Press Release
January 17, 2022

Villanueva: Tap P2.26 B 'reforestation' fund to provide jobs in Odette-hit areas

Bulk of this year's P2.26 billion reforestation fund should go to Odette-hit areas so that victims can earn while replanting trees in lands described as having been "scraped by steel brush," Senator Joel Villanueva said today.

Using the P2.26 billion National Greening Program (NGP) budget of the DENR could provide jobs to residents whose livelihood has also been "blown off by the typhoon," Villanueva said.

The government is in the position to use the NGP money to serve the "employment and the environment" requirements in disaster areas, Villanueva added.

"The destruction of forest and mangrove cover has made them more vulnerable to future typhoons and the landslides they cause," Villanueva explained.

"But the good thing is that the government has the money to restore this with the added bonus of providing much needed jobs to people who will work on it," Villanueva said.

"Matutugunan po ang pangangailangan ng kabuhayan at ang pagtatanggol sa kalikasan," Villanueva said. "Mas mainam rin po itong uri ng 'relief' ang trabaho lalo na kung nakakatulong sa kalikasan."

He said NGP funds can be spent on mangrove planting as this foreshore greenbelt, in addition to providing food as fish nursery, and serves as a "tsunami and storm surge armor" for coastal communities that climate change has made more vulnerable to the frequent storms it unleashes.

"This is a marriage of disaster relief and disaster resilience. Ang magandang tulong sa ating mga kababayan ay trabaho, magandang trabaho," Villanueva said.

Launched in 2011, the P2.26 billion for the NGP funds one of the banner programs in the P19 billion budget of the DENR for 2022.

_________________________________________________

Villanueva: P2.26B pondo para sa 'reforestation,' gamitin para sa trabaho sa mga lugar na sinalanta ni 'Odette'

Ang bulto ng pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette para mabigyan ng trabaho at kabuhayan ang mga nasalanta habang nagtatanim ng mga puno sa mga lugar na nasira ng sakuna, ayon kay Senator Joel Villanueva.

Ani Villanueva, ang P2.26 bilyong pondo para sa National Greening Program o NGP ng DENR ay makakapaghatid ng trabaho para sa mga residente na nawalan ng kabuhayan dahil sa bagsik ng epekto ni Odette.

Dagdag pa ni Villanueva, nasa posisyon ang pamahalaan na gamitin ang pondo ng NGP para makapagbigay ng kabuhayan sa mga biktima at maprotektahan ang kapaligiran.

"Ang pagkasira ng mga kagubatan ay magdudulot po ng higit na pinsala o landslide dahil nawalan sila ng forest at mangrove cover," paliwanag ni Villanueva.

"Pero ang good news ay kaya po itong maiwasan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at pagbibigay ng trabaho sa mga taong nasalanta," ani Villanueva.

"Matutugunan po ang pangangailangan ng kabuhayan at ang pagtatanggol sa kalikasan. Mas mainam na ang uri ng 'relief' ang trabaho lalo na kung nakakatulong sa kalikasan," ayon kay Villanueva.

Dagdag pa ni Villanueva, magagamit ang pondo para sa NGP para sa mangrove planting na magsisilbing fish nursery at maging "tsunami at storm surge armor" para sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Ang NGP ay inilunsad noong 2011, at ang P2.26 bilyon na pondo nito ay isa sa mga programa sa P19-bilyon na pondo ng DENR sa 2022.

News Latest News Feed