Press Release
September 8, 2021

HONTIVEROS WANTS DRAFT 2022 BUDGET 'RETURNED TO SENDER';
CALLS FOR FUNDING OF HEALTH WORKERS' BENEFITS, AYUDA

Senator Risa Hontiveros on Wednesday called on Malacanang to amend its 2022 budget submissions to Congress, saying it failed to allocate sufficient funds for 'essential items' that will help the country tide itself over the pandemic.

Hontiveros noted that in the proposed 2022 National Expenditure Program (NEP), the Executive failed to allocate funds for the benefits of health workers, cash aid for new poor families and service contracting, and even placed booster shots under unprogrammed appropriations. The Development Budget Coordination Committee presented the proposed 2022 NEP at the Senate today.

"Masyadong disconnected ang budget na ito sa realidad ng pandemya. COVID-19 is here to stay for the next one or even two years. Malacanang has to send an amendment and an addendum to the 2022 budget to make sure the relief and response are at a high level," Hontiveros stated.

According to the Senator, it is 'unacceptable' that the healthworkers who are at the forefront of the country's battle against COVID-19 were not allocated, even a single centavo, for their welfare.

"Sa kabila ng kali-kaliwang panawagan at panaghoy ng ating healthcare workers na maibigay na ang kanilang SRA, gaano kagarapal na sa budget sa susunod na taon ay ni singkong duling, walang inilaan para sa kanilang SRA, hazard pay, allowance sa meals, accommodations at transportation? Bigyan naman natin ng dignidad ang ating medical frontliners," she said.

The Senator also questioned the lack of allocated funds for the new poor families eligible to be included in the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) under the Department of Social Welfare and Development (DSWD). "Marami ang mga pamilyang natulak sa kahirapan at pasok sa listahan ng DSWD na makatanggap ng conditional cash transfer pero bakit hindi ito nilagyan ng pondo? Hindi ba't kailangang-kailangan ngayon ng mapapagkunan ng mga pinakamahihirap na pamilyang Pinoy?," she asked.

Likewise, Hontiveros flagged the absence of funds allotted for service contracting that could support the operators of public utility vehicles who continue to suffer income losses due to the imposition of physical distancing and limited routes. Hontiveros has since called for adequate support to ease the woes of the commuting public and give PUV drivers a stable source of income.

She also expressed her dismay that the funds for the vaccine booster shots were placed only under the 'unprogrammed appropriations'.

"Kung ikaw ba na nagbabudget para sa pamilya mo, syempre uunahin mo kung ano ang pinaka-kailangan. I am disappointed na ang booster shots, na napakahalaga para mailigtas ang buhay ng mga Pilipino, ay nasa bingit ng alanganin. Mayroon lang kung may kita o madadagdag ng utang ang gobyerno," she said. Hontiveros added that there were no additional funds for the Commission on Elections (COMELEC) to anticipate voting in the new normal. "Wala ring inilaang pondo para sa posibleng extended voting hours at pagdadagdag ng clustered precincts para makaboto ang lahat ng qualified voters sa susunod na taon. Kailangang masiguradong walang voter disenfranchisement na maganap at mapreserba ang integridad ng ating halalan."

Hontiveros pointed out that Malacanang should instead reduce the budgets of some agencies, such as the proposed budget of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict's (NTF-ELCAC), which apparently increased by 57%. Likewise, she said that infrastructure budgets should be lowered, and that the Department of Budget and Management should merely ensure that there are multi-year obligation authorities (MYOA) that will finance connective network infrastructure in 2023 and onwards.

"As far as we all are concerned, we demand a budget that will effectively address the demands of the time. Common sense dapat na ang priority ay ang magliligtas ang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan," Hontiveros said.

"Hindi pwedeng sa gitna ng mga bagong variant ng COVID, ay wala kang budget para sa benepisyo ng health workers, walang ayuda, walang nakalaan para sa booster shot ng bakuna na magbibigay-proteksyon laban sa nakamamatay na virus. Kapag ganito ang proposal, dapat i-return to sender para ayusin," she concluded.

#####

PROPOSED 2022 BUDGET, PINABABALIK NI HONTIVEROS SA MALACANANG;
PONDO PARA SA AYUDA, BENEPISYO NG HEALTH WORKERS, ISINULONG

Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa Malakanyang na amyendahan ang isinumite nitong 2022 budget proposal sa Kongreso, na ayon sa Senadora ay bigong maglaan ng sapat na pondo sa mga 'essential item' na makakatulong sa matagumpay na pagharap ng bansa sa pandemya.

