Press Release
September 10, 2021

Poe to DOTr: Explain billions of unspent Bayanihan funds for drivers

Sen. Grace Poe said the Department of Transportation (DOTr) must explain how it utilized the P9.5 billion Bayanihan 2 funds to alleviate the situation of pandemic-hit transport workers amid reports of huge underspending.

"Dahil sa lockdown, nawalan ng trabaho ang ating mga driver. Maraming healthcare workers ang hindi makapunta sa trabaho dahil walang transportasyon. Tapos nandiyan na 'yung pera, bakit hindi natin binibigyan ng trabaho ang mga driver at swelduhan sila?" Poe said.

"Hindi ba tayo naaawa sa mga driver na namamalimos? Iyong umaasa sa bigay o nakapila sa mga community pantry para may makain ang pamilya nila? May pera naman pala, bakit hindi gamitin para makaahon man lang sila?" she added.

After inquiring from the Department of Budget and Management during Thursday's Senate briefing, Poe learned that the entire P9.5 billion fund from Bayanihan 2 law for various programs of the DOTr has been fully released.

Of the amount, P5.58 billion was allotted to provide temporary livelihood to displaced drivers and operators through service contracting; P2.604 billion intended to assist the critically-impacted business in the transport industry; and P1.316 billion allocated to develop sidewalks and protected bicycle lanes, procurement of bicycles and related safety equipment.

In a news release in August, the Land Transportation Franchising and Regulatory Board, one of the agencies under the DOTr, said that P1.5 billion has been released to beneficiary drivers nationwide and for the procurement of the Systems Manager, responsible in the development and management of all project systems.

Poe said she will also seek an explanation from the DOTr on reports that of the P1.5 billion, only P653 million made it to the hands of the beneficiary drivers.

The senator said the agency should be taken to task for the unspent funds when it presents its proposed 2022 budget.

"Displaced from their source of income because of the lockdowns, our drivers and other transport workers run the risk of becoming victims twice as government agencies appear incapable of using the billions of assistance funds to help them," she said.

"Imbes na gastusin ang pondo para makabalik na sa kalsada ang ating mga driver, pinapatulog lang ang pera at walang serbisyong naibibigay sa panahon ng kagipitan," Poe said.

______________________________________________________________________________________

[FILIPINO TRANSLATION]

Poe sa DOTr: Ipaliwanag ang bilyones na hindi nagastos sa Bayanihan funds para sa mga tsuper

Pinagpapaliwanag ni Sen. Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) kung paano nila ginamit ang P9.5 bilyong pondo ng Bayanihan 2 na para sana sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon na tinamaan ng pandemya kasunod ng mga ulat ng mababang paggastos ng ahensya.

"Dahil sa lockdown, nawalan ng trabaho ang ating mga driver. Maraming healthcare workers ang hindi makapasok sa trabaho dahil walang transportasyon. Tapos nandiyan na 'yung pera, bakit hindi natin binibigyan ng trabaho ang mga driver at swelduhan sila?" saad ni Poe.

"Hindi ba tayo naaawa sa mga driver na namamalimos? Iyong umaasa sa bigay o nakapila sa mga community pantry para may makain ang pamilya nila? May pera naman pala, bakit hindi gamitin para makaahon man lang sila?" dagdag pa niya.

Makaraang kwestiyunin ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, nabatid ni Poe na ang buong P9.5-bilyong pondo mula sa Bayanihan 2 para sa mga programa ng DOTr ay nailabas na.

Sa naturang halaga, nasa P5.58 bilyon ang inilaan para sa pansamantalang kabuhayan ng mga tsuper at operator na nawalan ng kita sa pamamagitan ng 'service contracting'; P2.604 bilyon sa pag-alalay sa mga negosyo sa industriya ng transportasyon na kritikal na naapektuhan; at P1.316 bilyon para naman sa pagsasaayos ng mga bangketa at 'bicycle lanes', pagbili ng mga bisikleta at iba pang 'safety equipment.'

Sa isang pahayag sa media noong Agosto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, isa sa ahensya sa ilalim ng DOTr, binanggit nito na nailabas na ang P1.5 bilyon para sa mga benepisyaryong tsuper sa buong bansa at para sa pagkuha ng Systems Manager, na siyang responsable sa pag-develop at pamamahala ng lahat ng 'project systems'.

Sinabi ni Poe na kukunin niya ang paliwanag ng DOTr makaraang maiulat na sa P1.5 bilyon, tanging P653 milyon lamang ang nakarating sa kamay ng mga benepisyaryong tsuper.

Inihayag ng senador na kailangang matawag ang atensyon ng naturang ahensya sa mga hindi nagastos na pondo sa presentasyon nila ng kanilang panukalang pondo para sa 2022.

"Nawalan na sila ng pagkukunan ng kita dahil sa mga lockdown, ngayon nanganganib ang ating mga tsuper at iba pang manggagawa sa transportasyon na dalawang beses maging biktima dahil sa kawalang kakayahan ng mga ahensya ng pamahalaan na maayos na magamit ang bilyong pondo para matulungan sila," giit pa ni Poe.

"Imbes na gastusin ang pondo para makabalik na sa kalsada ang ating mga driver, pinapatulog lang ang pera at walang serbisyong naibibigay sa panahon ng kagipitan," dagdag pa ni Poe.

News Latest News Feed