Press Release
September 10, 2021

Hontiveros raises questions about 'Allan Lim', links to Pharmally and PRRD

*Please see attached powerpoint presentation

Senator Risa Hontiveros on Friday raised questions about a certain Allan Lim and his alleged links to Pharmally Pharmaceutical Corporation and President Duterte.

Hontiveros said Lim was in the video of the 2017 meeting of President Duterte with Pharmally executives.

"Is this the same Lin Weixiong or Allan Lim insinuated by anti-drug operator Eduardo Acierto as involved in the illegal drug trade? We need to verify the identity of this person. Kung totoo man na siya ito, nakakabahala na ganyan ang mga taong nakapaligid sa Pangulo," Hontiveros said.

During the Senate Blue Ribbon Committee hearing, the senator showed a photo of Allan Lim with Rose Nono Lin, who is an incorporator of Pharmally Biological Inc., a sister company of Pharmally Pharmaceutical. Hontiveros's sources alleged that Rose Lin is married to Allan Lim.

Lin is also an incorporator of the Full Win or Fu De Sheng Group in the Philippines, which is chaired by former presidential economic adviser Michael Yang. The chairman of Xiamen-based Full Win, Zheng Bingqiang, is also wanted in Taiwan for manipulating the stocks of Pharmally.

"Susi si Rose Nono Lim para maliwanagan ang kumite sa kaduda-dudang mga koneksyon na ito. Pwedeng-pwede siya maimbita sa hearing kasi hindi siya mahirap hanapin. In fact, kalat na kalat ang tarps niya sa District 5 sa Quezon City, may sariling YouTube channel, at active sa social media. She appears to be contemplating running for Congress in District 5," Hontiveros said, moving to issue a subpoena against Lin in the hearing.

Hontiveros first revealed that the executives of Pharmally, the biggest supplier of medical supplies for our pandemic response, are fugitives from the law in Taiwan.

"It seems these people run in the same circles. Dapat masagot nila ang ugnayan nilang lahat, at kung bakit mukhang ang lakas nila sa Pangulo. Naniniwala akong hindi habambuhay matatago ang anumang alingasaw at baho," Hontiveros concluded.

#####

Hontiveros: Kaugnayan ni "Allan Lim" sa Pharmally at kay Pangulong Duterte, dapat imbestigahan

Inungkat ni Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes ang koneksyon ng Chinese national na si "Allan Lim" sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Hontiveros, si Lim ay nakuhan ng video noong 2017 na kasama sa pagpupulong ni Pangulong Duterte at mga executive ng Pharmally na ngayon ay sangkot sa anomalya.

"Siya din ba yung Allan Lim o Lin Weixiong na ayon kay anti-drug operator Eduardo Acierto ay sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga? Kailangan natin alamin ang lahat ukol sa taong ito. Kung totoo man na siya ito, nakakabahala na ganyan ang mga taong nakapaligid sa Pangulo," ayon kay Hontiveros.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ipinakita ng senadora ang larawan ni Allan Lim kasama si Rose Nono Lin, na isang incorporator ng Pharmally Biological Inc., na sister company ng Pharmally Pharmaceutical. Ayon sa mga source ni Hontiveros, asawa ni Rose Lin si Allan Lim.

Napagalaman din na si Lin ay incorporator ng Full Win o Fu De Sheng Group sa Pilipinas, na pinamumunuan ng former presidential economic adviser Michael Yang. Ang chairman ng Full Win na nakabase sa Xiamen,China - si Zheng Bingqiang - ay wanted sa Taiwan para sa pagmamanipula ng mga stock ng Pharmally.

"Susi si Rose Nono Lim para maliwanagan ang kumite sa kaduda-dudang mga koneksyon na ito. Pwedeng-pwede siyang maimbita sa hearing kasi hindi siya mahirap hanapin. Sa katunayan, kalat na kalat ang tarpaulin niya sa 5th District ng Quezon City, may sarili siyang YouTube channel, at aktibo siya sa social media. Mukhang tatakbo pa nga siya sa Kongreso bilang kinatawan ng 5th District ng Quezon City," ani Hontiveros nang maghain siya ng mosyon sa komite para ipasubpoena si Lin.

Nauna nang isiniwalat ni Hontiveros na ang mga executive ng Pharmally, ang pinakamalaking supplier ng mga medical supplies para sa pandemic response ng bansa, ay mga pugante na hinahanap ng gobyerno ng Taiwan.

"It seems these people run in the same circles. Dapat masagot nila ang ugnayan nilang lahat, at kung bakit mukhang ang lakas nila sa Pangulo. Naniniwala akong hindi habambuhay matatago ang anumang alingasaw at baho," pagtatapos ni Hontiveros.

#####

News Latest News Feed