Press Release
October 18, 2021

Gatchalian seeks adequate funding for Senior High School financial assistance

The Senior High School Voucher Program (SHS-VP) is in peril with its budget facing a looming decline of P.8.7 billion for the next fiscal year, Senator Win Gatchalian said.

Under the 2021 General Appropriations Act (GAA), P25.2 billion was allocated to the SHS-VP. This includes P11.5 billion under Unprogrammed Appropriations, P4.8 billion of which was already released by the Department of Education (DepEd) as of September 2021. Under the 2022 National Expenditure Program (NEP), however, only P16.5 billion was allotted to the SHS-VP. With this projected budget, the number of beneficiaries is expected to decline by 33,883 compared to 2021.

The SHS-VP targets 1.38 million beneficiaries for fiscal year 2022, which requires a budget of P24.6 billion or P12.3 billion per semester. This will fund the 2nd semester of School Year (SY) 2021-2022 and 1st semester of SY 2022-2023. Based on the 2021 GAA, each voucher is valued at P17,793.

Under the 2021 budget, P5.9 billion is available for the 1st semester of SY 2021-2022, facing a shortfall of P6.7 billion. If this P6.7 billion-deficit is charged to the P16.5 budget for FY 2022, only P9.8 billion will be available, which will not be enough to fund even one semester of the SHS-VP.

The SHS VP is a financial assistance program that enables underprivileged but qualified senior high school students to study in private schools, state and local universities and colleges.

"We have to send a clear signal to our private schools because they are hurting, and reducing the budget of the SHS-VP will definitely send the wrong signal to our private schools," Gatchalian said during the Senate panel hearing on DepEd's proposed budget for 2022.

Gatchalian pointed out that ensuring adequate funding for the SHS-VP will also prevent the accumulation of payables to private schools, which are already struggling with more job losses incurred amid the COVID-19 pandemic due to a decline in enrollment rates.

"Kung matitiyak nating may sapat na pondo ang voucher program para sa senior high school, matitiyak natin ang patuloy na edukasyon ng mga mag-aaral na bahagi ng programa. Matutulungan din natin ang mga pribadong paaralan na ating katuwang sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon," Gatchalian added.

# # #


Gatchalian nais tiyakin ang sapat na pondo para sa Senior High School financial assistance

Nababahala si Senador Win Gatchalian sa pagbaba ng halos siyam (8.7) na bilyong piso sa pondo ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP) para sa taong 2022.

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), mahigit dalawampu't limang (25.2) bilyong piso ang nakalaan para sa SHS-VP. Kabilang dito ang mahigit labing-isang (11.5) bilyong piso sa ilalim ng 'Unprogrammed Appropriations,' kung saan umabot na sa halos limang (4.8) bilyong piso ang nailabas ng DepEd noong Setyembre 2021.

Ngunit sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2022, mahigit labing-anim (16.5) na bilyong piso lamang ang nakalaan sa programa. Tinatayang mababawasan ng mahigit tatlumpu't tatlong libo (33,883) ang mga benepisyaryo ng programa sa susunod na taon kung hindi magbabago ang panukalang budget.

Target ng programang magkaroon ng 1.38 milyong mga benepisyaryo para sa taong 2022. Halos dalawampu't limang (24.6) bilyong piso ang kinakailangan dito, o 12.3 bilyong piso kada semestre. Kung magkakaroon ng 24.6 bilyong pisong pondo ang programa, mapopondohan ang ikalawang semestre ng School Year (SY) 2021-2022 at ang unang semestre ng SY 2022-2023.

Kung ang 2021 GAA ang gagamiting batayan, kada voucher ay katumbas ng 17,793 piso.

Sa ilalim ng 2021 budget, may halos anim (5.9) na bilyong piso pa ang nakalaan para sa unang semestre ng SY 2021-2022, ngunit kukulangin pa rin ito ng halos pitong (6.7) bilyong piso. Kung ang kulang na pondong ito ay pupunan gamit ang halos labing-pitong (16.5) bilyong piso para sa taong 2022, mahigit siyam (9.8) na libong piso na lang ang matitira sa programa at hindi na ito sasapat para pondohan ang isang semestre ng SHS-VP.

Ang SHS VP ay isang programang tulong pinansyal sa mga nangangailangan ngunit kwalipikadong mga mag-aaral sa senior high school upang makapag-aral sila sa mga pribadong paaralan, o kaya sa mga state and local universities and colleges.

"Kailangan nating magpadala ng malinaw na mensahe sa ating mga pribadong paaralan dahil nahihirapan sila, at kung babawasan natin ang pondo ng SHS-VP, hindi maganda ang mensaheng matatanggap ng ating mga pribadong paaralan," pahayag ni Gatchalian sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng DepEd para sa taong 2022.

Paliwanag ni Gatchalian, ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa SHS-VP ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpapatong-patong ng utang ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan, lalo na't dinanas ng mga ito ang pagkawala ng maraming mga trabaho at pagbaba ng enrollment ngayong panahon ng pandemya.

"Kung matitiyak nating may sapat na pondo ang voucher program para sa senior high school, matitiyak natin ang patuloy na edukasyon ng mga mag-aaral na bahagi ng programa. Matutulungan din natin ang mga pribadong paaralan na ating katuwang sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon," dagdag ni Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed