Press Release
August 30, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON NATIONAL HEROES DAY

Ito na ang ikalawang 'Araw ng mga Bayani' sa ilalim ng pandemya.

Sa dami ng naibalita tungkol sa kabayanihan ng ating mga healthcare workers at frontliners, ang kailangan nila ay higit pa sa palakpak, pagsaludo, at pagkilala.

Tumbasan natin ang kanilang walang-sawang pagsisilbi sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulong ng kanilang mga karapatan at pagbibigay ng mga benepisyong nararapat para sa kanila.

The hazard pay and special risk allowance are more than a list of numbers and decimals in a spreadsheet. These are social protections our government promised them for their service, and they are within their rights to demand them.

We, at the Senate, are working to correct this financial injustice.

Our healthcare workers are essential, not sacrificial.

Isinusulong rin natin na lahat ng mga nagtatrabaho sa ospital ay mabigyan ng karampatang mga insentibo, hindi lamang ang mga may close contact sa mga pasyenteng may COVID. Ang mga bayani ay dapat pinahahalagahan. Hindi dapat inaabuso ang kanilang kagandahang-loob.

I am calling on the administration to do what is right by our frontliners and put an end to chronic indifference and ill-conceived policies. Citizens who have done their best to help our country live through this pandemic need more than patronizing words.

News Latest News Feed