Press Release
September 29, 2021

Bong Go welcomes expansion of national vaccination program to the general population

Kinokomendahan ko po ang desisyon ng Pangulo na buksan na po ang pagbabakuna para sa general population. Susi po ito upang mabilis nating makamit ang inaasam nating population protection at herd immunity para maging mas masaya ang ating Pasko ngayong taon at dahan-dahan tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, masaya akong ibalita na as of September 27, 2021 ay mayroon nang mahigit 44 million doses ang naiturok na bakuna kontra COVID-19, na kung saan mahigit 23 million Filipinos ay naturukan na po ng kanilang unang dose kasama na po diyan 'yung mahigit 20 million na po ang nakakumpleto na ng kanilang bakuna.

At kung patuloy na bababa ang bilang ng nagkakasakit at tataas naman ang bilang ng bakunado, mas mabilis po nating maibabangon ang ating ekonomiya at mas makakabalik po tayo sa normal nating pamumuhay pagdating ng panahon.

Pag-aralan rin po dapat nang mabuti ang mga pagbibigay ng insentibo sa mga bakunado tulad ng mas maluwag na mga patakaran. Maaaring pwede na silang kumain at pumasyal sa labas, makatrabaho at makagalaw nang wala masyadong restrictions.

Para rin po maengganyo at tumaas ang vaccine confidence, 'yung mga pribadong sektor, mayroon rin sariling mga inisyatibo tulad ng pagbibigay ng discounts, welcome po ang lahat ng ito.

Tulad ng aking sinasabi noon, bakuna muna bago pulitika, unahin nating malampasan ang pandemya para mabigyan ng tunay na pag-asa ang ating mga kababayan dahil kung hindi natin malalampasan ang krisis na ito, baka wala na tayong pulitikang paguusapan pa.

News Latest News Feed