Press Release
September 12, 2021

Transcript of DZBB's Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: On the President's statement

SFMD: Unang-una, nakakalungkot na sa halip na ang pinag-uusapan natin kung paano mapapanagot ang nangyaring premeditated plunder o plinanong pandarambong sa kaban ng bayan, pinupukol kaming mga senador ng iba't ibang intriga at allegations - na walang katotohanan.

Ito ay nakakalungkot. Ito ay mga mahigit limang taon ng alegasyon. Yung kay Napoles, wala namang naisapampang kaso laban sakin, walang katotohanan. Si Jed Mabilog, kamag-anak ko pero may lumabas bang ebidensya na nag-uusap kami sa droga. Si Gen. Garbo, iyan ay dating regional director ng Region 6 siguro mahigit isang dekada. Anong relasyon ko ron?

Yung airport? Who brokered the sale? Iyan po ay binili sa pamamagitan ng public bidding na pinamumunuan ni dating SOJ Gonzales kasama ang DOF, NEDA, DBM, DTI. Ito ay noong 2007, wala na ako sa senado. Ito ay public bidding at P1.2 billion ang award sang-ayon sa approved agency estimate. Ang nag-asikaso rito ang Privatization Council noong 2007. May tinatanong pa, anong relasyon ko sa mga mall? Hindi ko maintindihan. Ang mga mall sa amin, SM, Megaworld, yung mga mall ni Sen. Villar. Wala akong pakialam doon. Wala akong investment doon ni piso.

Nakakalungkot na ipinupukol sa amin at tinatanong ang mga tanong na...

Q: Bakit ginagawa ng Presidente?

SFMD: Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil mainit na ang ulo. Siguro gusto niya ring gumanti sa amin. Hindi naman iyon dapat. Ang ating hinahanap at katotohanan, walang personal dito.

Q: Despite po sa mga banat sa inyo, kay Sen. Gordon, kay Sen. Lacson, wala po kayong balak na itigil ang imbestigasyon?

SFMD: Wala po akong kapangyarihang itigill. Ito ay utos ng senado. Ang makakapigil lang dito ay senado mismo.

Q: As of now, wala pong pinag-uusapan na ganyan?

SFMD: Opo.

Q: Noong huli naming kayong nakausap dito Ninyo sinabi yung plinanong pandarambong ng pandemic funds, nasaan na kayo? Nakita na po ba kung sino ang sangkot?

SFMD: Una, maliwanag na ang Pharmally ay walang sapat na kapital para gampanan ang pagbili ng milyong face masks. Hindi maiwasan na walang kakayahan ang Pharmally na mag-supply ng unang-una, yung makapag-supply siya ng unang order na P289M worth of face masks. Ang pera nila ay P625,000 lang.

Q: Umpisa pa lang doon na yung mali?

SFMD: Iyon na ang paglabag sa batas dahil sa batas kailangan mayroong kag financial capacity para gampanan ang obligasyon sa kontrata na ipinasok ninyo. Paano natin sasabihin na may kakayahan ang Pharmally na i-supply iyong P289M face masks kung ang pera lang nila ay P625,000 lamang?

Q: Ang punto raw dito ay nakapag-deliver sila? Paano po iyon?

SFMD: Iyan ay hindi rason sa ating batas dahil mayroon tayong basic rule. Ito ay proteksyon ng pamahalaan at taumbayan. Hindi pwedeng balewalain at sabihin nakapag-deliver din. Kasi kung ganyan ang sistema, yung nagtitinda ng sigarilyo diyan sa kanto ay pwede na ring maging supplier at makipag-transact ng milyun-milyon at bahala na kung ma-deliver o hindi. Kaya nakalagay sa ating batas, maliwanag, na ang isang nakikipag-supply sa gobyerno ay may kakayahan na gampanan ang kaniyang tungkulin na mag-supply. Paano mo hahabulin kung hindi nakapag-supply kung ang pera ay P625,000 lang?

Q: Saka may urgency noon, kung hindi naka-deliver, anong ibibigay natin?

SFMD: Kaya nga. Ang masama pa rito, pagkatapos ng unang kontrata na P289 million, pinaikot ang pera at namakyaw pa ng kontrata sa PS-DBM na umaabot sa P10 billion hanggang ngayong Hunyo 2021. Wala rin silang permit sa FDA, nitong Enero lang nailabas ang permit nila.

Q: Gusto ko yung sinabi ninyo na naibayaad kaagad sa Pharmally yung P289 M.

SFMD: Tama po iyan. Ito ay nakakagulat na ang bilis silang nabayaran. Ang maliwanag at lumabas sa investigation naming ay pinahiram ni Michael Yang ang Pharmally. Inaamin ni Linconn Ong at Huang na wala silang kakayahan kaya pinahiram sila ni Yang.

Q: Ano yung significance noon? Ano yung mali kung inamin nil ana pinautang?

SFMD: Iyon ay nagpapatunay na walang financial capacity ang Pharmally. It goes into the financial capacity of Pharmally to discharge their obligations under their contract.

Q: Ang sabi ni Presidente, negosyante iyan, ano ang mali doon?

SFMD: Siya mismo nagpahiram siya, ngunit iyan ba ay kasama sa pinag-usapan na ang Pharmally ang mag-bid at pagkatapos si Yang ang mag-finance? Hindi ko po alam. Ang tanong ninyo ano ang pananagutan? Wala siyang pananagutan sa pagpapahiram unless kasama siya sa isang conspiracy in order to qualify Pharmally to bid kahit wala siyang financial capacity.

Q: Ang tanong pa ay kung dahil ba kay Yang kaya na-award ang kontrata sa Pharmally?

SFMD: Ang tanong ay dahil kay Yang kaya nagkaroon ng pambayad ang Pharmally doon sa supplier. Inaamini ni Lao na hindi niya tiningnan ang lahat ng ito. Tinanong ko mismo siya. Ang sabi niya baka nga po negligent ako.

Q: May binanggit kayo na na parang laway lang ang puhunan ng Pharmally at plinano yung plunder. Kapag may nagplano, may nagsabwatan? Sino yung nagsabwatan?

SFMD: Iyan pa ang hinahanap natin. Sa ngayon, ang nakikita natin ay in-award ang kontrata. Una, P289 million. Walang pera ang Pharmally ng ganoong halaga. Paano sila nakapasok sa usapang ito kung wala silang pera at maliwanag naman na dapat may financial capacity ang supplier. Itong kumpanya na ito anim na buwan pa lang nabubuo at P625,000 ang capital, paano nabigyan ng kontrata na initially ay mahigit P289M?

Ito po, ang bili ng PS-DBM doon sa Pharmally ay anywhere from P22 to P27.72, mula April 16 to 20. In four days iyan. Ngayon, one week after that, bumili sila ng face masks at P13.50 lang. Hindi ba malayo masyado ang agwat from one week before? Before that, April 8, bumili sila ng face masks bago yung transaction sa Pharmally bumili sila ng face masks sa halagang P16.00.

Q: Si Chairman Aguinaldo, sinabi niya na wala pang overpricing kasi ang nakita nilang SRP ng facemasks ay P28.00.

SFMD: Anong ibig sabihin ng SRP? Suggested retail price. Ibig sabihin ito ay presyo ng tingi-tingin kaya mas mahal. Ito ay bulk order. Sa isang bilihan, 10 million. Bakit naman ganoon kataas? Hindi lang iyan, nakabili sila sa EMS ng P13.50. Kung kayang magbenta ng EMS ng P13.50, paano naman nakabili ng P22.00 at P27.7? Huwag nating kalimutan na under Bayanihan, "procuring entities must negotiate the most advantageous price to the government based on xxx preliminary market scanning done by the agency showing prevailing market prices and practice." Bigyang diin ko lang yung ginagamit ng batas na most advantageous price to the government. Ang kailangan ang standard, most advantageous.

Q: Bukas po magkakaroon ulit ng investigation ang Blue Ribbon, ano pa po ba ang gusto ninyong tumbukin?

SFMD: Titingnan natin kung mayroon ng sapat na ebidensya para magsampa ng kaso.

Q: Yung Pharmally dapat po ba siyang imbestigahan kung dummy siya ni Yang?

SFMD: Wala akong nakikitang dummy. Ang nakikita ko siya ay funder.

Q: Sa pagtatanggol niya sa Pharmally, pwede bang may open invitation sa Pangulo kasi si dating Pangulo Aquino humarap siya sa senado?

SFMD: Sa ngayon, wala naman akong nakikitang dahilan na magbigay ng invitation sa Pangulo. Wala pa akong nakikitang sapat na dahilan.

Q: Kung ang agreement daw, Pharmally ang nag-bid at si Yang ang nag-finance. Ano ang criminal offense? Meron po bang conspiracy?

SFMD: Iyan ay nagpapatunay na walang kakayahan ang Pharmally na mag-supply ng P289M worth of face masks.

Q: Sa ikaanim na pagdinig bukas, hindi pa ito huli?

SFMD: Hindi ko pa alam nasa chairman iyan.

Q: Ano yung nakikita na ninyong rekomendasyon ng komite?

SFMD: Ayaw ko pong pangunahan ang komite.

Q: On NTF-ELCAC

SFMD: Pagdating ng budget ng NTF-ELCAC, tayo ay magtatanong kung paano nila nagamit yung P16B at bakit lumaki ng P28B. Iyan ay busisiin natin pagdating ng budget sa senado.

Q: Ipu-push po ninyo na bawasan o alisan budget ang NTF-ELCAC?

SFMD: Sa aking tingin dapat bigyan ng priority ang ating medical workers. Ang nakikita natin nating source ay yung NTF-ELCAC na hindi naman kailangan agad dahilan ang priority natin ay yung pandemya, SRA ng medical workers at ayuda.

Q: Yung NTF-ELCAC nasa programmed appropriation, yung P45B sa bakuna nas unprogrammed fund.

SFMD: Tama po iyan, sigurado ang budget ng NTF-ELCAC pero yung pambili ng bakuna ay maghihintay pa kung may pera na papasok, kung may sobrang buwis o loan.

News Latest News Feed