Press Release
September 12, 2021

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview on dzRH's Isyung Pambayan (hosted by Milky Rigonan)

Milky Rigonan (Q): Magandang umaga...

Sen. Nancy Binay-Angeles (SNBA): Magandang umaga Milky, at siyempre magandang umaga sa lahat ng mga nanonood at nakikinig ng inyong programa.

Q: Magandang umaga Sen. Nancy at welcome ulit sa Isyung Pambayan. Ang Senado ay nagsimula na sa budget deliberation on the 2022 proposed national budget, maraming puna ang mga senador kabilang ka na diyan. Bakit kulang daw ng probisyon, unang-una, sa programa dapat ng gobyerno sa pandemya, SRA, ayuda kung saka-sakaling magkaroon ulit ng lockdown, anong balita rito Sen. Binay?

SNBA: Katulad nga ng nabanggit mo Milky, nagsimula na kami sa Senado na talakayin yung 2022 budget, at doon sa two days na pagdinig na ginawa namin ay mukhang nakita namin na hindi talaga, kumbaga, Covid-ready ang budget na ito. Maraming kakulangan, number one na yung, isa run sa puntong ni-raise natin yung programa for our health workers. Wala siyang probisyon dun sa budget for next year. Tapos alam naman natin Milky yung laban sa Covid hindi lang naman siya vaccination program e. Bahagi nun yung testing, yung tracing. Isipin mo yung tracing Milky wala tayong nilaang pondo for contact tracing, wala. And then nung tinanong natin kung bakit wala, kasi daw yung DILG hindi raw humingi ng budget para rito. Ang akin naman e di ba dapat yung whole of government tinitingnan at pinag-aaralan kung may kakulangan man yung ahensya sa paghingi, hindi ba dapat, hindi ba humingi yung IATF, hindi ba na-consult yung IATF yung ano yung kakailanganin natin pagdating doon sa laban natin sa Covid. Then yung testing, sa isolation din, meron ba tayong sufficient funds para madagdagan yung mga lugar kung saan pwedeng mag-isolate or magpagaling itong mga kababayan nating nag-positive.

Q: Sen. Nancy, nakakabahala yan, sabi mo nga, yung structure ng 2022 proposed national budget ay hindi o not Covid-ready. Ang sabi kasi rito ng DBM, ayan si Canda, yung OIC, kasi binalangkas daw nila ang 2022 proposed national budget buwan ng Abril wala pang nagsusulputang bagong variants ng Covid, wala pang Delta, so hindi raw naka-incorporate dun sa 2022 budget itong mga nangyayari ngayon on the Covid-19 cases. Pero pagdating sa SRA, bakit hindi nilagyan ng budget, ayuda for the lockdown. Ano ang tugon dito ng Senado sa paliwanag ng DBM?

SNBA: Para sa akin, hindi lang ako sigurado doon sa timing Milky na kasi hindi pa lumalabas yung Delta nung June, pero sa pagka-alam ko medyo may naririnig na tayo na variant of concern. Pero naririnig na natin na meron na yan sa India, at sa bandang South America, may mga nagsusulputang variant. Common knowledge naman na may kakulangan ng bakuna and hanggang hindi nababakunahan, kumbaga kung hindi pa nagkakaroon ng herd immunity ang buong mundo yung possibility na magkaroon ng bagong variant ay mataas. So kung ganun ang magiging assumption natin for next year, di ba dapat paghandaan na natin, kasi nga kahit nga tayo aminado yung mga finance managers natin na hindi naa-achieve yung target for the vaccination program, kasi nga yung mga supplier hindi nila kayang ibigay yung demand. Kung matatandaan mo Milky last year nung tinatalakay din namin yung budget, tinanong din namin, "May ayuda ba?" tapos sabi nila, hindi nila, sa pagkakatanda ko, hindi na kailangan kasi nga padating na yung bakuna. E di ba, nagkamali na naman ng assumption so dapat for next year, paghandaan na natin yung worst case scenario kasi nga yung nakikita kong experience sa ibang bansa, may iba nga magfo-fourth wave na. So ibig sabihin nun, ang probability na mangyari satin at may problema pa rin tayo sa Covid e kumbaga, andiyan pa rin. Sabi ko nga, I think, Malaysia nga nagsi-shift na sila ng policy, from pandemic to endemic, na parang pinaghahandaan na nila, kumbaga, ito na yun. Parang kailangan matuto na tayo ngayon...

