Press Release
September 2, 2021

Gatchalian: Expedite vaccination of outbound OFWs

Senator Win Gatchalian called on the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) to expedite the vaccination of outbound Overseas Filipino Workers (OFWs), particularly those scheduled for deployment this year.

"Bakunahan na natin sila habang nandidito sila sa Pilipinas para maaari na silang makabalik agad sa trabaho. Marami sa kanila nagta-trabaho sa barko o sa mga hotels sa abroad. Marami sa mga ganitong negosyo ay bumabalik na paunti-unti. Pero kailangan nating siguruhin na bago makaalis ang mga OFWs sa bansa ay bakunado na silang lahat," Gatchalian said.

"Marami sa kanila ay nagtataguyod ng pamilya kaya dapat suportahan at tulungan natin sila. Magpapasukan na naman at importante na meron silang panggastos para ma-enroll yung kanilang mga anak o mabilhan ng mga gamit," he added.

The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) has noted that the number of Filipino seafarers deployed monthly is gradually returning to its pre-pandemic status.

Compared to the 15,000 deployed in January, some 30,000 seafarers were deployed in May or a difference of 10,000 from the 40,000 being sent abroad monthly prior to the COVID-19 pandemic, the POEA said.

The IATF has re-categorized to Priority Group A1 those outbound OFWs due for deployment in the coming months.

The Vice Chairperson of the Senate Economic Affairs Committee said that aside from the personal economic recovery of the displaced OFWs, the recovery of remittances, which could be aided by the expedited rollout of more COVID-19 vaccines, could also boost the appreciation of the country's currency.

Gatchalian urged the POEA and the Department of Labor and Employment (DOLE) to ensure that the OFWs be given vaccine shots preferred by their respective destination countries so as not to cause any delay in their deployment.

The country is expecting 25 million doses of anti-COVID-19 vaccines to the arrive this September while an additional 29.5 million doses are due to be delivered by October.

# # #

Pabilisin ang pagbabakuna ng mga paalis na OFWs - Gatchalian

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na pabilisin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga paalis na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lalo sa mga nakatakdang lumipad papunta sa ibang bansa ngayong taon.

"Bakunahan na natin sila habang nandito sila sa Pilipinas para maaari na silang makabalik agad sa trabaho. Marami sa kanila nagta-trabaho sa barko o sa mga hotels sa abroad. Marami sa mga ganitong negosyo ay bumabalik na paunti-unti. Pero kailangan nating siguruhin na bago makaalis ang mga OFWs sa bansa ay bakunado na silang lahat," ani Gatchalian.

"Marami sa kanila ay nagtataguyod ng pamilya kaya dapat suportahan at tulungan natin sila. Magpapasukan na naman at importante na meron silang panggastos para ma-enroll yung kanilang mga anak o mabilhan ng mga gamit," dagdag pa niya.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), unti-unti nang bumabalik sa pre-pandemic status ang bilang ng mga Filipino seafarers na umaalis ng bansa kada buwan.

Mula sa 15,000 na umalis noong Enero, nasa 30,000 na ang nakaalis na seafarers nitong Mayo. Batay sa datos ng POEA, nasa 40,000 kada buwan ang umaalis na seafarers bago pumutok ang pandemya.

Sa pinakahuling anunsiyo ng IATF, inilagay na sa Priority Group A1 ang mga OFWs na nakatakdang umalis o bumalik sa kani-kanilang mga trabaho sa ibang bansa sa mga susunod na buwan.

Mahalaga na bakunahan na sila, ayon sa Vice Chairperson ng Senate Economic Affairs Committee, para walang maging sagabal sa kanilang muling pagbiyahe sakaling nakatakda na silang pabalikin sa trabaho o umalis para sa bagong trabaho sa ibang bansa. Bukod pa dito, mapapalakas din ang ekonomiya ng bansa kapag umusbong muli ang OFW remittances at tumaas ang halaga ng piso kontra dolyar, paliwanag ng senador.

Pinanawagan ni Gatchalian sa POEA at sa Department of Labor and Employment (DOLE) na pangasiwaan at siguraduhin na mabigyan ng kaukulang bakuna laban sa COVID-19 ang mga OFWs batay sa brand na ire-require ng bansang pagtatrabahuhan nila.

Inaasahan ang pagdating ng 25 milyong doses ng anti-COVID-19 vaccines ngayong Setyembre at karagdagang 29.5 milyon naman ang nakatakdang dumating sa bansa sa buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

# # #

News Latest News Feed