Press Release
March 1, 2022

Gatchalian on 4th National Vaccination Day: Mobilize schools for pediatric vaccination

With the government preparing for the fourth round of Bayanihan, Bakunahan or National Vaccination Day this coming March, Senator Win Gatchalian bats for the participation of schools and Department of Education (DepEd) field units to increase vaccination coverage in the pediatric population.

The re-electionist senator cited the crucial role of COVID-19 vaccination among learners to ensure the safe resumption of face-to-face classes. Gatchalian, who is Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, has been pushing for the resumption of in-person learning to jumpstart the recovery of the education sector. The fourth National Vaccination Day will prioritize senior citizens and the primary series for the pediatric population.

According to Gatchalian, tapping schools is an efficient way to identify and monitor learners who are eligible to receive the COVID-19 vaccine. Around 14 million learners aged 5-11 are eligible to receive the COVID-19 vaccine, the DepEd said. The government targets to inoculate 15.56 million children in this age group.

"Magandang pagkakataon ang fourth national vaccination day upang mabakunahan pa ang mas marami nating mga mag-aaral. Kung mas marami tayong mababakunahan na mga mag-aaral, mas makatitiyak tayo sa kanilang kaligtasan pagdating sa face-to-face classes," said Gatchalian.

The lawmaker added that the fourth national vaccination day is an opportunity to ensure that eligible teachers can receive their booster shots, which can be administered three months after the second dose. In a televised press briefing on February 24, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III said that only 28% of the eligible population have received their booster shots.

Only vaccinated teachers are allowed to participate in face-to-face classes, while vaccinated learners are given preference. Based on DepEd's timeline, the "transitioning to new normal" starts during School Year 2022-2023 where face-to-face instruction is institutionalized as part of the overall learning delivery system amidst the pandemic.

Based on estimates by the National Economic and Development Authority (NEDA), the lack of face-to-face classes in the country for one year will result in P11 trillion in productivity losses over the next 40 years.

# # #

________________________________________

4th Nat'l Vaccine Day kasado na; Gatchalian isinulong ang pakikipagtulungan sa mga paaralan

Sa gitna ng paghahanda ng pamahalaan para sa ika-apat na Bayanihan, Bakunahan o National Vaccination Day ngayong Marso, isinulong naman ni Senador Win Gatchalian ang pakikilahok ng mga paaralan at ng mga Department of Education (DepEd) local field units upang mapalawig ang pagbabakuna sa pediatric population o mga bata.

Binigyang diin ni Gatchalian ang papel ng pagbabakuna kontra COVID-19 upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes, bagay na patuloy na isinusulong ng mambabatas para sa muling pagbangon ng sektor ng edukasyon. Bibigyang prayoridad ng ika-apat na National Vaccination Day ang mga senior citizens at ang primary series o unang mga bakuna para sa kabataan.

Ayon kay Gatchalian, ang pakikipagtulungan sa mga paaralan ay mabisang paraan para sa pagtukoy, pag-oorganisa, at pag-monitor sa mga kabataang maaari nang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19. Ayon sa DepEd, tinatayang 14 milyong mga mag-aaral na may edad na 5 hanggang 11 ang maaari nang makatanggap ng COVID-19 vaccine. Balak ng pamahalaang magbakuna ng 15.56 milyong mga kabataan sa age group na ito.

"Magandang pagkakataon ang fourth national vaccination day upang mabakunahan pa ang mas marami nating mga mag-aaral. Kung mas marami tayong mababakunahan na mga mag-aaral, mas makatitiyak tayo sa kanilang kaligtasan pagdating sa face-to-face classes," ani Gatchalian.

Dagdag pa ng senador, ang panukalang national vaccination day ay oportunidad din upang matiyak na makatatanggap ang mga guro ng kanilang mga booster shots na itinuturok tatlong buwan matapos ang second dose. Sa isang panayam sa telebisyon noong Pebrero 24, iniulat ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na wala pang tatlumpung (28) porsyento ng eligible population ang nakatanggap na ng booster shots.

Mga bakunadong guro lamang ang pinapayagang lumahok sa face-to-face classes, samantalang bibigyan naman ng prayoridad ang mga bakunadong mag-aaral. Sa timeline ng DepEd, ang School Year 2022-2023 ang ituturing nang New Normal kung saan ang face-to-face instruction ay pormal nang bahagi ng pagtuturo sa gitna ng pandemya.

Tinataya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na dahil sa isang taong kawalan ng face-to-face classes, 11 trilyong piso ang magiging katumbas ng productivity losses sa bansa sa susunod na 40 taon.

# # #

News Latest News Feed