Q: ...we have to live with it..

SNBA: Yes, and how do we equip our people para doon sa nandito na yung Covid. Kaya nga doon sa budget, tinanong ko rin, na-incorporate na ba ninyo doon sa budget yung retrofitting, kunwari, government offices? Yung school building natin, baka kailangan ayusin na kung saan mas maganda yung ventilation or baka dahil liliit na yung class size baka kailangan magdagdag ng facilities. Yung mga ganung bagay, di ba, na sana na-incorporate na doon sa budget kasi sabi nga nila, this will not go away anytime soon. So ibig sabihin, paghandaan na natin, kumbaga, mahaba-haba pa itong laban natin. And how do we equip our people dito sa laban na ito?

Q: Parang short-sighted tuloy yung paghahanda sa 2022 proposed national budget, parang hindi sila taga Pilipinas Senator?

SNBA: Hindi multi-dimensional yung pag-atake dun sa laban di ba? Kasi para sa kanila nakatuon lang sila sa vaccination will solve our problem. Apparently, it will not. Kasi nakikita natin ngayon, marami tayong mga kababayan na fully vaccinated...

Q: ...pero nahahawa pa rin.

SNBA: ...nahahawa, nagkakasakit. Ang advantage lang ay mild or asymptomatic. Pero for me ha, kunwari, may isang health worker ka na nagpositive na mild, pero yung mga kasamahan niya na kailangan mag-isolate bigla, i-multiply mo yun ng ten. So ibig sabihin nun, meron tayong x number of health worker na kailangan, na hindi makakapagtrabaho kasi nga na-expose sila sa isang mild case. So meron pa ring kumbaga, epekto, kasi nga ulit-ulit na sinasabi na yung pagbabakuna, hindi yan 100% guarantee na hindi ka magkakaroon. It will just prevent you from severe and from death, pwede ka pa rin magkaroon. So ibig sabihin nun, andun pa rin yung probability na nagkakalat ka ng Covid.

Q: Ang sabi nga, ang puna rin ng ilang senador, kabilang ka na naman, Senator Nancy, wala tayong budget para doon sa mga problema for the pandemic doon sa 2022 [national budget], pero meron nang sigurado [yung] NTF-ELCAC budget, at binawasan yung budget ng RITM.

SNBA: Yes, kaya nga tayo naghihimagsik...

Q: Ano ba ang nangyayari?

SNBA: Kaya nga tayo naghihimagsik kasi nga kulang na kulang yung...

Q: Pakiulit yung termino Sen. Binay, naghihimagsik ang mga senador...(laughs)

SNBA: Kasi di ba kulang na kulang yung surveillance natin. Balikan ko tong testing natin, ang nangyayari lang sa testing ay kapag may nararamdaman ka dun lang more or less itetsest and swerte pa kung maka-avail ka ng libreng testing. Pero yung magrarandom sampling tayo para macapture yung mga asymptomatic at mild parang walang ganoong programa. Kasi para sa akin, the best way to prevent the spread ay dapat matest at ma-isolate agad kung sino yung may COVID. And then isa pang nagiging problema, marami tayong mga kababayan na ayaw magpatest kahit may ubo na sila or masama na pakiramdam nila. Kasi yung fear na long quarantine. Ang haba and pag ubos na sick leave mo, wala ka ng makukuhang sweldo dahil magiging no work no pay ka na. So dapat maging creative din yung nasa executive to encourage itong mga workforce natin na may assurance sila na magpatest kayo magpaisolate kayo kasi we guarantee na hindi magugutom kayo, hindi magugutom pamilya niyo, aalagaan namin kayo habang nakaquarantine. E walang ganon.

