Press Release
December 21, 2021

Gatchalian inspects extent of Typhoon Odette's wrath; extends aid to affected provinces

As damage to property and number of casualties continue to climb days after Typhoon Odette struck Visayas and Mindanao, Senator Win Gatchalian flies to the calamity-stricken areas today, December 21, to extend assistance and to personally assess the situation in the devastated areas.

"Sa tindi at lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Odette, kailangang pagtulungan natin ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya, maging sa mga lokal na pamahalaan. Makakatulong itong maibsan ang mga alalahanin nila sa kasalukuyan," the senator said.

The Senate Economic Affairs Committee Vice Chairperson is set to visit Southern Leyte, Bohol, and Surigao del Norte until December 23 to distribute aid.

The senator brings with him P26 million assistance in the form of cash and in kind from Valenzuela City, the senator's hometown. He will personally hand over the assistance to the local officials. The senator will be joined by Valenzuela Vice Mayor Lorie Natividad-Borja.

The Valenzuela City Council passed a resolution on Monday, December 20, authorizing Mayor Rex Gatchalian to release the said assistance from the quick response fund (QRF) of the Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) to Southern Leyte, Bohol, Surigao del Norte, Cebu, and Dinagat islands.

The senator will also donate sacks of rice to the local government units of the said affected areas.

Gatchalian is likewise set to make rounds in various evacuation centers to ascertain how the national government can step up the relief and rehabilitation efforts.

The Senate Energy Committee Chairperson has earlier urged the National Electrification Administration (NEA) to immediately tap the Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) in order to provide relief to electric cooperatives affected by Typhoon Odette and assure that there will be electricity in affected areas come Christmas.

"Hindi natatapos sa pagbibigay ng pang madaliang ayuda ang ating pagtulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo. Sisiguraduhin

natin na mabibigyan din sila ng pang matagalang tulong upang maging mas masaya ang kanilang pasko hindi lang ngayong taon, kundi sa mga darating pa," he said

# # #

__________________________________________

Gatchalian aalamin ang tindi ng pinsala ni 'Odette'; magpaparating ng tulong sa mga nasalanta

Habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi at halaga ng nasirang mga ari-arian ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao, bibisitahin ni Senador Win Gatchalian ang mga nasalantang lugar ngayong araw, Disyembre 21, upang personal na magbigay ng tulong at suriin ang kasalukuyang sitwasyon sa mga lugar.

"Sa tindi at lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Odette, kailangang pagtulungan natin ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya, maging sa mga lokal na pamahalaan. Makakatulong itong maibsan ang mga alalahanin nila sa kasalukuyan," sabi ng senador.

Nakatakdang mag-ikot ang Senate Economic Affairs Committee Vice Chairperson sa Southern Leyte, Bohol, at Surigao del Norte hanggang Huwebes upang maghatid ng tulong.

Bitbit ng senador ang P26 milyon na tulong mula sa Valenzuela City, ang bayan ng senador. Personal niyang iaabot ang nasabing tulong sa mga lokal na opisyal ng mga apektadong probinsiya. Kasama ni Gatchalian si Valenzuela Vice Mayor Lorie Natividad-Borja sa pag-iikot.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Valenzuela City Council, nabigyan ng pahintulot si Mayor Rex Gatchalian na magpaabot ng nasabing tulong na nagmula sa quick response fund (QRF) ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) ng lungsod.

Magbibigay din ng sako-sakong bigas ang senador sa mga lokal na pamahalaan ng mga nasabing apektadong lugar.

Nakatakdang mag-ikot si Gatchalian sa iba't ibang evacuation centers para alamin kung paano mapapabilis ng national government ang mga isinasagawang relief at rehabilitation efforts.

Nauna nang hinimok ng Senate Energy Committee Chairperson ang National Electrification Administration (NEA) na agarang gamitin ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) para mabigyan ng financial assistance ang mga electric cooperatives sa pagkukumpuni nila ng mga nasirang linya ng kuryente at mga power infrastructure upang matiyak ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar pagdating ng Pasko.

"Hindi natatapos sa pagbibigay ng pang madaliang ayuda ang ating pagtulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo. Sisiguraduhin natin na mabibigyan din sila ng pang matagalang tulong upang maging mas masaya ang kanilang pasko hindi lang ngayong taon, kundi sa mga darating pa," ani Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed