Press Release
September 1, 2021

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS DURING HER VIRTUAL PRESS CONFERENCE
September 01, 2021

Magandang umaga po sa lahat. Ang tanong ko sa inyo ngayong umaga:

Why is this government transacting with fugitives?

Bakit tayo nakikipag negosyo sa mga taong may warrant of arrest pa nga sa ibang bansa?

Unahin natin ang kompanyang nakakuha ng pinakamalaking kontrata para sa PPEs at face shields dito sa ating bansa, ang PHARMALLY.

Si Huang Wen Lie, also known as Tony Huang, na syang Chairman ng Pharmally International Holdings ay wanted for securities fraud, stock manipulation, and embezzlement.

Ang kanya namang anak na si Huang Tzu Yen, incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp at Pharmally Biological Inc. ay wanted for stock manipulation.

Bakit hindi ito naamoy man lang ng ating mga otoridad? Publicly available ang mga impormasyong ito.

Narito ang kopya ng kanyang warrant of arrest mula mismo sa website ng Ministry of Justice Investigation Bureau o MJIB, at nakadetalye dito na December 29, 2020 pa lamang ay pinaghahahanap na si Huang Tzu Yen ng mga otoridad.

Ang nakakapagtaka pa, kahit may warrant of arrest na para sa kanya, ang latest purchase order ng kanyang kompanyang Pharmally ay noong June 2021.

Kaya nang sumagot si dating Usec. Chris Lao na hindi daw nila ginawa ang kanilang "due diligence" nakakadismaya. Kaunting Google lang ay mayroon namang makikitang kalinawan na ang mag-amang Huang Wen Lie at Huang Tzu Yen ay parehong tinatakasan ang batas.

Why did we even deal with these shady individuals and companies?

Ngunit hindi dyan nagtatapos ang alingasaw nitong Pharmally. Ang ilan sa incorporators nito ay directors rin ng kompanyang Full Win, tulad nina Rose Lin at Gerald Cruz.

At higit sa lahat, ang Chairman ng Full Win Group na si Zheng Bingqiang ay WANTED din for stock manipulation. Ang stocks na ginagalaw nya? Pharmally International Holdings.

He has been charged for that and now, tulad ng mag-amang Huang Wen Lie at Huang Tzu Yen, si Zheng Bingqiang ay isa na ring FUGITIVE.

Narito ang kopya ng kanyang warrant mula sa website ng Ministry of Justice Investigation Bureau ng Taiwan.

At tulad ng sabi nila... BUT WAIT, THERE'S MORE.

Ang Chairman nitong Philippine version ng kompanyang Full Win ay si Michael Yang.

Mahilig syang magpapakilala bilang Presidential Economic Adviser, patunay nyan itong nasa mga screen nyo ngayon--ang kanyang business card.

So si Michael Yang pala, na pinapakinggan diumano ni presidente pagdating sa mga desisyong dapat ay magbabangyon sa ating ekonomiya, ay kasabwat ng isang taong tinutugis ng mga otoridad sa ibang bansa.

Gaano kalalim ba ang ugnayan ni Michael Yang at nitong si Zheng Bingqiang?

Gusto ko lamang ulitin na ang lahat ng impormasyong ito ay available online. Sa katunayan, sa kaka-internet namin ay nahanap namin ang article na ito na mula pa noong 2016.

Naka-detalye sa article na ito ang naganap sa meeting nina Michael Yang, Zheng Bingqiang, at President Duterte.

Babasahin ko lang ang ilang excerpts ng translation:

More than 10 years ago, Yang Hongming (Michael Yang), chairman of the Fu Desheng Group (Full Win), founded the Yangtze River Group in the Philippines, engaged in investment in department stores and real estate. At that time, the headquarters of the Yangtze River Group was located in Davao City, and the mayor of Davao City was the current President Duterte.

Online information shows that Duterte is 31 years older than Yang Hongming. But Zheng Bingqiang introduced that Yang Hongming had a special affinity with Duterte.

The two crossed the age gap and became friends. The two sides treat each other sincerely, and this friendship lasted for more than 10 years.

Yang Hongming serves as President Duterte's Special Advisor on Economic Affairs and Vice Chairman of the Philippine Friendship Foundation. Zheng Bingqiang said that President Duterte was "especially emotional."

Tulad ng sinabi ko kanina, 2016 ang article na ito, an election year. But Zheng Bingqiang had already met Duterte in 2015, just as he was finalizing his presidential run. It was also in 2015 that now President toured the Full Win offices in Xiamen with Michael Yang in 2015.

Considering that Zheng Bingquiang is involved in pharmally as shown in the warrant of arrest we showed earlier, this means that President Duterte has been interacting with Pharmally since 2015.

And of course, there's that video of Duterte meeting Pharmally officials in 2017.

Is there more to this story than what the president is leading us to believe?

Ito ba ang dahilan kung bakit kahapon, hindi napigilan ni Presidente na ipinagtanggol ang businessman na si Michael Yang?

Naniniwala akong singaw pa lamang itong mga naaamoy natin ngayon. Malaking isyu ang overpriced PPEs, pero may nabubuong mas mabahong kwento sa likod ng lahat ng ito.

Inuulit ko: Bakit nakikipag-negosyo ang ating administrasyon sa mga wanted, mga pugante? May warrant of arrest at pinaghahahanap sa ibang bansa, pero pagdating dito sa Pilipinas, nakabingwit ng bilyong-halagang kontrata?

Parang hindi naman yata tama yan.

#####

*Please see attached powerpoint presentation in pdf

News Latest News Feed