Sinabi ni Hontiveros na sa ipinanukalang 2022 National Expenditure Program (NEP), bigo ang Ehekutibo na maglaan ng pondo para sa mga benepisyo ng mga healthcare workers, ayuda para sa mga bagong mahirap na pamilya, service contracting, at ang paglalagay lang sa vaccine booster shots sa ilalim ng 'unprogrammed appropriations'.

"Masyadong disconnected ang budget na ito sa realidad ng pandemiya. Mananatili pa ang banta ng COVID-19 sa susunod na isa o dalawang taon. Malacanang has to send an amendment and an addendum to the 2022 budget to make sure the relief and response are at a high level," ani Hontiveros.

Ayon sa Senador, hindi katanggap-tanggap na ang mga healthcare workers na nangunguna sa laban ng bansa kontra COVID-19 ay hindi pinaglaanan, kahit isang sentimo, para sa kanilang kapakanan.

"Sa kabila ng kali-kaliwang panawagan at panaghoy ng ating healthcare workers na maibigay na ang kanilang SRA, gaano kagarapal na sa budget sa susunod na taon ay ni singkong duling, walang inilaan para sa kanilang SRA, hazard pay, allowance sa meals, accommodations at transportation? Bigyan naman natin ng dignidad ang ating medical frontliners," ayon kay Hontiveros.

Kinuwestiyon din ng Senador ang kakulangan ng pondo para sa mga bagong mahihirap na pamilya na karapat-dapat na mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). "Marami ang mga pamilyang natulak sa kahirapan at pasok sa listahan ng DSWD na makatanggap ng conditional cash transfer pero bakit hindi ito nilagyan ng pondo? Hindi ba't kailangang-kailangan ngayon ng mapapagkunan ng mga pinakamahihirap na pamilyang Pinoy?," tanong niya.

Pati ang service contracting, aniya, ay hindi man lang pinaglaanan ng pondo, na siyang inaasahang suporta ng mga operator ng private utility vehicles (PUVs) na patuloy na nawawalan ng sapat na kita dahil sa pisikal na distansya at limitadong mga ruta. Noon pa man ay nanawagan na si Hontiveros na bigyang-suporta ang service contracting upang mapagaan ang pagbiyahe ng commuters at bigyan ng hanapbuhay ang PUV drivers.

Ipinahayag din ni Hontivers ang pagkadismaya na ang budget para sa booster shots ng bakuna ay inilagay lamang sa ilalim ng 'unprogrammed appropriations'. "Kung ikaw ba na nagbabudget para sa pamilya mo, syempre uunahin mo kung ano ang pinaka-kailangan. I am disappointed na ang booster shots, na napakahalaga para mailigtas ang buhay ng mga Pilipino, ay nasa bingit ng alanganin. Mayroon lang kung may kita o madadagdag ng utang ang gobyerno," aniya.

Idinagdag ni Hontiveros na wala ring karagdagang budget para sa Commission on Elections (COMELEC) para mapondohan nito ang pagboto sa new normal. "Wala ring inilaang pondo para sa posibleng extended voting hours at pagdadagdag ng clustered precincts para makaboto ang lahat ng qualified voters sa susunod na taon. Kailangang masiguradong walang voter disenfranchisement na maganap at mapreserba ang integridad ng ating halalan."

Ipinunto niya na dapat bawasan ng Malakanyang ang budget ng ilang ahensya, gaya ng National Task Force to end Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na lumobo ang budget ng 57%, at ng mga infrastructure budget na dapat aniya ay babaan at tiyakin na laman na mayroong mga multi-year obligation authorities(MYOA) na gagastusan ang mga connective network infrastructure mula 2023 hanggang sa mga susunod na taon.

"As far as we all are concerned, we demand a budget that will effectively address the demands of the time. Common sense dapat na ang priority ay ang magliligtas ang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan," ayon kay Hontiveros.

"Hindi pwedeng sa gitna ng mga bagong variant ng COVID, ay wala kang budget para sa benepisyo ng health workers, walang ayuda, walang nakalaan para sa booster shot ng bakuna na magbibigay-proteksyon laban sa nakamamatay na virus. Kapag ganito ang proposal, dapat i-return to sender para ayusin," pagtatapos niya.

#####

News Latest News Feed