Q: Tatanggapin niyo ba yung paliwanag ng DBM na inaalala namin yung nangyayari sa pandemya kasi nasa unprogrammed e pero ang sabi nga ni senate minority leader Franklin Drilon, unprogrammed, wala pa tayong budget, hahanapan pa. Tatanggapin niyo ba ang paliwanag ng DBM?

SNBA: Yun din yung nakakabahala kasi kung walang idedeclare na income or savings, di mapopondohan yung unprogrammed fund. E ang sa akin din marami sa health workers natin ang nakakuha ng sinovac at ang sabi nila ang technology ng sinovac talagang given yan na magfafade yung panlaban ng bakuna against COVID. So kailangan paghandaan pa natin lalo na sa mga healthworkers natin na baka kailangan bigyan pa sila ng booster. yun nga lang nasa unprogrammed fund sya.

Q: So yun ang masaklap Sen Nancy ano?

SNBA: Oo, sana inunprogrammed na lang yung sa NTF ELCAC.

Q: Oo nga yung NTF ELCAC may available budget for 2022 na ano ba yun P28 billion?

SNBA: Parang close to P30 billion pala sya kasi yung pondo na diretsong ibibigay sa mga barangay yun yung P28B or P27B tapos may nakaitemize na for DILG and iba pang government agencies.

Q: Hihingi ba tayo ng erratum o dapat ngayon pa lang i-correct na ng Malacanang?

SNBA: I think at this point yung power of the purse ng Kongreso dapat gamitin para maayos ang kakulangan ng budget for COVID, kumbaga yung period of ammendment dapat doon ipasok at madagdagan ang pondo para sa COVID.

Q: Most probably patungo na tayo sa GCQ pero ikaw na rin ang nagsabi na wala tayong preparasyon sa testing, contact tracing, isolation, ano tingin mo dito senator nancy?

SNBA: Doon din sa budget hearing, tinanong ko sa mga finance manager, meron na bang masusing pag-aaral kasi di ba we need to learn to live with the virus. Di naman pwede na forever nakakulong. Meron na ba tayong ginawang pag-aaral kung ano na ba ang magiging way of life natin kasi kailangan natin ituro iyon sa mga kababayan natin. For example kapag sinabi na alert level 1 ito dapat ang behavior natin pag alert level 1 and ano ang magiging bahagi ng alert. Cite ko lang sa Vietnam sa Hanoi nakalockdown sila di ba dinivide nila yung city into zones. Kapag andun ka sa red zone may certain protocols silang pag asa red zone ka every 3 days may family member ka na itetest namin and then walang labasan. Mga pagkain niyo full meals kayo bibigyan ng pagkain kasi nga walang galawan walang labasan. E yung sa atin nag ECQ tayo pero hindi mo naman naramdaman na nagkaroon ng mass testing, massive free testing.

Q: Ang style kasi ng gobyerno lockdown tayo walang lalabas two weeks pero walang testing

SNBA: Walang testing tapos yung tracing nga hanggang kapamilya mo na lang pero hindi na natratrace kung nagcommute ka, kung sino nakasabay mo sa bus, kung sino nakasalamuha mo. Di na tayo umaabot doon.

Q: Ano tugon dito? Kunwari pag pinatupad natin yung granular lockdown ano tugon nila?

SNBA: Parang di pa nga napagaaralan. Cinite ko din na example na sa new normal may displacement na magaganap. Tinanong ko sila nakikita niyo ba by next year yung mga restaurant natin 100 percent full capacity. Ang sagot nila hindi. So kung hindi na talaga mag fufull capacity ang restaurants sa dine in, ang ibig sabihin noon may mga empleyado na mawawalan ng trabaho. For example yung mga waiters bakit ka maghihire ng marami kung 50% lang nung capacity ang pwede for dine in. So ano ang fall back ng madidisplace? Parang wala... Ang tracing hanggang kapamilya mo na lang. Pero 'di ba hindi na nate-trace kung nag-commute ka, kung sino kasabay sa MRT, kung sino nakasabay mo sa bus

Q: Kung sino ang nakasalamuha mo

SNBA: Yes, hindi na tayo umaabot doon, eh.

