Press Release
August 30, 2021

Villanueva looks at increase in allocation for bigger SRA, hazard pay of healthcare workers in 2022 budget

Senator Joel Villanueva said funds for the two special pay allowances for medical front liners should be "rolled over" in next year's national budget.

Villanueva is however proposing a bigger 2022 allocation for the Special Risk Allowance (SRA) and the COVID-19 Active Hazard Duty Pay (AHDP) so that health workers may receive bigger amounts of the same.

An increase in the appropriations for the SRA and AHDP, he explained, would allow more health workers to receive the benefits they rightfully deserve, said Villanueva, chair of the Senate labor committee.

He said "current rules and fund limitation" bar certain types of contractual workers from getting additional compensation for dangerous work despite facing the same hazards their colleagues are exposed to.

"The virus does not discriminate. Why does the government distinguish on who to pay or not?" he said.

Villanueva said a bigger appropriation for AHDP and SRA would lead to higher rates and cover more health workers, who should receive them promptly under liberalized rules.

"Kung pwede lang po sanang gamitin natin ang Olympic motto na 'faster, higher, stronger' sa paggawad ng benepisyo sa mga doktor, nurses, at iba pang health workers na nagbubuwis buhay sa panahon ng pandemya," he said. "Mas mataas na rate, malaking pondo, at mabilis na pagbibigay ng mga benepisyong pinagtatrabahuhan ng ating mga health workers."

Initially authorized under the Bayanihan Laws, AHDP is given to public health workers, while the SRA covers health workers in public and private medical institutions

Because a public health worker cannot receive more than P3,000 a month in AHDP, the maximum daily availment is P136 a day, Villanueva said.

"Saan po makaabot ang P136 sa panahon natin ngayon? Kulang na po ito pang-taxi o Grab ng isang pagod na nurse. Hindi rin po sapat pambili ng value meal pagkatapos ng kalahating araw na duty sa COVID ward," he said.

In the case of the SRA, the monthly pay out of the ceiling of P5,000 comes up to about P227 daily compensation for "COVID ward duty, which is one of the world's most dangerous workplaces today," he pointed out.

Villanueva said such pay rates should now change, the same way that the virus has mutated.

As to how much the increase will be, Villanueva said "the Senate, for sure, will collectively propose it once the supporting data are made available during the hearings for the 2022 national budget."

But he said "a 100-percent increase" in the SRA and the hazard pay can be the starting point of the discussion.

_________________________________________________________________________________________

Villanueva, hiniling ang mas malaking allowance at hazard pay para sa healthcare workers sa 2022 budget

Nanawagan si Senator Joel Villanueva na palawigin pa sa susunod na taon ang pagbibigay ng dalawang special allowances para sa mga medical frontliners ng bansa sa ilalim ng 2022 national budget.

Ayon kay Villanueva, nais niyang taasan pa ang alokasyon para sa Special Risk Allowance (SRA) at ang COVID-19 Active Hazard Duty Pay (AHDP) sa 2022 national budget para mas malaki ang mauuwing salapi ng mga healthcare workers na kumakalinga sa mga may sakit ngayong panahon ng pandemya.

Kapag tinaasan ang laang pondo para sa SRA at AHDP, matatanggap ng mga medical frontliners ang nararapat na benepisyo para sa lahat ng kanilang sakripisyo, diin ni Villanueva, chair ng Senate labor committee.

Dagdag pa nya, sa ilalim ng kasalukuyang panuntunan at limitasyon sa pagbibigay ng pondo, may ilang kontraktuwal na manggagawa na hindi nabibigyan ng mga allowance na ito kahit pa pareho lang naman ang peligrong kinakaharap nila.

"Hindi po namimili ang virus, pero bakit ang gobyerno ay namimili kung sino ang mabibigyan at hindi makakatanggap?" anang senador.

Kung mas malaki umano ang budget para sa AHDP at SRA sa national budget, sinabi ng mambabatas na mas malaki ang matatanggap ng mga healthcare workers at mas marami ang mabibigyan nito kung malinaw ang mga panuntunan.

"Kung pwede lang po sanang gamitin natin ang Olympic motto na 'faster, higher, stronger' sa paggawad ng benepisyo sa mga doktor, nurses, at iba pang health workers na nagbubuwis buhay sa panahon ng pandemya," ani Villanueva.

"Mas mataas na rate, malaking pondo, at mabilis na pagbibigay ng mga benepisyong pinagtatrabahuhan ng ating mga health workers."

Ang AHDP ay isang allowance na binibigay sa ilalim ng mga batas na Bayanihan sa mga public health workers, samantalang ang SRA naman ay para sa mga health workers sa pribado at pampublikong ospital.

At dahil ang isang public health worker ay hindi maaaring makatanggap ng higit P3,000 kada buwan ng AHDP, lumalabas na maximum na ang P136 kada araw, ayon kay Villanueva.

"Saan po makaabot ang P136 sa panahon natin ngayon? Kulang na po ito pang-taxi o Grab ng isang pagod na nurse. Hindi rin po sapat pambili ng value meal pagkatapos ng kalahating araw na duty sa COVID ward," aniya.

Sa SRA naman, limitado sa P5,000 kada buwan, o P227 kada araw na bayad para sa "COVID ward duty," na isa sa mapanganib na lugar-paggawa ngayon, paliwanag ni Villanueva.

Katulad din ng pag-mutate ng virus sa maraming variant, kailangan na din daw baguhin ang pay rates ng mga medical frontliners at tumbasan ang peligro, hirap at sakripisyo nila sa paglaban sa COVID-19.

Kung magkano ang halaga ng taas, malalaman umano sa pagbalangkas ng 2022 budget sa Senado, ayon kay Villanueva.

Pero para sa kanya, "100-percent increase" sa SRA at hazard pay ang pwedeng simula ng diskusyon.

News Latest News Feed