Press Release
March 13, 2022

STATEMENT OF SEN. BONG GO:
RE: PATAFA & EJ OBIENA

Nakakalungkot na dahil sa bangayan, nasayang ang pagkakataong mabigyan muli ng karangalan ang ating bansa sa larangan ng sports.

What has now happened to our battle cry "We win as one" if we could not even resolve issues as one and unite and support our athletes as one people, as one nation?

Bilang Chair ng Senate Committee on Sports, nagpatawag na po tayo ng hearing noong February 7 kung saan nahimok natin ang PATAFA at si EJ Obiena na mag-usap at pumayag na lumahok muli sa mediation process. Inatasan natin ang Philippine Sports Commission para pangunahan ito bilang pagganap sa kanilang mandato.

Dahil ongoing pa ang mediation process, patuloy akong nananawagan sa PSC at sa dalawang panig na magusap at bilisan ang pagresolba ng gusot na ito. Ang kooperasyon ninyo ang kailangan para maayos ang lahat for the sake of our country. Magkaisa po tayo at sana ay walang pulitika sa sports.

Ayusin na ang dapat ayusin. Gawin ninyo ang tama, isantabi ang pansariling interes, at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan. Maging magandang ehemplo po sana kayo sa inyong salita at gawa dahil maraming mga Pilipino ang tumitingala sa inyo. Umaasa ang buong sambayanan na magiging maganda ang kahihinatnan ng usapang ito para na rin sa kapakanan ng susunod na henerasyon ng mga atleta.

News Latest News Feed