Press Release
December 17, 2021

Gatchalian: Senate panel to inquire on expansion of face-to-face classes

The Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture is set to conduct an inquiry on the planned expansion of limited face-to-face classes next year, Senator Win Gatchalian said.

Gatchalian, who chairs the Senate's basic education panel, says the public hearing will consider developments such as the threat of the Omicron variant and the vaccination of minors aged 5-11. The government is eyeing the vaccination of minors below 12 by January 2022 if the Food and Drug Administration (FDA) grants emergency use approvals to COVID-19 vaccines for children's use this month.

The pilot run of in-person learning was originally set to end on January 31, 2022, while the expansion phase was scheduled on March 7, 2022. The Department of Education (DepEd), however, recently announced that the pilot run will conclude by December. While the DepEd eyes the expansion of limited face-to-face classes by January, the timeline will ultimately depend on the assessment of the Department of Health (DOH).

To date, 272 schools have been participating in the dry run of limited face-to-face classes nationwide. No COVID-19 cases have so far been reported and linked to the dry run of in-person learning, the DepEd reported.

Citing the negative impact of prolonged school closures, Gatchalian earlier urged the DepEd and the DOH to shorten the original timeline and avoid a two-year lack of face-to-face classes. The National Economic and Development Authority (NEDA) estimates that the yearlong lack of face-to-face classes will result in P11 trillion in lost productivity over the next 40 years.

"Sinusuportahan natin ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes upang tayo ay matuto sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan," said Gatchalian.

"Ngunit nananatiling prayoridad natin ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, kawani, at mga guro, kaya naman mahalagang malaman natin ang mga susunod na hakbang upang mapanatili ang kumpyansa ng ating mga kababayan, lalo na ng ating mga mag-aaral at kanilang mga magulang," the senator added.

Gatchalian is also pushing for regular COVID-19 testing for teachers to mitigate the risks of holding in-person classes. He recalled that two schools in Zambales had to defer their opening of in-person classes after some teachers tested positive for COVID-19. The lawmaker also reiterated the importance of ensuring immediate government support to teachers falling ill with COVID-19.

# # #

________________________________________

Gatchalian: Balak na pagpapalawig ng face-to-face classes diringgin sa Senado

Nakatakdang dinggin ng Senado ang planong pagpapalawig sa limited face-to-face classes sa susunod na taon, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, isasagawa ang pagdinig upang talakayin ang ilang mahahalagang usaping makakaapekto sa pagsasagawa ng face-to-face classes, kabilang ang banta ng Omicron variant at ang pagbabakuna ng mga menor de edad na nasa lima hanggang labing-isang taong gulang.

Kung mabibigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga bakuna kontra COVID-19 ng emergency use approvals para magamit sa mga bata, sisimulan na ng gobyerno sa Enero 2022 ang pagbabakuna ng mga menor de edad na mas bata sa labindalawang taon.

Sa Enero 31, 2022 pa sana magtatapos ang pilot run ng limited face-to-face classes, habang sa Marso 7, 2022 pa magsisimula ang pagpapalawig o expansion phase. Ngunit inanusyo na ng Department of Education (DepEd) na magwawakas na ngayong Disyembre ang pilot run. Bagama't balak ng kagawaran na magsimula na ang expansion sa Enero, magbibigay pa rin ng rekomendasyon ang Department of Health (DOH) batay sa kanilang magiging pagsusuri.

Sa kasalukuyan, may 272 na mga paaralan ang kasama sa dry run ng limited face-to-face classes sa buong bansa. Ayon sa DepEd, wala pang naiuulat na nahawa ng COVID-19 sa mga lumahok sa dry run ng face-to-face classes.

Matatandaang hinimok ni Gatchalian ang DOH at DepEd na magpatupad ng mas maikling timeline para sa pagbubukas ng mga paaralan. Ito ay upang maiwasang umabot sa dalawang taon ang kawalan ng face-to-face classes. Dahil sa mahigit isang taong walang face-to-face classes, tinataya ng National Economic and Development Authority (NEDA), na aabot sa labing-isang trilyong piso ang katumbas ng productivity losses sa bansa sa susunod na apatnapung taon.

"Sinusuportahan natin ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes upang tayo ay matuto sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan," ani Gatchalian.

"Ngunit nananatiling prayoridad natin ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, kawani, at mga guro, kaya naman mahalagang malaman natin ang mga susunod na hakbang upang mapanatili ang kumpyansa ng ating mga kababayan, lalo na ng ating mga mag-aaral at kanilang mga magulang," dagdag na pahayag ng senador

Isinusulong din ni Gatchalian ang regular na COVID-19 tests para sa mga guro. Matatandaang may dalawang paaralan sa Zambales na ipinagpaliban ang pagsasagawa nila ng face-to-face classes matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga guro. Binigyang diin din ni Gatchalian ang kahalagahan ng agarang suporta para sa mga gurong mahahawa ng COVID-19.

# # #

News Latest News Feed