Q: Anong tugon dito sa panukala mo ng iyong dapat magkaroon tayo ng iba't ibang level, certain protocol na ipatutupad, halimbawa ipatutupad ang granular lockdown may mga level dapat. Anong tugon nila?

SNBA: Anong tugon nila? Parang hindi pa nga nagkaroon ng paga-aral. Parang hindi pa masusing paga-aral. And na-cite ko rin nga na example, we have to admit doon sa new normal, may displacement na magaganap. Kaya nga tinanong ko sila nakikita n'yo ba next year iyong mga restaurant natin 100 percent pwedeng full capacity? And then ang sagot nila, hindi. So kung hindi na talaga ang mga restaurants pwedeng mag-full capacity for dine-in, so ibig sabihin noon mayroong mga empleyado na mawawalan talaga ng trabaho. For example mga waiters, bakit ka magha-hire ng madami kung 50 percent capacity lang ang pwede for dine-in 'di ba? So anong fall-back nitong madi-displace? So parang wala.

Q: Parang wala, ano? Kung sana papakinggan ng mga kababayan natin, ang ganda ng budget deliberation. Talagang hinihimay ng mga senador ang budget na dapat mapunta sa mga programa natin sa pandemya. Kasi nga sabi nga ni Senator Binay, NTF-ELCAC may siguradong budget for next year, P28-P30 billion. Ang RITM na pangunahing nagsusuri ng mga sakit...

SNBA: Nabawasan.

Q: Nabawasan pa. Ano ba naman 'yan, Senator Binay.

SNBA: Nabawasan pa. And talagang nakakagulat kasi noong tinanong ko nga, so magkano ang budget for contact tracing? Ang una kong napansin parang ang tahimik bigla.

Q: Biglang walang masabi ang DBM tungkol sa contact tracing, testing, at additional vaccines.

SNBA: And kailangan matandaan natin ang importance ng free testing ha. Kasi alam mo ang sakit sa bulsa ng magpa-test.

Q: Sen. Binay, 'di ba ang sabi ni Senate President Tito Sotto dapat ilibre na ang Covid-19 test kasi ang iba, ayaw nilang magpa-test. Una natatakot sila na 'pag nag-positive, ika-quarantine sila, walang sweldo, walang pera, walang pang-hanapbuhay. No. 2, sa halip na bumili ka o magbayad ka ng testing, 2,500?

SNBA: P2,800. Ang alam ko ang Red Cross na pinakamura ngayon P2,800 yata ang swab. Pero mas mura ang saliva.

Q: Oo, eh 'di ipangbibili na lang nila ng pagkain. Hindi ba, Sen. Binay? Iyon ang problema ng mga kababayan natin.

SNBA: 'Di ba wala ka na ngang trabaho or ano ka lang, hindi regular ang sweldo mo. Saan ka naman kukuha ng P2,800 pampa-swab? And cite ko lang, for example sa Singapore na-trace kasi nila, parang may isang case na-trace nila na mukhang nagkaroon ng spread doon sa isang mall. So alam mo nag-announce sila na okay ganitong araw kung nandito kayo sa mall pumunta lang kayo sa ganitong lugar, pwede kayong magpa-swab nang libre.

Q: Ay nako wish ko lang. Sana all. Sen. Binay, si Cely Ortega Bueno nakikinig sa DWIZ, nako marami po sa mga probinsya, Sen. Nancy, may symptoms na hindi pa ma-swab test kasi nga mahal daw.

