Press Release
February 23, 2022

Dispatch from Crame No. 1222:
Sen. Leila M. de Lima on the series of killings of Customs employees

Sa nakalipas na tatlong buwan, apat na insidente na ng pag-atake sa mga kawani ng Bureau of Customs ang naiulat. Dalawa ang napatay, habang dalawa ang sa kabutihang palad ay nakaligtas.

Nakikiramay po tayo sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima; hangad po nating makamit nila ang hustisya at mapapanagot na ang mga salarin.

Pero paano ba agarang malulutas ang mga kaso kung tatahi-tahimik lang dito ang gobyerno? Nang sinabing iimbestigahan ang mga naunang insidente mula Disyembre, anong resulta, umusad man lang ba sila? Para bang kung kailan may bagong biktima, saka lang pinapalalim ang pag-imbestiga.

Is this regime taking care of loose ends at the BOC, where they failed to stop the influx of illegal drugs and other smuggled products?

A swift, serious and impartial investigation should be conducted as it is not normal that multiple personnel from one government agency are being targeted by seemingly uncatchable and unidentified hitmen.

Mga pinatutumbang empleyado ng Customs, mga nawawalang sabungero, libo-libong biktima ng War on Drugs. Kung hindi man lantarang kinukunsinte, ay tikom ang bibig ng rehimeng Duterte. Ilang buwan na lang sa termino ang administrasyong ito at siguradong marami pang mabibiktima kung hindi seryosong sisiyasatin ang mga brutal at karumal-dumal na karahasang ito.

Kailangan tukuyin kung ito ba ay sindikato o baka naman mismong ang mga nasa kapangyarihan ang nasa likod nito.

(Access the handwritten version, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._1222)

News Latest News Feed