Press Release
September 26, 2021

Gatchalian: Vintage vehicle restoration to spur economic activity in PH

Given the ingenuity and craftsmanship of the Filipino workforce, Senator Win Gatchalian is pushing for the promotion, importation and restoration of vintage cars and motorcycles in the country.

Gatchalian, in filing Senate Bill No. 2396 or the proposed "Vintage Vehicle Regulation Act," expressed belief that vintage car restoration can spur economic activity in the micro, small and medium enterprises and serve a niche market here and abroad.

"As the world is beset by the pandemic and threatened by recession, it is the right time for us to explore the economic opportunity of growing this industry, to create jobs for our skilled Filipino mechanics, tinsmiths, craftsmen, painters, laborers, shop owners, and to support small and medium-sized businesses, while at the same time preserving the country's heritage in its motoring history," Gatchalian said.

"Ito'y isang very specialized industry na hindi alam ng marami, pero ang bansa natin kilala sa magaling na craftsmen o magaling sa paggawa ng sasakyan, ng mga vintage cars. Metikuloso tayo at marunong tayo sa mga ganitong crafting. Maliit na industriya ito pero kahit papano with the proposed law, matutulungan nating maitaguyod ang vintage car restoration," he added.

The senator said that some notable local car enthusiasts who are into car restoration have found it to be a lucrative business. It also earned them numerous recognitions and awards in major auto competitions.

The capability of small and medium enterprises and the quality of human resource in the automotive restoration business in the country can make the local industry competitive even in the international markets, the senator emphasized.

The measure will cover all aspects of the regulation of the importation and exportation, registration and use of vintage cars, pick-up trucks, vans, sports utility vehicles, Asian utility vehicles, and motorcycles that are at least 30 years old from the date of manufacture.

Gatchalian said the bill will also establish and strengthen the regulatory policies that encourage the vintage vehicles' preservation, maintenance, occasional use and registration.

"Maraming vintage car na dito nire-restore at binebenta sa Australia ng times 10 ang presyo. Dito mura mag-restore, magagaling pa yung mga nag-re-restore. It's a small industry that we can help promote because there's a potential to make it economically viable," he concluded.

# # #

___________________________________________________________________

Restoration ng antigong sasakyan makakatulong sa economic recovery ng bansa - Gatchalian

Dahil sa angking galing at abilidad ng mga Pilipinong manggagawa, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapaunlad, importasyon at pagnenegosyong may kinalaman sa restoration ng mga antigong sasakyan sa bansa.

Sa kanyang paglatag ng Senate Bill No. 2396 o ang panukalang "Vintage Vehicle Regulation Act," malaki ang tiwala ni Gatchalian sa potensyal na makapagbunsod ito sa pagbubukas ng bagong negosyo sa mga maliliit na negosyante at magkaroon ng mga parokyano hindi lang dito ngunit maging sa mga dayuhang mahilig magmay-ari ng mga antigong sasakyan.

"Habang patuloy na nakikipaglaban ang buong mundo sa pandemya at pilit nating pinagtatagumpayan ang unti-unting paglago ng ekonomiya, magandang pagkakataon ito na itaguyod ang ganitong klase ng industriya upang makapagbigay ng trabaho sa mga bihasa nating mga mekaniko, trabahador, shop owners, at iba pang manggagawa sa negosyong ito. Magandang pagkakataon rin ito na makapag-ambag sila sa motoring history ng bansa," paliwanag ni Gatchalian.

"Ito'y isang very specialized industry na hindi alam ng marami, pero ang bansa natin kilala sa magaling na craftsmen o magaling sa paggawa ng sasakyan, ng mga vintage cars. Metikuloso tayo at marunong tayo sa mga ganitong crafting. Maliit na industriya ito pero with the proposed law, matutulungan nating maitaguyod ang vintage car restoration," dagdag pa ng mambabatas.

Sabi ng senador, marami sa mga itinuturing na car enthusiasts sa bansa ang pumasok sa negosyo ng car restoration at makapagpapatunay na maaari itong pagkakitaan. May ilan sa kanila ay nakatanggap na rin ng pagkilala at parangal mula sa mga prestihiyosong auto competitions.

Naniniwala ang senador hindi lang sa kakayahan ng mga small and medium enterprises kung hindi pati na rin sa kalidad ng mga manggagawa sa automotive restoration business sa bansa. Aniya, kaya nilang makipagsabayan sa pandaigdigang merkado.

Saklaw ng panukalang batas ang lahat ng aspeto na may kinalaman sa pagpapalakad ng importasyon at eksportasyon, pagpaparehistro at paggamit ng mga vintage o lumang mga sasakyan, pick-up trucks, vans, sports utility vehicles, Asian utility vehicles, at motorsiklo na tatlong dekada na mula nung ito'y ginawa.

Sinabi ni Gatchalian na layon din ng panukalang batas na magtatag at pagtibayin ang mga patakaran sa regulasyon na makapagpapasigla sa mga aktibidad na may kinalaman sa vintage cars at mapanatiling kapani-kapinabang pa rin ang mga ito kahit luma na.

"Maraming vintage car na dito nire-restore at binebenta sa Australia ng times 10 ang presyo. Dito mura mag-restore, magagaling pa yung mga nag-re-restore. Bagama't maliit lamang na industriya ay malaki ang potensyal na makapagbigay ng trabaho at makatulong sa ekonomiya ng bansa," pagtatapos ni Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed