Press Release
October 4, 2021

Gatchalian's World Teachers' Day Message: uphold safety, welfare of education frontliners

Amid the celebration of World Teachers' Day this October 5, Senator Win Gatchalian reiterates his call to uphold the welfare and safety of the country's education frontliners, who have been sacrificing their health and safety to ensure learning continuity at this time of the COVID-19 pandemic.

For Gatchalian, the crucial next steps include the vaccination of all teachers, non-teaching staff, and other school officials, especially since the Department of Education (DepEd) is set to begin the pilot testing of limited face-to-face classes in areas with minimal risk of COVID-19. DepEd earlier announced that full vaccination will be required for teachers and non-teaching personnel participating in the pilot run of limited face-to-face classes.

"Kasabay ng unti-unting pagbubukas ng ating mga paaralan ang pagtiyak na lahat ng ating mga guro ay mababakunahan kontra COVID-19. Kung mababakunahan na ang lahat ng ating mga guro at mga kawani, matitiyak nating makakalahok sila kung sakaling mapalawig na ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa buong bansa," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

While the vaccination of teachers will help mitigate the risk of COVID-19 transmission in schools, Gatchalian emphasized that it is equally important to ensure that teachers can turn to the government if they are infected with the coronavirus disease.

Public school teachers have Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) coverage, which they can use if they get infected with COVID-19. Teachers, however, still need to spend out of their pockets before receiving reimbursements from the state insurer. One of Gatchalian's suggestions is the creation of a PhilHealth special lane for teachers to allow the speedier provision of aid for COVID-19 treatment.

Gatchalian also recognizes the work of teachers as election frontliners. In Senate Bill No. 1193 filed in 2019, Gatchalian sought to exclude from gross income and exempt from taxation the honoraria, travel allowance, and other benefits granted by the Commission on Elections (COMELEC) to teachers and poll workers under Republic Act No. 10756 or the Election Service Reform Act (ESRA). In the past elections, a 5% tax was imposed on teachers' election honoraria and allowances.

"Nagpapasalamat ako sa ating mga guro para sa kanilang serbisyo sa ating bayan. Hindi lang sila frontliners sa edukasyon, mahalaga rin ang papel nila sa pangangalaga ng ating demokrasya. Kaya naman dapat nating itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan lalo na sa gitna ng hinaharap nating krisis," said Gatchalian.

# # #


Gatchalian isinusulong ang kapakanan ng frontliners sa edukasyon sa World Teachers' Day

Sa pagdiriwang ng World Teachers' Day ngayong Oktubre 5, muling ipinanawagan ni Senador Win Gatchalian ang pagtaguyod sa kaligtasan at kapakanan ng mga frontliners sa edukasyon, lalo na't mahalaga ang kanilang papel sa patuloy na pagkatuto ng mga kabataan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Para kay Gatchalian, mahalagang matiyak na lahat ng mga guro, kawani, at mga school officials ay mababakunahan kontra COVID-19. Kasabay nito ang inaasahang pagsisimula ng pilot testing ng limited face-to-face classes sa mga lugar na itinuturing na may minimal risk ng COVID-19. Ayon sa Department of Education (DepEd), kinakailangang fully vaccinated ang mga guro at non-teaching personnel na lalahok sa limited face-to-face classes.

"Kasabay ng unti-unting pagbubukas ng ating mga paaralan ang pagtiyak na lahat ng ating mga guro ay mababakunahan kontra COVID-19. Kung mababakunahan na ang lahat ng mga guro at mga kawani, matitiyak nating makakalahok sila kung sakaling mapalawig na ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa buong bansa," pahayag ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Bagama't ang pagpapabakuna ng mga guro ay makatutulong laban sa pagkalat ng COVID-19 sa mga paaralan, sinabi ni Gatchalian na mahalaga ring matiyak na matatakbuhan ng mga guro ang pamahalaan sakaling sila ay mahawaan ng coronavirus disease.

Maaaring gamitin ng mga guro ang kanilang coverage mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sakaling sila ay mahawaan ng sakit. Ngunit kinakailangan muna nilang mag-abono bago sila makatanggap ng reimbursement mula sa PhilHealth. Kaya isang panukala ni Gatchalian ay ang pagkakaroon ng special lane para sa mga guro upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong pinansyal.

Kinikilala din ng senador ang papel ng mga guro bilang mga frontliners sa halalan. Sa Senate Bill No. 1193 na kanyang inihain noong 2019, isinusulong ni Gatchalian na huwag nang patawan ng buwis ang sahod at iba pang mga benepisyong natatanggap ng mga guro mula sa Commission on Elections (COMELEC) sa panahon ng halalan. Noong nakaraang eleksyon, may limang (5) porsyentong buwis na ipinataw sa mga sahod, benepisyo, at allowances ng mga gurong nanungkulan bilang election workers.

"Nagpapasalamat ako sa ating mga guro para sa kanilang serbisyo sa ating bayan. Hindi lang sila frontliners sa edukasyon, mahalaga rin ang papel nila sa pangangalaga ng ating demokrasya. Kaya naman dapat nating itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan lalo na sa gitna ng hinaharap nating krisis," pagtatapos ni Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed