Press Release
December 30, 2021

Dispatch from Crame No. 1195:
Sen. Leila M. de Lima on the lifting of ban on open-pit mining

Mukhang may nag-iipon ng maraming pera para paghandaan ang habang-buhay na pagtakas sa responsibilidad para sa mga kasalanan n'ya sa bayan sa pamamagitan ng iba't-ibang midnight deals with a parade of devils.

How desperate is Duterte right now that he caved in to mining lobbyists to undo an almost term-long policy against open-pit mining?

We have seen countless times how Filipinos somehow find ways to help our economy bounce back from disasters.

Halimbawa na lang nung tayo ay bumangon mula sa ilang dekadang pangungulimbat at pandarambong ng pamilyang Marcos sa ating kabang-bayan. Ilang henerasyon ng Filipino ang nagbayad at patuloy na nagbabayad ng bilyun-bilyong pisong utang na iniwan nila sa atin na hindi naman pinakinabangan ng ating bansa.

Subalit sa kabila ng sipag at galing ng mga Filipino, hindi natin kayang kumita ng sapat upang busugin ang mga trapong ganid.

The greed of corrupt political dynasties, traditional politicians, and public officials is insatiable as it is deplorable. Now they have found yet another target to feed their bottomless appetite: open-pit mining.

Open-pit mining presents a slippery slope where greedy capitalists are given the opportunity to ruthlessly exploit our natural resources and present our regulators and public officials extremely tempting moral hazards.

How often in our history have we seen corruption leading to total disregard of the welfare of our people? We have seen this happen before during the logging concessions handed out to cronies with nary any regulations which resulted in catastrophic effects in our ecosystems and communities.

Malinaw ang epekto ng open-pit mining sa ating kalikasan at pamayanan: Kinakalbo nito ang kagubatan; Pinapatag ang mga bundok; Sinisira at dinudumihan ang ating mga watershed; Inuubos ang mga bukirin at taniman; at pinaaalis ang mga katutubo sa kanilang mga tirahan.

Kakatapos lamang ng pananalasa ng bagyong Odette sa ating bansa na sumira sa ari-arian at kabuhayan ng napakarami nating kababayan at kumitil ng maraming buhay. At alam nating marami pa ang darating.

Kapag sinira natin ang mga kagubatan at kabundukan na natural nating depensa sa mga bagyo at baha, lalong malala pa ang magiging epekto sa atin ng mga bagyo.

Kapag nasira ang ating mga kabukiran, lalong mauubusan tayo ng pagtataniman ng ating mga pagkain.

Kapag nawala ang ating mga watershed, hindi natin mapapawi ng pera ang uhaw.

Maaaring malaking pera ang kikitain ng ating bansa sa mining. Pero lalong malaking delubyo ang ating kakaharapin pag papayagan natin ang industriya na sisira sa ating kalikasan.

Open-pit mining ban na lang ang natitirang matinong polisiya ni Duterte, dahil pa yun sa walang takot na pakikipaglaban ng yumaong Sec. Gina Lopez. Kung payagan ni Duterte na magpatuloy ang open-pit mining, isa na naman itong karagdagang patunay na wala siyang prinsipyo at isang-salita.

The welfare of our people must always be paramount. No amount of money can pay for a truly sustainable development that would meet our present needs without compromising those of our future generations.

Ban open-pit mining. Protect our future.

(Access the handwritten version, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_from_crame_no._1195)

News Latest News Feed