SNBA: I'm sure. Lalong-lalo na sa probinsya hindi ganoon ka-accessible iyong mga laboratory, 'di ba? Hindi ganoon kadami ang pwedeng puntahan. Sabi ko nga sana maging katulad ng Navotas, kasi parang sa Navotas tuloy-tuloy or even I think Manila 'di ba parang may drive-thru pa sila na pwede kang mag-walk-in. Pero kailangan bigyan natin ang mga nasa probinsya ng ganoong capacity din eh, dahil kumakalat na sa kanila eh.

Q: Hindi lang tayo dapat nakatutok sa NCR Plus bubble. But anyway Sen. Binay, kumusta naman si Dra. Elenita Binay na recently nag-positibo sa Covid?

SNBA: Okay naman, Milky, tapos na siya, tapos na ang 14 days niya so cleared na siya from Covid.

Q: Sa pulitika, ano na ba ang balak ni former VP Jejomar Binay? Tatakbo ba bilang senador? Magkasama na kayo kung saka-sakali?

SNBA: I think at the moment, kumbaga doon sa pinagmu-muni-muni niya kung well no. 1 kung tatakbo siya, and no. 2 kung anong position, I think no. 1 siguro doon sa listahan niya ang pagtakbo bilang senador.

Q: Ah, okay. So sigurado na 'yan? Under Lacson-Sotto tandem?

SNBA: Hindi, hindi pa nga sigurado sa akin. Parang at this point hanggang hindi nagfa-file walang sigurado eh. Minsan nga tapos na ang filing pagdating doon sa last day ng switching may nagbabago pa. 'Di ba? So I guess hintayin na lang natin. Natuto na rin siguro, kasi 'di ba noong tumakbo siya for president masyado siyang maaga, sabi nila masyado siyang maaga nag-deklara. So siguro ngayon hintayin na lang muna natin kung ano ang magiging desisyon niya.

Q: Pero kung ikaw ba gusto mo pa siyang pumasok ulit sa pulitika?

SNBA: Ako, para sa akin I will just support kung anong magiging desisyon niya eh, kasi hindi ko rin naman maaalis sa kanya iyong desire niya to serve. Kumbaga nasa genetic make-up na niya yata iyong kailangang laging nagsisilbi sa ating mga kababayan. Parang alam mo 'yon mas magkakasakit yata siya kapag hindi siya tumutulong, kapag hindi siya nagtatrabaho at tumutulong sa ating kababayan dahil ayun, eh, since college pa lang siya ganoon na iyong kumbaga orientation niya, 'di ba, iyong tumulong.

Q: Anyway balitaan mo kami kung anong magiging desisyon ni former VP Jejomar Binay. On that note, Sen. Nancy, maraming salamat. Ang ganda daw ng mga paliwanag mo sabi ni Dra. Issa Cojuangco-Suntay.

SNBA: Thank you, thank you. And siguro, Milky, ang panawagan ko na lang siguro magkaroon ng isang, ewan ko ba, pagpupulong na kung saan pagsama-samahin na natin lahat. Kasi 'di ba itong nangyaring close-open, from ECQ...

Q: Laban-bawi.

SNBA: Laban-bawi, kasi apparently hindi nila kinausap si mayor, hindi nila kinausap itong mga grupo ng health workers, 'di ba? Bago tayo maglabas ng isang policy, kausapin muna natin sabay-sabay lahat. Para tama ang paglabas. Hindi iyong maga-announce kayo tapos magsusulputan ang reklamo, babawiin ninyo. Nakakalito, litong-lito na nga ang mga kababayan natin, lalo pang nililito.

Q: Kung kailan in-implement iyong bagong quarantine lockdown, doon pa lang magbabago. Parang laro ng basketball na in the middle of the game binabawi, binabago.

SNBA: Yes, and sana isa na lang ang pwedeng authorized na mag-announce para hindi nakakalito kung sino ba talaga ang pakikinggan.

Q: Anyway, Sen. Binay, maraming salamat. Magandang umaga at salamat sa panayam.

SNBA: Ingat, ingat.

News Latest News Feed