Press Release
September 26, 2021

Statement of Senator Risa Hontiveros
on National Seafarers' Day

VIDEO PR LINK: https://drive.google.com/file/d/1W8wPVoSsMIEqhn589cam5nqLXKKsSCG0/view?usp=sharing

Sa pagdiriwang natin ng National Seafarers' Day, nais kong bigyang-diin ang napakahalagang papel na ginagampanan ng ating mga marino sa paglaban at pagresponde sa pandemya.

Kayo ang susi para maihatid sa iba't ibang panig ng mundo hindi lang ang essential needs gaya ng pagkain, kundi pati na ang mga medical supplies at bakuna na pinaka-kailangan upang epektibong maproteksyunan ang bawat isa laban sa COVID-19.

Pero sa kabila nito, panganib at lungkot ang inyong sinusuong sa karagatan: nalalayo sa pamilya, kulang na benepisyo, hindi sapat na legal na proteksyon, hindi ligtas na working conditions, nabibiktima ng illegal recruiter at human traffickers. Marami rin ang nawalan ng trabaho, nagkakasakit at kapos ang health benefits. May pandemya man o wala, ang mga hamon na ito ay dapat nasusuklian ng katumbas na proteksyon at pag-aalaga.

Isang malaking hakbang ang co-sponsorship natin ng Magna Carta of Seafarers sa Senado upang sa wakas ay maibigay na ang noon pa ma'y isinusulong nating dagdag-benepisyo at disenteng working conditions para sa inyo. Higit kailanman, karapat-dapat kayo sa isang healthy buhay at healthy hanapbuhay. Ito ang aking regalo para sa mga magigiting na marino na patuloy na sumasabay at nakikipaglaban sa hamon ng buhay.

Kaisa ninyo ako sa lahat ng panahon, sa lahat ng pagkakataon, saan man tayo dalhin ng alon.

Mabuhay ang mga Marino at binabati ko kayo sa ika-26 taon ng pagdiriwang Ng National Seafarers Day!

News Latest News Feed