Press Release
September 18, 2021

Gatchalian bats for increased ALS enrollment

Senator Win Gatchalian bats for increased enrollment in the Alternative Learning System (ALS), where registration is currently at 33.27% of last year's.

As of September 15, there are 199,422 enrolled in ALS for SY 2021-2022. Last school year, there were 599,365 enrolled in ALS. For public and private basic education institutions as well as state and local universities and colleges (SUCs and LUCs), enrollment already breached the 26.3 million mark, 100.3% higher than the 26.2 million recorded in the previous school year.

If enrollment at the formal school system this school year has exceeded last year's, Gatchalian said that enrollment in ALS should at the very least match the 2020 figures. He said the DepEd should proactively look for these ALS learners so they can continue with their education.

The ALS is a parallel learning system that provides a viable alternative to the existing formal instruction which includes non-formal sources of knowledge and skills.

Under Republic Act No. 11510 (ALS Act), the ALS was institutionalized to provide increased opportunities for out-of-school children in special cases and adult learners, including indigenous peoples, to develop basic and functional literacy and life skills. Out-of-school children in special cases include learners with disabilities or conditions, indigenous peoples, children in conflict with the law, learners in emergency situations, and other marginalized sectors.

"Layunin ng ALS na makapagbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral o kaya naman ay nahihirapang ipagpatuloy ang kanilang pormal na edukasyon. Dapat ipagpatuloy natin ang paghahanap sa mga kababayan nating maaaring makapag-aral sa ilalim ng ALS. Ihatid natin sa kanila ang edukasyon at tulungan natin silang magkaroon ng mas magandang kinabukasan," said Gatchalian, principal author and sponsor of the ALS Act.

The ALS Act also mandates that every city and municipality should have their own ALS Community Learning Centers (CLCs).

A 2018 policy note from the World Bank said that about 24 million Filipinos over the age of 15 did not complete basic education. The report added 2.4 million children between the ages of 5 and 14 are not attending school and have fallen more than three years behind their standard grade level.

# # #

_____________________________________________________________________________________

Mas mataas na bilang ng mga mag-aaral sa ALS isinusulong ni Gatchalian

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng mas marami pang mga mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS), kung saan ang bilang ng mga rehistrado ngayong school year ay katumbas lamang ng mahigit tatlumpu't tatlong porsyento (33.27%) ng mga nagpatala noong nakaraang taon.

Noong Setyembre 15 ay halos dalawang daang libo (199,422) pa lamang ang rehistrado sa ALS para sa School Year 2021-2022. Noong nakaraang school year, pumalo sa halos anim na raang libo (599,365) ang mga mag-aaral ng ALS. Samantala, para naman sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan, pati na rin ang mga state at local universities and colleges (SUCs at LUCs) ay umabot na sa mahigit dalawampu't anim (26.3) na milyong mag-aaral ang nagpa-enroll, higit pa sa naitala noong nagdaang school year (26.2 milyon).

Kung kinaya ang mas mataas na bilang ng mga mag-aaral sa pormal na sistema ng edukasyon ngayong school year, nanindigan si Gatchalian na kailangang mapantayan man lang ang bilang ng mga mag-aaral sa ALS noong nagdaang taon. Ayon sa mambabatas, dapat hanapin ng DepEd ang mga mag-aaral na ito upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Ang ALS ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa mga hindi nakapagtapos o kaya naman ay nahihirapang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Pinalawig ang ALS sa ilalim ng Republic Act No. 11510 (ALS Act). Ito ay upang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga out-of-school children in special cases at mga nakatatandang mag-aaral, kabilang ang mga indigenous peoples. Layunin ng ALS na hasain ang mga mag-aaral pagdating sa basic at functional literacy at life skills. Kabilang sa mga out-of-school children in special cases ang mga mag-aaral na may kapansanan, mga indigenous peoples, children in conflict with the law, mga learners in emergency situations o mga sakuna, at iba pang mga marginalized sectors.

"Dapat ipagpatuloy natin ang paghahanap sa mga kababayan nating maaaring makapag-aral sa ilalim ng ALS. Ihatid natin sa kanila ang edukasyon at tulungan natin silang magkaroon ng mas magandang kinabukasan," ani Gatchalian, pangunahing may-akda at sponsor ng ALS Act.

Mandato rin ng naturang batas ang pagkakaroon ng ALS Community Learning Centers sa bawat lungsod at munisipalidad.

Sa isang ulat ng World Bank noong 2018, tinatayang dalawampu't apat na milyong mga Pilipinong may edad na labing lima pataas ang hindi nakatapos ng basic education. Dagdag pa ng ulat, may mahigit dalawang milyong mga mag-aaral na may edad lima hanggang labing-apat ang hindi pumapasok sa paaralan. Dahil dito ay napag-iwanan na sila ng mahigit tatlong taon mula sa antas na dapat ay kinabibilangan nila.

# # #

News Latest News Feed