Alam natin na nakapagserbisyo ka na rin sa dati sa ibang administrasyon bilang Health Secretary at tatay mo rin po naging Health Secretary, at imbes na mag-retire ka na lang sana, walang masyadong pressure na, inanyayahan kang magsilbi sa bayan muli ni Pangulong Duterte. Nagpapasalamat kami dyan sa iyong dakilang sakripisyo.

Make no mistake, sabi nga ni Pangulong Duterte, may tiwala siya sayo until the end, pero mahirap na. You have done so much already for Filipinos. We don't want that because of issues about you, your output will be compromised especially now that we both know lives are at stake.

My word of advice is make the supreme sacrifice when the right time comes. For now, may hearing naman tayo dito sa Senate Blue Ribbon Committee, clear yourself and the DOH, lahat po ng empleyado ng DOH, and address COA's findings. Gusto ng tao malaman ang katotohanan. Importante, lumabas po kayo na malinis, lumabas ka ng malinis.

Mahal ka ng Pangulo at ipinaglalaban ka niya. Alam ko mahal mo rin ang Pangulo. Desisyon mo na 'yan pagdating ng panahon. But my advice is make the supreme sacrifice alang-alang na lang sa mga kababayan nating mga Pilipino. Naaawa na rin po ako kay Pangulong Duterte, pinapasan na po niya ang mundo at lahat ng problema.

Maraming salamat po, Mr. Chair.

News Latest News Feed