Press Release
October 5, 2021

Gatchalian to lead Senate inquiry on preparations for face-to-face classes

The Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture will hold an inquiry on the preparations for the pilot testing of limited face-to-face classes, Senator Win Gatchalian said.

The Department of Education (DepEd) and the Department of Health (DOH) have recently signed the joint circular on the pilot test of limited in-person learning. The two agencies eye 120 schools�100 public schools and 20 private private schools--to participate in the dry run of face-to-face classes, which will be closely monitored for two months.

While Gatchalian strongly supports the pilot run of limited in-person learning, he pressed the need to assure the public that all steps are taken to ensure the safety of learners, teachers, and other school personnel. The lawmaker added the need to assess how the vaccination of minors beginning in October will complement the gradual reopening of schools.

"Ang unti-unti nating pagbabalik sa face-to-face classes ay isang mahalagang hakbang upang makabalik sa normal ang ating sektor ng edukasyon. Ngunit ang pinakamahalagang dapat nating matiyak ay kung paano mapapanatiling ligtas ang ating mga guro at mag-aaral kapag nagsimula na ang pilot testing," said Gatchalian.

"Nais nating gawing maliwanag ang lahat ng hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan, kabilang ang pagpapabakuna ng mga guro at mga kabataan, lalo na't magsisimula na ang pagbabakuna ng general population sa Oktubre," he added.

Schools participating in limited face-to-face classes should be located in minimal-risk areas based on the criteria set by the DOH. They should also pass the school safety assessment by DepEd, DOH, the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), and other organizations dedicated to improving child health care.

Support from local government units is also needed to allow school participation in the dry run. This can be expressed through a letter of support or a resolution. Schools also need to secure expressed support from parents.

The joint guidelines also provide that a maximum of 12 learners will be allowed in Kindergarten, 16 learners for Grades 1 to 3, 20 learners for Grades 4-12, and 12 learners for technical-vocational livelihood (TVL) workshop and science laboratory.

# # #


Paghahanda para sa face-to-face classes tatalakayin sa Senado�Gatchalian

Tatalakayin ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan kaugnay sa pagsasagawa ng pilot test ng limited face-to-face classes.

Ito ang pahayag ni Senador Win Gatchalian kasunod ng paglagda ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) sa joint circular ng limited face-to-face classes. Balak ng dalawang ahensya na mamili ng isang daan at dalawampung mga paaralang lalahok sa naturang dry run. Isang daang pampublikong paaralan ang lalahok samantalang dalawampu naman ang mula sa mga pribadong paaralan. Ang isasagawang dry run ay mahigpit na tututukan at susuriin sa loob ng dalawang buwan.

Bagama't suportado ni Gatchalian ang pagpapatupad ng pilot test para sa face-to-face classes, aniya'y dapat tiyakin ng pamahalaan sa publiko na ginagawa ang lahat ng hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, mga guro, at iba pang mga kawani. Dapat din aniyang suriin ang planong pagpapabakuna sa mga menor de edad sa Oktubre kaugnay ng unti-unting pagbubukas ng mga paaralan.

"Ang unti-unti nating pagbabalik sa face-to-face classes ay isang mahalagang hakbang upang makabalik sa normal ang ating sektor ng edukasyon. Ngunit ang pinakamahalagang dapat nating matiyak ay kung paano mapapanatiling ligtas ang ating mga guro at mag-aaral kapag nagsimula na ang pilot testing," ani Gatchalian.

"Nais nating gawing maliwanag ang lahat ng hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan, kabilang ang pagpapabakuna ng mga guro at mga kabataan, lalo na't magsisimula na ang pagbabakuna ng general population sa Oktubre," dagdag pa ng senador.

Ang mga paaralang lalahok sa limited face-to-face classes ay dapat matatagpuan sa mga minimal-risk areas batay sa pamantayang inilatag ng DOH. Dapat din silang makapasa sa safety assessment na isasagawa ng DepEd, DOH, Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, at iba pang mga organisasyong nakatutok sa kalusugan ng mga kabataan.

Dapat ding pahintulutan ng mga lokal na pamahalaan ang pakikilahok ng mga paaralan sa binabalak na dry run. Ito ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng isang liham o resolusyon. Dapat ding hayagang ipahawatig ng mga magulang ang pagsuporta nila sa pakikilahok ng mga paaralan sa pilot test.

Sa ilalim ng joint guidelines, labindalawang mga mag-aaral ang pinakamaraming papayagan sa Kindergarten, labing-anim sa Grade 1 hanggang Grade 3, dalawampung mag-aaral sa Grade 4 hanggang Grade 12, at labindalawa naman sa technical-vocational livelihood (TVL) workshop at science laboratory.

# # #

News Latest News Feed