Press Release
October 14, 2021

Gatchalian calls for reactivation of Pantawid Pasada to cushion impact of oil price hikes

In the wake of the spiraling increase in oil prices, Senator Win Gatchalian urged the government to reactivate the fuel subsidy Pantawid Pasada Program to provide relief to the public transport sector and cushion the impact of high fuel prices on the riding and consuming public.

"Ang panawagan ko sa ating pamahalaan ay protektahan natin ang ating mga tsuper at pasahero. Dito papasok 'yung programa na Pantawid Pasada kung saan pinopondohan muna ng gobyerno para ma-absorb 'yung pagtaas ng presyo ng petrolyo," Gatchalian said.

Gatchalian likewise called on the Department of Energy (DOE) to monitor the compliance of oil companies on their inventory requirements to ensure adequate supply and help mitigate further price increases in the coming months.

Gatchalian, in taking note of the global oil supply and price movements, rang the bell as the country's oil companies raised pump prices for the seventh consecutive week.

As much as P1.50 per liter for diesel, P1.45 per liter for kerosene and P1.30 per liter for gasoline were imposed by Chevron Philippines Inc., PTT Philippines, Seaoil Philippines, PetroGazz, Unioil Petroleum Philippines, and Cleanfuel effective Tuesday, October 12, 2021.

The Senate Energy Committee Chairperson said there's a potential average increase of P1,422.50 in the monthly expense of jeepneys for gasoline and a potential average increase of P598.36 for diesel.

To cover for the three-month subsidy of the estimated 178,244 valid franchise holders of public utility jeepneys (PUJs) nationwide, the government will have to shell out at least P914,160,894 million, Gatchalian said.

He further said that the price of gasoline increased to P58.85 per liter this month compared to P51.25 in October last year while diesel prices rose to P47.90 per liter this month compared to last year's P35.46.

"Itong sitwasyon natin ay maaari pang lumala dahil bukod sa winter season na, maraming ekonomiya na sa buong mundo ang unti-unting nagbubukas at dumadami na rin ang gumagamit ng petrolyo. Inaasahan nating tuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado hanggang sa katapusan ng taon," Gatchalian said.

# # #


Gatchalian iginiit ang Pantawid Pasada para maibsan ang epekto ng pagsirit ng presyo ng langis

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, inihirit ni Senador Win Gatchalian sa pamahalaan ang muling pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program bilang ayuda sa public transport sector at para maibsan ang epekto sa publiko ng dagdag presyo ng petrolyo.

"Ang panawagan ko sa ating pamahalaan ay protektahan natin ang ating mga tsuper at pasahero. Dito papasok 'yung programa na Pantawid Pasada kung saan pinopondohan muna ng gobyerno para ma-absorb 'yung pagtaas ng presyo ng petrolyo," sabi ni Gatchalian.

Nanawagan din si Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na i-monitor ang imbentaryo ng mga kumpanya ng langis para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na buwan.

Nakakaalarma na ani Gatchalian ang sunod sunod na pagsipa ng presyo ng langis sa loob ng pitong linggo. Nito lang nakaraang Martes, Oktubre 12, ay nagpatupad ng dagdag na P1.50 kada litro sa presyo ng diesel, P1.45 kada litro sa kerosene, at P1.30 kada litro sa gasolina ang mga kumpanyang Chevron Philippines Inc., PTT Philippines, Seaoil Philippines, PetroGazz, Unioil Petroleum Philippines, at Cleanfuel.

Sa pagtataya ng Senate Energy Committee Chairperson, posibleng umabot ng P1,422.50 ang karagdagang gastos ng mga jeepney na gumagamit ng gasolina at P598.36 naman sa mga gumagamit ng diesel.

Upang maibsan ang pasaning ito, sinabi ni Gatchalian na maaaring maglabas ang gobyerno ng P914,160,894 milyon upang punan ang dagdag na gastusin ng tinatayang 178,244 na bilang ng franchise holders ng public utility jeepney (PUVs).

Kumpara sa P51.25 kada litro na presyo ng gasolina noong Oktubre ng nakaraang taon, ang kasalukuyang presyo nito ngayon ay nasa P58.85 na samantalang ang diesel naman ay umabot na sa P47.90 kada litro kumpara sa P35.46 sa parehong buwan noong 2020.

"Itong sitwasyon natin ay maaari pang lumala dahil bukod sa winter season na, maraming ekonomiya na sa buong mundo ang unti-unting nagbubukas at dumadami na rin ang gumagamit ng petrolyo. Inaasahan nating tuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado hanggang sa katapusan ng taon," ani Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed