Press Release
September 19, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE PASSING OF FORMER DSWD SEC. DINKY SOLIMAN

Dinky led a life full of love, sacrifice, courage, and of course, commitment to service. She is a remarkable hero and a comrade to me. I am truly sorry to hear about her passing.

Napakahabang panahon ang ginugol nya sa paglilingkod, dahil nakita niya ang natatanging kakayahan ng ating mga kababayan na malampasan ang kahirapan basta mabibigyan sila ng kasangkapan at pagkakataon.

Ang pinakamayabong na pamana ni Dinky ay ang kakayahan ng bawat Pilipino na patuloy na mangarap para sa isang panatag at masaganang buhay, sa kabila ng lahat. The Pantawid Pamilyang Pilipino Program, which paved the way for more opportunities for the poor and powerless, is her greatest gift to this nation.

With 4Ps, Dinky embodied the best of social work. Her legacy will always be impactful and can never be distorted by fake news.

Wala ring katumbas ang kanyang tapang sa pagtutol sa kurapsyon at mga paglabag sa karapatang pantao. Her stature as a civil society leader will be missed and will forever inspire future public servants.

Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay kina Hec, Dino, Marikit, at sa lahat ng mga nagmamahal kay Dinky. We share your grief and we are all thinking about you in this difficult time.

News Latest News Feed