Press Release
September 29, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE ALLEGATIONS OF ATTY. TOPACIO

Matapos aminin ni Ms. Mago na sinasalisihan nila ang gobyerno, si Atty Topacio naman ang nagtatangkang salisihan ang senado.

First, it was the witness who reached out to us. We have an e-mail thread to prove this.

Like always, may resibo ako.

We vetted the information of the witness for weeks and obtained independent corroboration of his points.

Second, sa kanyang testimonya sa senado, si Ms. Mago ang umamin na panggagantso sa gobyerno ang ginagawa nila sa mga deliveries ng Pharmally. That is unrehearsed testimony. It is on the record. Kaya huwag na silang magtangkang ilihis pa ang usapan.

Third, wala kaming kahit anong track record ng witness tampering at witness bribery. Inaalagan namin lahat ng aming witness at whistblower -- mula kay Ivy, ang Taiwanese na biktima ng illegal recruitment ng POGO, hanggang kay Alex Chiong at Dale Ignacio. Yan ang dahilan kung bakit sa opisina ko unang lumalapit ang mga testigo. Buo ang loob kong banggain ang mga abusado at may kapangyarihan dahil buo rin ang tiwala sa akin ng aming mga witnesses. Hindi namin sila binibigo.

Samantalang si Atty. Topacio, noong 2017, matatandaang sumugod sa opisina ko para kunin ang mga menor de edad na witness sa pagpaslang kay Kian De Los Santos. Hindi sya nagtagumpay dahil wala naman talaga sa dugo nya na magsulong ng katotohanan at hustisya.

Ikaapat, hindi ko uurungan ang anumang kasong isasampa laban sa akin. Handa kaming harapin, sagutin at patunayan na hindi namin kailangang magbayad para sa katotohanan. Sana ganoon din sila na handang sagutin ang mga alegasyon na hindi nagtatago sa kasinungalingan.

Atty. Topacio, hindi mo maiisahan ang taumbayan. Not today. Tulad ng mga face shields na ipinasok ng Pharmally, luma, nangingitim at expired na ang script mo.

News Latest News Feed